Prologue

19 4 0
                                    


_____
"Melanie, bakit naman ganyan ang itsura mo? Ilang oras nalang at Gagraduate ka na ng High School hindi ka ba masaya?" tanong sakin ni tyang Myrna na ngayon ay inaayusan ang aking buhok.

Ngayong araw kasi ang graduation ko sa High School dito sa San Sebastian.

"Hindi naman po sa hindi masaya Tyang, iniisip ko lang po na kung sana nabubuhay pa sila Mama't Papa makikita sana nila akong lalakad sa entablado kasama ang aking diploma." halong emosyon na sagot ko kay Tyang.

Napabuntong hininga nalang si Tyang. Alam kong nahihirapan na si Tyang dahil sakin, nakikita ko sa kanyang pangangatawan ang pagpayat, dahil na rin siguro sa katandaan.

Si Tyang Myrna ay panganay na kapatid ni papa 49 years old na at wala siyang naging anak kaya noong nawala si mama't papa ay siya na ang nag-aruga sa akin.

" 'wag ka ng malungkot Melanie o, siya siya ika'y magbihis na at baka ma-Late pa tayo." Anyaya niya.

_
Ako nga pala si Melanie Siendon, masasabi kong may itsura naman ako dahil sa apat na taon ko sa pag-aaral ko rito sa San Sebastian ay hindi rin nawawala ang mga lalaking nagkakagusto sa akin, mahaba ang aking buhok na straight hanggang bewang at makinis na balat, sabi ni Tyang nakuha ko raw talaga ang hubog ng aking ina. Sa pagkakatanda ko namatay ang aking ina sa pagluwal sa akin at pagkatapos ng dalawang buwang pagkapanganak sakin ay namatay naman si papa sa malubhang sakit. Am i that miserable? Am i that...bad to encounter such loneliness? Naaaah, maybe because God has its own way to build my Happy Ending Story even if i am not really a fan of Fantasy Stories. (Haha)

- -

-ZaJi
Vote, Comment and Share ;)

Probably My Expectations And RealizationsWhere stories live. Discover now