Naging mabilis ang pagtakbo ng oras at kinabukasan na ang aming graduation.
Kasalukuyan naming pinagmamasdan ang stage na pangyayarihan ng huli naming sandali sa San Sebastian High School.
"Te, wag kang umiyak hahaha." Pang-asar na sabi sakin ni Fel sabay himas ng kamay niya sa likod ko.
Hinawi ko naman agad ang kamay niya."Anu ba Fel, nakakatawa ka ha..tinititigan ko lang naman e malay mo talagang huli ko ng silip ito bukas hahaha."
"Talaga bang hindi ka makakapagpatuloy sa pagka-College?" Seryosong tanong niya.
Sasagot na sana ako ng biglang dumating si Zhaira at ang iba pa naming classmates.
"Girls and Guys, why don't we have a party tonight? Para naman di natin mamiss ang isa't isa kapag nagkalayo-layo na tayo. What do you think?" Suggestion ni Hiro Hashime na isa rin sa gwapo at matalinong classmate namin."Go ako."
"Ako rin.."
"Mukhang magiging masaya toh." Excited na sabi ni Jaz.
Masaya ang reaksyon ng lahat sa naging suhestiyon ni Hiro ng biglang magsalita si Pres.
Pumunta ito sa gitna naming lahat.
"Pres, you need to decide." Hiro said.
"Yes i know, okay sige magkita kita tayo mamaya sa bayan sa dating tambayan." Nakangiti niyang sabi.
"Yes!" Sabay sabay na sabi ng lahat.
"For now, linisin muna natin ang iba pang nagkalat ng basura then uwi muna tayo saglit para makapaghanda tayo mamaya."
"Okay, Pres! Roger that!" Sabay sabay ulit na sabi namin.
Papunta na sana ako sa area ko kanina ng pigilan ako ng isang kamay na biglang tumapik sa balikat ko.
"Mel, answer me later ha? Don't forget my question." Nakangiti niyang sabi sabay alis rin para makapaglinis.
Tanging tango na lamang ang aking nasagot sa kanya.
---
Nagkita-kita kami sa isang waiting shed dito sa bayan, hinihintay nalang namin na makompleto kami at ng makaalis na."Hi Pres!" Kaway ko sa aming Presidente.
"Oh, yes Melanie?" Sagot niya sabay lapit sakin.
"Sino pang kulang Pres? Salamat pala dahil sinang-ayunan mo ang suggestion ni Hiro ha?"
"Naku wala 'yon gusto ko rin magkaron tayo ng bonding bago grumaduate."
"Ay oo nga Pres, para di ko kayo makalimutan hehe." Nahihiya kong sabi sa kanya.
"Ikaw naman sa tono mong yan parang pupunta ka naman sa malayong lugar."
"Pano kong oo Pres? Haha. Mukang ang seryoso ng usapan natin Pres, kumpleto na ata tayo tara na para di tayo masyadong gabihin." Pag-iiba ko ng usapan.
"Ah oo nga pala. Okay guys tara na."
Sumakay kami ng jeep at parang inarkila na rin namin ito dahil sa isang jeep ay puno na dahil samin.
Punong-puno ng tawanan at asaran ang jeep at pati ang driver ay nakikipagsabayan na rin."Para manong dito nalang po kami."
"Maraming Salamat manong!" Sabay sabay naming sabi.
Nakarating na kami ngayon sa isang kilalang restaurant ng San Sebastian ang Besteau Resto kilala ito para sa mga katulad naming mga estudyante dahil Student Budget talaga ang mga pagkain dito.
"Boys ayusin na ang tables and chairs, ako na ang oorder." Sabi ni Pres. "Tandaan AMBAGAN HA? Hahahaha"
"Pres, minsan sabihin mo kung magjoJoke ka ha? Hahaha" pambabara ng isa naming classmate..at tumawa naman ang lahat.
Ngumiti lang ang aming Presidente at akma ng aalis para umorder.
"Wait! Sama ako Pres." PagvoVolunteer ko.
Tatayo na sana ako ng may pumigil sakin.
"Tulungan na kita Pres."Epal talagang Junix.
"Tssss." Umupo nalang ulit ako para hindi na ako maBadtrip. Ano bang problema non nag-usap na kami last time ah. tsss'
Tumulong nalang ako sa pag-aayos ng lamesa at upuan para sa aming lahat. Kami nila Zhaira at Fel ang magkakatabi sa gitna nila ako. Habang hinihintay namin ang order namin ay biglang may naitanong si Zhaira.
"Melanie alam mo nagtataka na ko sa kinikilos ni Rezekiel towards you and our President, is there something wrong?" Curious na curious na tanog niya.
Nagkatinginan naman kami Fel, mukhang wala yata sa eksena si Zhaira tungkol dun sa nangyari sa Covered Court.
"A-ano kasi Zhaira- -" Pinigilan akong sumagot ni Fel gamit ang kanyang nakahawak na kamay sakin sabay ngisi.
"Ganito kasi yan Fel..di mo ba alam na umamin si Rez kay Melanie nung naglinis tayo kanina dun sa covered court? But sad to say Busted ang lolo mo hahahah."
"Really? O. M. G bat di ko alam yon? Aysh kainis naman." Frustated na sabi ni Zhaira.
"Anong nakakainis ka dyan, bakit anong gagawin mo kung sakaling narinig mo? Ha? Ikaw talaga Zhaira ang lawak ng imahinasyon mo, binusted ko na Okay? Di ko siya type!" Mahabang sabi ko. Parang umuusok na ata ilong ko ngayon"Girl, 'wag kang magsalita ng TAPOS." sabay nilang sabi sakin at tumawa na lamang kami ng biglang may sumingit na ulo sa kinauupuan namin.
"Anung pinag-uusapan niyo girls?" Pang-asar na tanong ni Rez.
"Paki mo? Girls talk. Tssss." sabi ko sabay irap sa kanya.
"Hey guys nandito tayo para magsaya, ilapag na ang mga pagkain at ng makakain na tayo."At nagkainan na nga kami, iba't-ibang pagkain ang nakahain sa harapan namin.
"Parang last supper na ah. Hahaha."
"Oo nga e. Parang wala ng bukas ang pagkain."
"Magpasalamat nalang kayo at libre lahat yan ni Rez.""Oooooows?" Biruan naming sagot sabay tawa.
"Anong ako? Galing sa bulsa ni Axel yan noh!"-
Nakatapos na kami sa pagkain at lahat kami ay busog na busog. Maya maya ay nag-aya ang boys na tumambay sa gilid ng pool, may mini pool and cottages kasi ang Besteau Resto eh.
"Ano namang gagawin natin 'don BJ?" Tanong ng isa kong classmate na Princess Keith.
"MagdeDate tayo." Sabi niya sabay akbay kay Keith.
Namula naman si Keith sa sinabi ni BJ.
"Yieeee sana all.." kinikilig namin na sabat sa kanila.
Tinulak naman ni Keith si BJ "Uy! Tumigil nga kayo. Ikaw BJ wag ka ngang epal dyan. Tara girls sa gilid ng pool." Sabay lakad naman ng mabilis ni Keith.Si Princess Keith Montreal ay isang magandang babae rin. Matangkad, slim, maputi, mahaba ang buhok at nasasama rin sa mga extra curricular ng school, hindi nga lang ganon ka-Competitive sa ACADS pero may angkin din siyang talino. I wonder kung anong kukunin niya sa kolehiyo. At habang natatawa ako at the same time nag-iisip ay bigla naman tumabi sa paglalakad ko si Junix. Wala nman siyang sinabi kaya tumahimik nalang ako.
Umupo kami sa gilid ng pool at nagtampisaw, wala naman kasi kaming dala na damit pampalit."Guys, picture picture muna tayo bago umuwi ha? Remembrance, alam nyo na." Yaya ni Junix.
"Sus, gusto mo lang picture kasama si Melanie..ayieeee" kantyawan na naman ng mga classmate namin.
"Uy! Tumigil nga kayo grupo naman ang picture e hindi nman dalawahan HAHAH." Tawa ni Junix at nakisabay naman sa tawa ang lahat..
-ZaJi
Vote, Comment and Share
YOU ARE READING
Probably My Expectations And Realizations
Novela JuvenilProbably our first collaboration story with mah friend @ZaJi !!!! Hope yah like it!! P.S. Story Still Updating P.P.S Story Published but not already Finished =)