Chapter 1: Welcome Back

9 0 0
                                    

Napangiti ako nang maramdaman kong umapak ulit ang mga paa ko sa lupa ng Pilipinas. It's been... what? Two years? Yeah, the last time I came back here was last last year. How I missed this country. I miss my friends here.

I roamed around my vision. Maraming tao ang nagkakalat dito sa airport, may mga naglalakad na dala ang kani-kanilang mga bagahe at mayroon ding naglakakad ng mabilis na parang may hinahabol na flight, may mga nag-uusap-usap, at may mga nakaupo lang naman na parang naghihintay.

"Zarah!"

Napatigil ako sa paglilibot ng aking paningin at napalingon sa kung sinong tumawag sa akin. From here, I saw him, standing near the waiting area. He is looking at me, smiling from ear to ear. Napangiti ako ng malapad saka ko siya kinawayan. Nang mapansin niyang hinihintay ko pang ma-claim ang dala kong luggage ay siya na mismo ang naglakad palapit sa akin.

"Brylle!" patili kong saad. Niyakap ko agad siya pagkalapit na pagkalapit niya sa akin.

He chuckled a bit because of my behavior. "Hindi naman halatang sobrang na-miss mo ako, ano?"

Hindi ako sumagot sa kanya, sa halip ay mas hinigpitan ko pa ang pagkakayakap ko sa kanya.

He hugged me back. "I missed you, too." he whispered and kissed my forehead.

Nang makuha na namin ang mga bagahe ko ay siya na ang nagdala ng dalawa kong maleta palabas ng airport.

"Lahat yata ng mga gamit mo ay dinala mo." sabi niya nang nasa labas na kami. Siguro napansin niyang madami akong dalang bagahe, at may sukbit pa akong backpack sa likod ko.

Nang mapatingin ako sa kanya ay nakatitig lang siya sa akin na may pagtataka sa kanyang mukha. Naghihintay siguro ng sagot ko sa sinabi niya kanina. I just smiled mysteriously at him. Malalaman niya rin naman mamaya.

Tumigil kami sa paglalakad sa tapat ng isang kotseng kulay itim. Mula driver seat ay may lumabas doon na isang lalaking naka uniporme, base sa pagkakahula ko ay ito ang driver ng sasakyan. Lumapit ito sa amin at kinuha ang dalawang dala-dalang maleta ni Brylle para ipunta iyon sa likod ng kotse.

"Bakit nga pala hindi sumama sila Mommy dito?" Baling ko kay Brylle nang mapagtanto kong siya lang ang sumundo sa akin. Inaasahan ko pa naman na sila nila Daddy ang susundo sa akin dito.

Tumingin lang siya sa akin at nginitian ng nakakaloko. Para bang may ayaw siyang sabihin sa akin. Umirap na lang ako sa kanya at akmang sasakay na ako ng kotse ay hinila niya ako pabalik, hinawakan ang nakasukbit na bag sa aking likod saka tinanggal 'yon. Siya na rin ang nagbukas ng pinto sa backseat para sa akin. Pagkapasok ko ay sumunod din naman siya at umupo sa tabi ko.

Nang makabalik ang driver ay agad naman siya nagmaneho paalis ng airport, patungo sa bahay namin. Habang nasa daan ay nag-uusap lang kami ni Brylle ng kung ano-ano.

"So, how are you?"

His forehead knotted. "I'm okay..."

I looked at him intently. "You know what I mean."

Akala niya siguro wala akong napapansin. But, no. I'm observing him.

"I'm going to be fine, I guess?" Ngumiti siya. "At nandito ka naman kaya wala nang dahilan para hindi ako maging maayos."

Nalukot ang mukha ko. "Bakit niya ba kasi 'yon ginawa--" Napatigil ako sa pagsasalita nang maramdaman kong hinaplos niya ang buhok ko. "Anyway, let's just forget about that."

"Definitely." Tumikhim siya. "How about you? Are you okay now?" maingat niyang tanong na para bang nagdadalawang isip siya kung tatanungin niya ba talaga ako sa tanong na 'yon.

Twist of FateWhere stories live. Discover now