[♥] L♥VE NEXT DOOR: CHAPTER 2 [♥]

2 0 0
                                    

Nakahiga si Kyrie sa kama niya habang nakatitig sa kawalan.

Bigla namang sumagi ang mukha ng lalaki sa kanyang isipan at naramdaman nalang niyang nag-iinit ang kaniyang pisngi.

'Nahuli niya akong nakatitig sa kanya, ang tanga mo talaga Kyrie!' Sermon nito sa kaniyang sarili habang sapo-sapong ang magkabilang namumulang pisngi.

"FELICITY!"

'Hala yung utos nga pala ni mama! Gawd!'

"Eto na po!" Bumalikwas agad siya ng higa at lumabas ng kwarto nito.

"Sorry ma nakatu-" naputol ang kanyang sasabihin at nalaglag ang panga nito nang madatnan sa hapagkainan ang lalaking pinagmamasdan niya kanina lang na nakanganga, may hawak na cake roll at akma na sana itong kakainin.

Napatingin ito sa kanya at pinagmasdan mula paa hanggang ulo, namula ang pisngi ni Kyrie nang nabantayan niyang magulo na nga pala ang kanyang buhok.

"Gusto mo?" Nakangiting tanong ng lalaki sa kanya habang nilahad ang hawak nitong cake roll.

Tumango naman si Kyrie habang ang laki-laki ng ngiti at akma na sanang kunin ito nang binawi ito ng lalaki.

"Edi kumuha ka" masungit na wika nito at sinubo ang cake roll na ikinalaho ng malaking ngiti ni Kyrie.

'Ang sama pala ng ugali powtek!'

Inirapan nalang ni Kyrie ito at kumuha ng isang pirasong cake roll na nasa loob ng isang paperbag.

Pumunta si Kyrie sa kitchen counter at sinalubong si Felicia.

"Oh" ta's naglahad ito ng isang tasang milo.

"Salama-" agad naman itong pinutol ng mga katagang nakapagpa-nguso sa kanya.

"Di yan para sayo, wag kang asyuming, ibigay mo sa bisita natin" mataray na wika ni Felicia.

"Wow ma, sabi ko nga ang ASYUMING ko" sabay irap ni Kyrie.

Maglalakad na sana ako palayo nang may sumagi sa isipan ko.

"Siya pala yung bisita natin?!" Gulat na wika ko.

"Oo kaya bilisan mo na" taboy nito kay Kyrie kaya wala itong choice kundi sundin ang ina nito.

Nilapag na nito ang tasa sa harap ng lalaki at ngumiti na hindi mo talaga aakalaing PEKE.

"Milo po" matamis na pagkasabi nito.

Napatitig ang lalaki sa kanya ng matagal kaya naconscious naman si Kyrie.

"May dumi po ba ako sa mukha?" Nag-aalalang tanong ni Kyrie.

"Kahit may dumi man ang iyong mukha o wala, maganda ka parin sa aking paningin" anito at ininom ang milo.

"Ha?" Napatunganga naman si Kyrie at tila nabingi.

"Wala, sabi ko may tae ng butiki sa pisngi mo" walang emosyong anito na nakapagpula sa mukha ni Kyrie at dali-dali itong naghilamos.

"HAHAHAHAHAHAHAHAHA!" Malakas na halakhak ng lalaki ng makita ang reaksiyon nito.

Dumating naman si Felicia at ang nadatnan nito ay basa at ang pulang mukha ni Kyrie at ang bisita nilang lalaki ng sapong-sapo ang tyan.

"Oh hijo mukhang nag-eenjoy ka kay Kyrie ahh?"

"Oo nga po eh, ang sarap pong asarin"
sabay tawa ng lalaki.
[♡][♡][♡][♡][♡][♡]

"Siya si Ignatius Averill Sullivan, anak ng kaibigan ko na pinabantay sa akin kaya dito muna siya titira"

"Ignatius, si Felicity Kyrie Sinclair, ang anak ko"

"Nice to meet you Felicity"

"It's not nice to meet you Ignatius" mataray na bati ni Kyrie pabalik.

Siniko naman ito ni Felicia dahil sa ugali nito kay Ignatius.

"Pasensya na Ignatius, masungit lang talaga tong batang ito"
pagpapaumanhin ni Felicia.

"It's fine Tita, she's feisty and I like it about her"
sabay ngisi ng nakakaloko.

Nagulat naman si Kyrie sa sinabi nito ngunit mas nagulat siya sa sinabi ng kanyang ina.

"Well I hope the feeling's mutual"


'What the hell? Pinagtutulungan ba ako ng dalawang ito?'


"Tinutulak mo ba ako sa kanya ma?"
Tanong ni Kyrie sa ina nito.

"Anong sinasabi mo? He meant, he likes you as a friend" umirap naman si Kyrie.

'Ouch, ang assuming mo talaga Kyrie' sermon nito sa sarili.

"Can I know where I am going to sleep?"
Tanong ni Ignatius.

"Ituro mo nga sa kanya, yung kwarto na nasa tabi ng kwarto mo" utos ni Felicia kay Kyrie.

"What?! Bakit doon?!" Reklamo ni Kyrie.

"Tututol ka?" Nakataas ang kilay na tanong ni Felicia kay Kyrie.

"Sabi ko nga hindi"


"Sundan mo ako" medyo malditang utos ni Kyrie at sumunod naman sa kanya si Ignatius.

"Dito ang kwarto ko at dyan sayo"
at tinuro ko ang itim na pintuang katabi ng kwarto ko.

"Okay" at deretso itong pumasok sa loob.

'Wow! Wala manlang thank you! Ang ganda ng ugali niya promise! Sobrang bait niya talaga!'

Akmang sisipain niya na sana ang pinto nito nang bumukas ito at tumama ang isang malambot na unan sa mukha niya.

"I don't need this one" at sinarado na nito ang pinto.

Itinaas ni Kyrie ang kamao niya tsaka sinamaan ng tingin ang pinto habang nile-letson si Ignatius sa isipan.

[♥][♥][♥][♥][♥][♥][♥]

TO BE CONTINUED....

L♥VE NEXT DOORWhere stories live. Discover now