[♥] L♥VE NEXT DOOR: CHAPTER 1 [♥]

5 0 0
                                    

Mahimbing natutulog si Kyrie sa kama nito habang akap-akap ang unan kung saan naka-print ang isang anime character sa Sword Art Online na si Kirigaya Kazuto a.k.a. Kirito.

"FELICITY KYRIE SINCLAIR!" Sigaw ng ina nito.

Dahil sa gulat ay nahulog si Kyrie sa kama nito kaya ang resulta ay paika-ika siyang naglakad palabas ng kwarto nito.

"Late ka ng bata ka! Nagpuyat ka na naman sa kakanood ng cartoon ano? Ang tanda-tanda mo na jusko!" Bungad na sermon ni Felicia kay Kyrie at akmang papaluin ng walis ting-ting kaya agad itong nagtago sa ilalim ng mesa.

"Ma, anime po yun tsaka dalaga pa po ako, ikaw po yung matanda" pagkatapos niya iyong sabihin ay kumaripas agad ito ng takbo datapuwa'y alam na nito ang resulta ng sinabi nito.

"FELICITYYYYY!!"

[♡][♡][♡][♡][♡][♡][♡][♡]

Tunog ng mga nagsisipatakang ulan ang unang bumungad sa kanila nang makalabas ng school building.

"Umuulan, wala pa naman akong payong" nakasimangot na wika ni Kyrie.

"Sad life Kyrie- Oops! Andito na si Zenith! Bye Kyrieee! Muah!" Pang-aasar ni Cassiane Bliss Martinez, matalik nitong kaibigan. Inaasar siya nito sapagka'y wala itong nobyo upang may hatid-sundo ito.

"Manahimik ka Cassiane! Abangan mo lang, makakahanap rin ako ng jowang mas gwapo pa kay Zenith, tandaan mo!" Pikong sigaw nito kay Cassiane, habang si Zenith ay natatawa lamang sa kakulitan ng dalawa

"Sumabay ka nalang kaya sa amin Kyrie?" Aya ni Zenith Cross Linville, boyfriend ni Cassiane.

"No thanks, I'd rather cry kasi umulan kaysa makita na naman ang kalandian niyo" nakasimangot na tugon nito.

Nasaksihan na kasi ni Kyrie kung paano maglandian ang dalawa, and she doesn't want to witness it again. Nakakasuka daw kasi.

"Nako Kyrie! Ganito ka rin pag may jowa na so wag kang mag-inarte diyan! In fact mas wild ka pa ata kaysa sa akin" sabay halakhak ni Cassiane.

"Yucks Cassiane! Manahimik ka ngaaaa!" Natawa nalang ang mag-nobyo sa reaksiyon ni Kyrie.

"Sus! Bahala ka na dyan, baboosshh"

At pinaandar na ni Zenith ang kotse nito.

Pero, di niya man aminin ay gusto niya ring magkajowa.

'Kelan nga ba ako makaka-jowa?' Tanong nito sa kanyang sarili.

'No! Mag-aral ka muna Kyrie nakoo!'

Ilang sandali pa ay tumigil na ang ulan kaya isang malaking pasalamat agad ang inisip niya.

[♡][♡][♡][♡][♡][♡]

"Oh Kyrie, may bisita tayo kaya mag-bihis ka na at tawagin mo na para magmerienda, bilis! Nasa backyard siya" Utos agad ng kanyang ina ang bumungad sa kanya pagkatapos pumasok sa bahay.

"Opo" bagot na sagot nito.

Dumeretso si Kyrie sa kwarto nito at nagbihis ng peach-colored t-shirt at gray jogging pants. Tinali nito ang buhok nitong mahaba ng pa ponytail at sinuot ang gray nitong tsinelas na Adidas. Lalabas na sana ito ngunit siya'y napatigil nang makarinig ng isang tinig.

"Going out tonight~"

"Changes into something red~"

A cold but sweet and soft voice sang.

"Her mother doesn't like that kind of dress~"

"Everything she never had, she's showing of ~"

'Ang sarap pakinggan' Kyrie thought.

"Driving too fast~"

"Moon is breaking through her hair~"


Sinundan ni Kyrie ang boses at tumigil ang paa niya sa terrace at doon niya nakita ang lalaki.

"She said it was something that she won't forget~"

"Having no regrets, is all that she really wants~"


Pinagmasdan niya ang lalaki habang kumakabog ang kanyang dibdib sa di malamang dahilan.

"Were only getting older baby~"

"And I've been thinking about it lately~"


Napapikit si Kyrie habang patuloy parin na pinapakinggan ang lalaki.

"Does it ever drive you crazy? Just how fast the night changes~"

"Everything that you've ever dreamed of~"


'Ang gwapo niya' Isip ni Kyrie habang nakatitig sa lalaki.

"Disappearing when you wake up~"

"But there's nothing to be afraid of~"


Naramdaman ng lalaki na parang may nakatitig sa kanya so he decided na lumingon but still continued singing.

"Even when the night changes~"

"It will never change~"


Saktong paglingon ng lalaki ay nagtama ang kanilang paningin.

"Me and you~"


Nanlaki ang mata ni Kyrie kaya dali-dali siyang pumasok sa loob, sa taranta ay muntik na siyang madapa.

Pinanood na lamang nito ang babaeng pumasok bago naisipang pumasok narin with a smirk on his face.

'Ang gwapo niya lalo pag nakangisi shet!' Pigil-ngiting isip ni Kyrie.

[♥][♥][♥][♥][♥][♥][♥][♥][♥][♥]

TO BE CONTINUED...

L♥VE NEXT DOORWhere stories live. Discover now