Heartshaker

4 0 0
                                        

HEARTSHAKER

Makakasalubong ko siya. Wait. Yung puso ko, nagwawala. Pikit. Gawin ang daily routine para kumalma. Hinga. Inhale. Exhale. Isa pa. Inhale. Exhale.

"Bea?"

Ah! Automatic na tumaas ang balikat ko. Grabe. Boses pa lang niya, nakakakilabot na.

"Renzo..." ani kong nakatingala sa kanya.

Tangkad niya... ah. Hindi pala. Maliit lang ako talaga. Hindi naman siya lumagpas ng 5 feet. Ako- well, hindi ako lumagpas ng 4.

Nasinghot ko ata lahat ng oxygen sa katawan ko ng bigla soyang ngumiti. Shocks. Ang dimples niya- nakakapanghina. Napabuntong-hininga ako.

"Ayos ka lang?" Tanong ni Renzo sa akin.

Hala. Worried ba siya sa akin? Omo~

"Nakita kasi kitang parang naghahabol ng hininga. Gusto mo samahan kita sa clinic?" anyaya niya pa.

"Ah! Hindi hindi! Ano, ayos lang ako..." nakita kasi kita. Baka masabi. Hmp.

"Ah ganoon ba? Sigurado ka ah," paniniyak pa niya. Tumango ako ng dalawang beses para sa pagkumpirma. In-adjust niya ang strap ng itim na bodybag sa balikat. "Sige, may klase pa ko. Ayos ka lang talaga ah!"

"Oo nga! Salamat Renz!" Nangingiti kong sabi habang papalayo soyang naglalakad. Kumaway pa siya sakin bilang paalam. Kumaway ako pabalik.

"Tch."

Napaikot ako. Isang lalaking naka-PE shirt at khaki black pants ang nakaharap ko. May hawak siya sa parehas na kamay: sa kaliwa ay ang black na Jansport na backpack at sa kanan naman ay ang polo uniform ng college namin. At dahil matangkad ang kaharap ko, tiningala ko siya.

Grabe. Nakakainsulto talaga ang heels kong 2 inches na.

Ang lalaking ito ay may- gosh! May gwapong mukha! Itim at bilugan ang kanyang mga mata. Halos mag-salubong ang makapal niyang kilay na dinaig pa ang kaka-shave kong eyebrows para lang magka-shape. May nose na perfect tingnan kahit di pointed, may cleft chin tulad ng kay Superman, at lips na hindi man red, wala naman crack di tulad ng akin.

Lipgloss ko lang na pink na may glitters ang nagpapakintab sa labi kong pinilit gawing puckered. Pwah!

"May sakit ka?" Tanong niyang nakataas na ang isang kilay.

"Wala" ...sa sarili kong sabi, "pero baka may sakit ako sa puso. Dylan anong gagawin ko?" Madrama kong sabi.

Bumalik sa pagkakakunot ang kilay ni Dylan.

"Anong pinagsasabi mo?" May pagkairita nitong tanong. Sinampay ni Dylan sa balikat ang polo. "Bakit nananakit ba ang dibdib mo? Bakit di ka pumunta agad sa clininc? Hirap ka bang huminga? Iyon ba yung napansin nung Renzo..."

Teka. Humahaba na imbestigasyon ng future chef na 'to ah. Mawawalang bisa yung pick-up line ko.

Kinulong ko sa aking malalambot at hindi pawising palad ang gwapong mukha ni Dylan. Bigla siyang nahinto sa pagsasalita.

"Dylan..." pa-suspense kong sabi.

Kumurap si Dylan. "A-ano? Bakit?" Malikot ang mga mata niya. Nagpapalipat-lipat sa mukha ko, sa kamay kong hawak ang mukha niya at sa dibdib ko.

Mhm! Bago ka mamg-judge sa dibdib ko, sasabihin ko nang may umbok 'to. Ha!

"Yung puso ko, Dylan," madrama kong panimula.

Naghintay siya. Nag-aabang. Habang bahagyang nakatalungko.

Matangkad siya, okay? Cute size ako.

Nagpatuloy ako, "ang bilis ng tibok ng makita ka kahit sa malayo. Ngayong nasa harap na kita," sakit-sa-ulo-with-pag-iinarte pose, "lumalala at hindi kumalkalma. Oh Dylan! Dylan!"

Kumawala sa hawak ko si Dylan at tumuwid ng tayo. "Bianca!" Namumula niyang sigaw sa akin. Yung mahinang sigaw lang naman. Haha!

"Tch!" Tinalikuran niya ko't nauna ng mag-lakad palabas ng lobby. Natatawa akong sumumod sa kanya. Nang makasabay ako sa kanya ay kinuha ko ang libre niyang kamay at hinawakan iyon. Tiningnan niya ako ng matalas na sinuklian ko ng matamis na ngiti. Umiling siyang parang sumusuko. Mahina akong tumawa.

Grabe. Kahit ilang taon na kaming mag-on hindi pa rin nawawala yung feeling ko sa tuwing nakikita ko siya sa malayo. Kanina, sa likuran ni Renzo ko siya nakita. Papalapit sa akin.

And as always, my heart shakes not with the bitter pain anymore, but with so much love for this man.

💓💓💓

WritingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon