Hindi alam ni Chris kung bakit hindi nya mai-alis ang tingin sa magandang muka ng dalaga gayong normal lang sa kanya ang makakita ng magagandang babae, tama siguro ang hinala nya na mangkukulam ito at kinukulam sya, I mean she lives in this forest diba ganon naman ang napapanood ko sa-"Ayan maayos na, pasensya na"
Pukaw nito sa kanya na nagpabalik sa kasalukuyan sa iniisip nya mula kanina, agad naman syang nag iwas ng tingin para narin maiwasan ang pag titig nya sa maamong muka ng dalaga.
Tumayo na ito at nakatitig lamang ito sa kanya hindi nya maiwasan ikumpara ang height nito sa kanya, hanggang leeg lamang nya ito ngunit kung ikukumpara nya sa height ng kababaihan ay masasabi nyang matangkad ito.
Nakatitig lamang ito sa kanya at hindi nagsasalita at ganon rin naman sya, ngunit ng kumilos ang muka nito palapit sa kanya ay nawala ang iniisip nya.
"A-anong ginagawa mo?"
Aniya ng hindi na matiis na magtanong, halos murahin nya ang sarili ng nautal sya, he tried to compose himself but can't lalo na nung ngumiti ito at nagsalita.
"Alam mo bang napaka ganda ng bilog na itim ng mga mata mo?" wika nito sa malambing na boses
"H-ha?"
Aniya unable to response at Halos masamid nga sya sa narinig. Mas lalong lumapad ang ngiti nito at nagpatuloy."Para silang nangungusap kapag tinitignan, para silang dagat sa gabi na kumikinang kapag nasisinagan ng Buwan."
Ilang beses syang tumikhim dahil sa sinabi nito. Hindi alam ni Chris kung bakit hindi sya makasagot, sanay na sya sa ganoong mga papuri, kaya halos mag iwas sya ng tingin ng maramdaman nag iinit ang pisngi nya.
Am I blushing? Heck!?
"Ahm T-thanks"
anya at pinipilit makipagtitigan sa dalaga. Umayos na ito ng tayo at dumistansya na ipinagpasalamat nya, dahil kanina pa nya pinipigilan ang paghinga.
"Magdidilim na hindi ka pa ba babalik kung saan ka galing?"
Tanong nito ngunit sa halip na sagutin ay pinaka titigan ito at nagtanong din sya.
"Who are you? Why are you here? Are you alone-"
natigilan sya sa pagtatanong ng mapansing Lukot ang kilay nito at nakatingin lamang ito sa kanya.
"Pasensya na hindi kita maintindihan, hindi ko alam ang salitang ginagamit mo."
Ani ng dalaga na kina kunot ng noo nya"What do you mean-- I mean ahm- nong ibig mong sabihin?"
"Sabihin?" wika nito
Nakakunot parin ang noo nya dahil hindi nya ito maintindihan, then he realized something.
"Y-you can't understand my language? I mean you dont know how to speak English?"
Nagbaba lamang ito ng tingin at sumagot
"Pasensya na di kita maintindihan." nahihiyang sabi nya sa binata
"Naiintindihan ko na" Ani ng binata
"Ang ano?"
naguhuluhang anya ng dalaga"Wala aahm, pwedi magtanong?" anya at iniba na ang usapan dahil kita nya ang pagkailang sa muka ng dalaga, agad naman itong nag angat ng tingin
"Tungkol saan?" tanong nito
"Ano pangalan mo?"
"Anong pangalan?"
Wika ng dalaga at halos malaglag ang panga nya, hindi makapaniwala."Hindi mo rin alam yon?"
Hindi ito sumagot kaya nagpatuloy sya."Pangalan iyon yung pagkakatukoy mo at itinatawag sayo para makilala ka."
Malungkot itong ngumiti at nagsalita
"H-hindi ko alam ang bagay na iyan ang sabi ni lola kapag binigyan nya ako ng pangalan ay para nya akong tinatali sa isang kapalaran. Ngunit tinatawag nya akong 'apo' ngunit hindi ko alam kung pangalan iyon."
"Lola?" Tanong nya.
"Oo si lola. Kilala mo sya doon din sya nakatira sa malaking bahay."
naka ngiting wika nito, tumango tango sya, ang mayordoma marahil iyon.
"Tinatali sa isang kapalaran like destiny, fate?." tinitigan nyang mabuti ang maamo nitong muka at tumalikod habang nagiisip.
"She didn't want to tie you to a fate so she didn't name you, is what you say? " bulong nya at humarap sa dalaga
But this is fate, meeting and seeing you is fate.
"Ibig mong sabihin ay wala kang pangalan?" tanong nya
"Ganon na nga"
"Gusto mo magkaroon?" pagkasabi non ay nakitaan nya ng emosyon ang muka ng dalaga ngunit hindi nya mapangalanan.
"Talaga? P-pano?"
Anito na parang hindi makapaniwala, ngumiti lamang sya at nagsalita"Simple I'll give you one"
"H-ha?" naguguluhang eka ng dalaga, di nya maiwasan matawa dahil don.
"Sorry I mean, bibigyan kita, gusto mo ba? Isa iyong regalo para sa pag gamot mo sakin." anya habang pasimpling sinilip ang paa
Ilang segundo bago nya nasilip ang masaya nitong muka at agad naman itong tumango, nasasabik.
Chris 'tsk' while he chuckle
"Mhnnn let see. Ang sabi mo ang mga mata ko ay parang dagat kapag gabi at kumikinang kapag nasisinagan ng buwan and.. I didn't know that I'm starting to be Selenophile? Starting to love the moon." mahabang anya sa mahina at mababa ang boses
"Hindi kita maintindihan."
Ngumiti lamang sya sa tanong nito"That's good."
Sabi nya at tumitig sa mga mata ng dalaga
"Pwedi ba kitang tawaging Selena?" ""S-Selena?" nauutal na wika nito
"Oo Selena." sandaling natahimik ang dalaga na ikinabahala nya
"ahmm ayaw mo b-ba?"Akala nya ay aayaw ito ngunit Masayang ngumiti ang dalaga at tumango, hindi rin nakaligtas sa kanya ang kislap ng tubig sa gilid ng mga mata nito, masuyo nyang nginitiian ito at nagsalita
"Okay Selena, ang pangalan ko ay Chris"
"Chris?" malambing na anya ni Selena
"Yes Selena?"
Itutuloy......
YOU ARE READING
TWIST OF FATE (ON GOING)
Romance"She didn't want to tie you to a fate so she didn't name you, is what you say? " But this is fate.