Ulan

17 0 0
                                        

ULAN

AymAMidelChayld

Tik tak tik tik tak.
Mabagal iyon sa simula.
Tila ba nagbababala.

Tikitak tak tak tikitak.
Hanggang sa tila ba sa sobrang bigat ng kanyang nararamdam, bumuhos iyon ng sobrang bilis at lakas.
Hindi niya iyon pinigilan.

Hinayaan niyang bumagsak ang mga tubig na nagpapabigat sa kanyang kalooban.
Hinayaan niyang basain noon ang lahat ng nasa kanyang paanan.
Paunti-unti, naramdaman niya ang tubig sa kanyang talampakan.

Nakita niyang lumutang sa tubig ang lahat ng dahilan ng kanyang kapighatian.
Inagos iyon paalis at palayo sa kanyang kinaroroonan.
Ayos lang.

Sambit niya sa kanyang sarili habang pinanonood ang marahas na pag-agos ng tubig dala ang mga bagay na kanyang inalagaan ngunit napabayaan lang naman.
Nawala sa kawalan ang lahat ng kanyang pinaghirapan. Ayos lang, ulit niya sa sarili, may kapalit naman.

Humupa ang tubig.
Ganun din ang bigat na kanyang naramdaman.
Umaliwas ang kanyang paningin at muling tiningnan ang kanyang paanan.

Napangiti siya sa ubod na nakita.
Aalagaan niya iyun.
Palalakihin at pagyayamanin.

Patunay iyon na sa bawat unos na dadaan ay may pag-asang uusbong at makapagbibigay ng kasiyahan.

###

WritingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon