Prologue

14 0 0
                                    

For the first in my entire life I realized how unfair life is.

Parehong mga katanungan ang paulit-ulit na gumugulo sa isipan ko. Paulit-ulit kong tinatanong kung bakit Niya pa hinahayaan ang ibang bagay na dumating kung mawawala rin naman ito agad? Bakit Niya pa tayo hinahayaan na maging masaya kung agad din naman itong mapaplitan ng kalungkutan. Bakit hindi Niya nalang tayo hayaan na maging masaya palagi? At bakit Niya pa hinahayaan na may  dumating sa ating buhay kung mawawala rin naman ito?

Palagi kong tinatanong kung kung bakit Niya pa hinahayaan na ma-attached sa isang tao kung aalis din naman ito?

Bakit pa natin hinahayaan ang ating sarili na mas lalong mapalapit sa isang tao kahit alam naman nating masasaktan lang tayo?

But I guess, that's what life is. Kahit anong gawin nating iwas sa isang tao, basta't ang tadhana ang gumawa ng paraan, wala parin tayong magagawa. Na kahit anong gusto mo'ng mangyari basta ang tadhana ang 'yong katapat, 'di ka parin mananalo.

Napatigil ako sa paglalakad nang makita ko ang linta na si Audrey na papasalubong sa akin. Malamang ay lalapitan na naman ako ng malanding 'yon. Akala naman niya sobrang ganda niya, mukha namang clown sa sobrang kapal ng make-up niya. Pasalamat nga siya at pinapatulan ko ang kagaya niya kahit nakakairita na rin minsan tignan ang pagmumukha niya. At ang walang hiya, todo pa ang kapit sa akin na akala mo'y pag-aari niya ako.

Minsan, pinapabayaan ko nalang umaligid sa akin ang mga katulad niya. Kung hindi lang sana ako mabuting tao, matagal ko na talaga pinagtabuyan ang mga iyon. Pero kahit ano namang pagtabuyan sa kanila ay bumabalik pa rin ng paulit-ulit na parang magnet. Akala naman nila kailangan ko sila.

Plano ko sana magtago upang makaiwas sa babaeng 'yon kung sakali, pero bago ko pa man magawa iyon ay humarang na siya agad sa daraanan ko.

"Hi, babe." She smiled.

"Oh!" I fake a sound like I'm surprised seeing her here. "You're here?"

She move closer to me and held my arm, she slowly caressed it. "Come on, don't deny it. I know you followed me here."

Pinigilan ko ang sarili ko na huwag tumawa ng malakas dahil sa sinabi niya. What a fucking assuming! Hindi na nahiya at pinagkamalan pa akong sinusundan daw siya rito sa mall. Ako pa talaga, ha?! Ako na isang... bumuntong hininga nalang ako.

"Hindi naman talaga." sagot ko.

Really. I don't understand myself. Why the hell I even think to myself of coming here in the first place? Seriously, I can't pick a goddamn answer to that bullshit question. Una, alam ko namang wala ako gagawin dito kaya bakit pa ako pumunta rito? Pangalawa, mas gusto kong tumambay ngayon sa kwarto ko pero hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ko naisipan ang pumunta sa pesteng mall na ito. At pangatlo, may usapan kami ng mga barkada ko na magkita-kita kaya imbis na pumunta sa pagkikitaan namin ay dito ako napahinto.

Ang totoo, ano ba talaga ang nangyayari sa akin? Parang may sariling isip itong katawan ko na hindi ko malaman kung anong takbo nito. Nakakagago lang.

"Whatever!" She smiled again. "Since nandito ka rin naman, why don't we have a date?"

Napakunot ako ng aking noo. Oo, sanay na ako sa ganito. Sanay na ako na sila mismo ang nagyayaya sa akin na lumabas. Pero bakit ngayon parang ayaw ko muna makarinig ng ganyan? Wala ako sa mood na makasama ni isa sa kanila. And I'm suddenly wandering to myself... what the fuck is wrong with me? Noon tuwing may nagsasabi ng ganyan sa isa sa kanila, wala naman ako ibang sinasabi. Ni hindi ako nagrereklamo. Ni hindi ako nagdadalawang isip na tumanggi at agad-agad naman ako sumasama.

But what happened now? Should I go to my Mom clinic already?

"No... Not now, Audrey."

She rolled her eyes. "Oh, come on, Kurt. As if naman 'di ka na sanay."

Twist of FateWhere stories live. Discover now