Sa Tamang Panahon

8 0 0
                                        

Sa Tamang Panahon
(Base sa I Love You Since 1892 ni Bb. Mia)


Sa bawat paglipat ng pahina
Ang kwento ay nag-iiba.
Binago ng hinaharap ang nakaraan,
At umibig sa hindi dapat ang maiiwan.

Mula sa ikaapat na henerasyon
Babalik ang nakatakda sa lumang panahon.
Babaguhin niya ang nakatadhana.
Pipigilan ang kamatayang nakaambang at hahanapin ang may sala.

Sa kanyang pagbisita sa nakaraan
Ang layunin niya'y dalawa lamang:
Pigilin ang pagkamatay ng ginoo,
At ang hindi pag-ibig dito.

Sa pag-pigil sa tadhana,
Maraming buhay ang nakataya.
Nagsama ang dugo at luha,
Pati ang pag-ibig sa panahong 'di tama.

Umibig ang nakaraan sa hinaharap,
Ang hinaharap ay umibig sa nakaraan.
Naisin mang manatili sa parehas na panahong ginagalawan,
Nakatadhana silang mag-hiwalay; mang-iwan at maiwan.

Sa kabila ng magkaibang panahon,
Magkalayo man ang agwat ng kanilang taon;
Pag-ibig sa isa't-isa ay bina-on.
Parehas na tumandang mag-isa at nag-hintay sa tamang panahon.

Sa ikalawang pagkakataon,
Mula sa ikapitong henerasyon,
Ang pag-ibig ng dalawa'y binigyang-pansin ng Poon.
Wika nito'y, "Ito na ang Tamang Panahon."

###

WritingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon