CHARTER 5

52 3 0
                                    

"Nope this time you can't run"

wika nito sa mahina at mababang tono ng boses at huli na sya ng maramdaman ang mainit at malambot nitong labi sa labi nya.

Halos itulak ng dalaga ang sarili palayo sa lalaki at mabilis na tumayo at tumalikod dito, paulit ulit nyang kinakalma ang nagwawala na nyang puso.

Wala sa sariling napahawak sya sa kanyang sariling labi, "b-bakit ako kinakabahan? H-hindi ba at s-simpleng pagdikit lamang yon ng aming B-balat?" patuloy nyang pag kalma sa sarili. Humarap sya sa lalaki at nakitang mahimbing na itong natutulog.

Hindi man nya gusto pero ang paningin nya ay dumako sa mukha ng lalaki sa nakapikit nitong mga mata sa matayog nitong ilong at bumaba pa iyon sa mga labi nito, at kaagad nag init ang pisngi niya ramdam pa nya ang mainit na hininga nito at ang pagdantay ng malambot at mapula nitong labi sa labi nya. Hayun nanaman ang puso nya sa pagkabog at halos mabingi na sya roon.

"A-anong ginawa mo sa puso ko?" Anya habang hawak ang sariling dibdib dahil sumasakit na iyon sa sobrang kabog.

Gusto nyang bumaba ng kubo upang malayo sa lalaki baka sakaling mawala ang mabilis na pagtibok ng puso nya ngunit bago pa sya maka hakbang palayo ay narinig nya ang pag ungol nito.

Muli syang humarap dito at kitang kita nya ang panginginig ng katawan nito. Agad-agad naman nyang nilapitan dahil inataki sya ng pagaalala lalo na ng mahawakan nya ito, mas naging mainit pa ito kaysa kanina.

"a-anong nangyari?, Maayos ka naman na kanina" kinakabahang anya. Halos hindi na sya mapakali at di na nya alam ang gagawin ng marinig nya itong magsalita.

"I'm... C-cold" sa una ay mahina iyon kaya inilapit nya ang tainga nya sa bibig nito
"a-anong sabi mo? " tanong niya
"I'm c-cold.. G-giniginaw... M-maginaw" anito
"a-anong g-gagawin ko? " taranta nyang tanong
"Hug me please" anito sa nakikiusap na boses.
"hag? Hindi k-kita maintindihan?" naguhuluhang anya
"Y-akap" anito sa mahinang boses ngunit rinig nya dahil sa lapit nila sa isat isa, hindi agad sya naka kilos sa pagka bigla ngunit bigla nalang syang napasinghap ng bigla sya nitong hilahin pahiga at ikulong sa makisig nitong mga braso.

Ramdam nya ang malalim at mabibigat na paghinga nito, sa una ay hindi sya komportabli ngunit hindi nalang nya namalayan ang sariling Nakatulog habang rinig nya ang tibok ng puso ng lalaki kasabay ng malakas ng tibok ng puso nya.


NAGISING si Chris ng masakit ang katawan ngunit wala roon ang atensyon nya kung hindi sa higaan na kinahihigaan nya ngayon dahan dahan syang tumayo at napapaigik dahil sa sugat sa paa, may benda na iyon nanariwa sa kanya ang nagyari kagabi.

"So it's true I'm not dreaming, where is she?" mahinang usal nya habang nililibot ng tingin ang bahay

Lumakad sya ng paika-ika hanggang sa makarating sa hagdan hinawi nya ang telang nakatabing doon upang makita ang pigura ng isang babae. Nakatalikod ito sa gawi nya dahilan upang hindi sya mapansin.

Habang dahan dahan syang bumababa ay hindi nya maiwasan na pagmasdan ito, nakasuot ito ng bistida na hanggang sa gitna lamang ng hita nito, kita ang kupas na kulay noon at mukang nakaliitan na lamang nito iyon.

Hindi nya maiwasan na pagmasdan ang makinis at mahahaba nitong binti tuloy ay hindi na nya namalayang naka baba na sya ng tuluyan sa hagdan.

Ipinilig nya ang ulo upang mawala ang sa paningin nya ang makikinis na binti ng dalaga, wala paring kamalayan ang dalaga na nasa likuran lamang sya nito marahil ay abala ito sa pagputol ng kahoy kaya naman umikot sya paharap dito.

Sa kabilang banda habang abala ang dalaga sa pag puputol ng kahoy na kinahoy nya kahapon na kaninang umaga lang nya binalikan, ng may sumulpot na pares ng paa sa harap nya, unti-unti nyang itinaas ang paningin hanggang sa makita nya ang kabuoan ng lalaki.

Ng magtama ang mga mata nila ng dalaga ay kita ni Chris ang gulat sa hitsura nito dahilan upang maibagsak ng dalaga ang hawak na kahoy at diretso iyon sa naka benda nyang paa.

"Aaah!!" igik nya sapagakat napakasakit talaga noon agad naman nakabawi ang dalaga sapagkat lumuhod agad ito, at maingat na hinawakan ang naka benda nyang paa.

"P-pasensya na g-ginulat mo kasi ako p-pasensya na" hingi ng tawad nito bago muling tumitig sa kanya

Nagtama muli ang mga mata nila at  bakas ng pag aalala ng muka nito at sa hindi malamang dahilang hindi na nya maramdaman ang sakit sa paa nya dahil tanging narinig na lamang nya ay ang malakas na kabog ng dibdib nya

"W-What is that?"

Takang tanong nya sa sarili na kahit sya ay hindi alam ang sagot.


Itutuloy...

TWIST OF FATE (ON GOING)Where stories live. Discover now