II

67 1 0
                                    

Habang nakain ng cereal nanonood si V ng paborito niyang anime. Dahan-dahan at peacefully, masaya si V na ganto lang siya every morning. Minsan nga, nakakalimutan niya ng pumasok. Hindi naman daw kasi siya grade conscious like Jungkook (BITTER LANG YAN SI V), he doesn’t want to worry about the most trivial things in life. YOLO peg kumbaga.

Minsan makikita nyo si V nasa kwarto natutulog, madalas makikita nyo sa harap ng tv nanood. Cyclical na ang buhay niya, wala na siyang ibang ginawa kung di ang mga bagay na nagpapasaya sa kanya. Wala eh, masayahin si V.

Tumayo si V, nagtungo ng kusina at nilapag sa sink ang pinagkainan pagtapos dumiretso ng refrigerator at kinuha ang isang carton ng milk at nilagok ito ng walang pakungdangan. Sa bagay, wala namang ibang kasama si V sa bahay, dahil sa hindi maipaliwanag na ugali ni V ng umuwi siya kahapon ay bigla niya na lang naibaling ang hinanakit niya sa mga maids niya at napagtaasan niya ng malalim at nakakatakot niyang boses.  Ayon, nagkaroon tuloy ang mga ito ng early vacation.

Pagtapos lumaklak ni V ng isang carton of milk. Dumiretso siyang muli sa living room at nanood muli.

I’ll just forget about her.  Tama V, you have to be a man once and for all. Tama na ang ilusyon, ‘cos that girl… will never be yours.

 

Mula sa pageemote at ngayon sa hindi maexplain na sobrang kasiyahan ni V mula sa panonood ng anime. Ito ay nagulantang ng biglang may nagdoorbell.

Tumayo ito na naiinis at nanlilisik ang mata.

Bwisit naman oh.

Bago pa man maka lapit si V sa pintuan ay kusa na itong nagbukas at inireveal ang anim niyang kaibigan. Nangunguna sa grupo si Boy abs Jiminah. Wagas ang ngiti, nagwave siya kay V bago inihagis ang bag sa sofa at nagtungo ng kusina.

Gulantang parin si V, hindi naman sa ngayon lang nangyari ang pangyayaring ito. Sadyang hindi lang siya makapaniwala na anim sila ngayon. Na kasama nila yung isang red haired dude na ayaw niyang banggitin ang pangalan (kasi bitter siya).

All of them walk past V as they tapped his back. Ganon din si Jungkook na sadyang nakakasuspicious.

Sinundan ni V ng tingin ang kanyang mga kaibigan. Prenteng umupo ang mga ito sa sofa habang nakinood na din ng anime.

Mga ilang minuto ng nakatayo si V sa kanyang kinatatayuan. Parang walang pumapansin sa kanya. Ano bang pinunta nila dito?!

“Bakit kayo nandito?” Tanong ni V nakacrossed arms at nakakunot ang noo.

“Para pasayahin ka namin.” Sagot ni J-hope tumawa pa ito pagkatapos dahil sa pinapanood.

“What are friends for diba?” Dugtong pa ni Rapmon na hindi din naman nilingon ang kanyang kaibigan.

Nakakatouch.

Nagtungo si V sa harapan ng tv still nakacrossed arms, inis at parang makakapatay na sa sama ng tingin sa kanyang mga kaibigan.

“Bakit ‘di nyo ko pinapansin?!” He asked umuusok na ang ilong.

Nagtinginan muna ang lima, exchanging meaningful looks bago bumaling si Suga ng tingin kay V.

“Iiyak ka lang kasi.”

“At sawa na kaming makita yang pangit mong mukha kapag umiiyak ka.” Sabat ni Jimin while leaning on the counter that separates the living room and the kitchen with a cheeky smile.

“AIISH!” Singhal ni V as he ruffled his hair in annoyance at sumiksik sa tabi ni Rapmon at J-hope.

Sulking at malipas ang ilang minuto na tanging mga tawanan at pagnguya lang ang naririnig mula sa grupo. Bigla na lamang muling nagsalita si V.

V TimingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon