[♥] L♥VE NEXT DOOR: CHAPTER 3 [♥]

4 0 0
                                    

"KYRIEEEEEE!" Agad niyang tinakpan ang kaniyang tenga dahil sa malakas na sigaw ni Cassiane.

"Guguho ang mundo sa boses mo Cassiane"
nakasimangot na ani Kyrie.

"Edi nice, wala akong pake" sabay irap ni Cassiane.

Di nalang ito pinansin ni Kyrie at nagpatuloy sa paglakad. Habang naglalakad naman sila ay putak ng putak ang bunganga ni Cassiane na tila bang manok.

"By the way alam mo na ba?"
Pagtatanong ni Cassiane.

"Di ko alam" sagot ni Kyrie, suot ang blankong ekspresiyon at sarkastikong tono.

"May transferree and guess what?"

"Ang gwapo niya Kyrieee!"

"Maghunos-dili ka Cassiane, may boyfriend ka na"

"Chill! Kay Zenith lang ako no, duh"
Inirapan naman ito ni Kyrie dahil sa inaatake na naman ito ng ka-cornyhan.

Ilang minuto pang pagtitiis sa mga pinagpuputak ni Cassiane, sa wakas ay narating na nila ang kanilang classroom.

[♡][♡][♡][♡][♡][♡][♡][♡]

"We have a new classmate, please come in"
Di ito pinagbigyan pansin ni Kyrie at pinagmasdan na lamang ang mga tanawin na kanyang nakikita sa bintana.

"Ms. Sinclair" ngunit tulalang nakatitig parin si Kyrie sa bintana.

"MS. KYRIE!" Nakabalik naman si Kyrie sa reyalidad nang marinig ang inis na sigaw ng kanilang guro.

"Pay attention next time, Ms. Sinclair" kalmadong sermon ng kanilang guro.

"Yes ma'am" magalang naman na sagot ni Kyrie.

"You may sit behind the chair of Sinclair, Mr. Sullivan"

"Thank you"
Di parin ni Kyrie pinagbigyan pansin ang kanilang bagong classmate at tumulala ulit sa bintana, kahit ang tono at ang pigura nito'y pamilyar.

Kinalabit siya ng nasa likod niya at lumingon naman si Kyrie.

Laking gulat at napanganga siya nang mawari kung sino ito. Alam niyang pumasok si Ignatius ngunit ang di niya alam ay ang kaklase pala sila.

"Anong ginagawa mo dito?!"
Mahinang bulong ni Kyrie rito.

"Mag-aaral malamang" mahina ngunit masungit na sagot nito sa katanungan ni Kyrie.

"Alam ko! What I mean is bakit ka nandito sa classroom ?!" Bulong parin nito kay Ignatius.

"Are you two listening?!"

"Yes ma'am!"
Sabay na sagot ng dalawa sa gulat.

"Siguraduhin niyo lang! I will have quiz tomorrow, get ready" at kanya-kanyang reklamo ng mga istudyante ang maririnig sa apat na sulok ng room.

"Kasalanan niyo to, Kyrie!"

"Pero ma'am-"

"Kasalanan ng lovebirds!"


Imbis na maguilty ay nainis at namula pa si Kyrie. It's just for her, it's a silly and a stupid idea.

'Lovebirds?!'

"T-Teka!"

"Shut it! Istudyante kayo o hindi?!"
At nagsitahimik naman ang lahat sa sigaw ng kanilang guro.

Walang naglakas loob na sumagot kaya lumisan ang ingay at napalitan ng katahimikan. Lumabas na ang kanilang guro at saka na lamang sila nag-ingay at nagsilapitan ang mga babae at bakla kay Ignatius at lantarang nakikipaglandian na nakapagpa-irap kay Kyrie.

'Anong gwapo sa hinayupak na yan?'

"Pwedeng humingi ng number mo?"
Tanong ng babaeng wavy ang buhok.

"Saan ka nakatira?"
Tanong naman ng Class President na si Delilah.

"Are you two dating?" Maarteng tanong ng isang bakla.

"Impossible! Ignatius wouldn't pick a low-class girl!" Sabat ni Venice na mortal enemy ni Kyrie.

Hindi na pinansin ni Kyrie ang mga pinagsasabi at pinagtatanong ng mga babae at bakla at lumabas na para bumili ng pagkain sa cafeteria.

'Dumog is layp'

Pagkatapos mag-order ni Kyrie ay akmang isusubo na nito ang siomai na binili ngunit nagulat ito nang biglang may umupo sa harap nito at isinubo ang siomai na hawak hawak ni Kyrie ng taong umupo sa harap niya.

Kyrie composed herself as she felt her cheeks were burning tomato red at walang emosyong napatingin sa taong nakaupo sa harap nito na si Ignatius.

"Nakatakas ka?" Kumuha ulit si Kyrie ng isang pirasong siomai mula sa plato pero ginawa ulit ni Ignatius ang ginawa nito kanina.

Sinamaan naman ni Kyrie ng tingin si Ignatius while Ignatius was munching the siomai.

"Bumili ka ng sayo ugok" sabay sipa ni Kyrie sa paa nito mula sa ilalim ng mesa kaya napa-aray ito ng malakas which earned some stares from the students. Well, kanina pa naman talaga sila nakatitig.

"Tss damot mong amazona ka" bulong ni Ignatius pero rinig na rinig parin ni Kyrie.

"FYI Mr. Sullivan, mas madamot ka pa kaysa sa akin ugok!"
Gigil na bulong ni Kyrie at nag-walkout kaya napatawa naman si Ignatius ng mahina.
[♡][♡][♡][♡][♡][♡][♡][♡]
"Hay kapagod!"
pagod na wika ni Kyrie habang nakahiga sa couch.

Habang ilang oras na nakahiga, hindi namalayan ni Kyrie na nakatulog na pala siya.

Lumabas si Ignatius mula sa kanyang kwarto upang uminom ng tubig ngunit ito'y napahinto nang madatnang natutulog si Kyrie sa couch.

'Cute pala niyang matulog' he absent-mindedly thought.

Napa-iling nalang siya nang ma-realize niya kung ano ang kanyang inisip.

'But worse than a dragon when awakened'

[♥][♥][♥][♥][♥][♥][♥]

TO BE CONTINUED....

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 07, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

L♥VE NEXT DOORWhere stories live. Discover now