“Pirmahan mo na kung di, papatayin namin ang buong angkan ng Lama glama! Ang maton na sabi ni J-Hope sabay abot sa babae ng sobrang kapal na binded papers. (And no I don’t have anything against llamas xD)
Tinitigan ito ng babae, seryoso.
“Para saan ba ‘to?” Tanong nito sabay tumingin sa dako ni Jimin. Napapalibutan kasi siya ng mga ‘gangster’ daw.
“Pumirma ka na nga lang!” Sagot ni Jimin, inip na at init na init na sa outfit niyang all black with mask. “Pasalamat ka maganda ka.” Bulong pa nito na hindi naman nakalagpas sa tenga ni V.
“HOY NARINIG KO ‘YON!”
Napatingin si girl kay V as she scrutinized him kahit na takip na takip ito ng black outfit. Gangster pala ha. Bading na gangsters.
“I don’t just give my signatures to anyone. Especially sa mga” tuminginin ito sa kanilang lahat “gangster na katulad niyo.”
“Gangster ba talaga kayo?” Tanong nito sabay tapon ng binded papers na kanina ay ibinigay sa kanya ni J-hope.
Tahimik lang ang angkan ng gangsters na bading.
“Para kayong mga bading.” Sabay talikod ng babae at umalis sa eskenita. Iniwang lugmok ang mga gangsters. Si Jimin dinaan na lang sa push-up ang sakit na narinig niya.
“LANGYANG BUHAY TO OH KULANG PA BA KO SA ABS TO NOT BE LABELED AS A MAN?!”
Ang unang operation ng mga gangsters natin ay sumablay. Napagkamalan pa silang bading. Syempre malaking sugat yon sa pagkalalaki nila, lalo na kay Taehyung. Mas lalo lang tuloy siyang nagtampo at nainis. Imbis na nagsubside na kahit papaano ang tranquil ng Mt. Taehyung eh bigla lang itong naging mas close to eruption.
“Kalimutan na lang natin ang nangyari.” Inis na sabi ni Suga sabay inom ng caramel macchiato. Idadaan na lang sa kape ang sakit.
Tahimik lamang ang lahat, si Jin umiinom ng caffe latte. Samantalang si V nagwa-wifi sinisimulan niya ng buksan ang facebook, ig, twitter, myspace, hello, friendster, youtube at tumblr niya,
It’s time to unfriend, block and unfollow her.
“So, itutuloy pa ba natin to? Ayoko ng magsuot ng all black with mask di ko masyadong naipapakita abs ko! AND I’M BEING LABELED AS GAY DI KO KAYA!” Inis na talumpati ni Jimin habang nagpupush-up sa table nila.
Tinulak naman ito ni Rapmon paalis sa table. “Tae Jimin sa baba mo gawin yan, itapon ko kaya tong kape sayo?”
Inis na nagobliged si Jimin. Ipinagpatuloy ang ikaw 745th push-up. “Papayag kaya siya?” Tanong ni J-Hope.
“Hindi.” Sagot ni Suga na wari bang gusto ng mawalan ng pag-asa ang mga kaibigan niya. Hindi niya din talaga alam kung bakit siya nasama sa gangster-gangsterang plano ng mga sira ulong kaibigan niya.
“Wow congrats Suga, you won the best uplifting statement of the year!” Sabat ni Jimin na nasa kapitbahay na table nagpupush-up. Hindi ko din alam kung bakit hindi pa sila napapaalis sa coffee shop na ‘yon.
“Ano na plano?” Tanong ni Jin habang naghahanap ng signal ng wifi. “Ano nga ulit password?” Bulong nito kay Rapmon. “kanorbucks123” Sagot nito.
“May space?”
“Wala, lowercase lahat.”
Bigla namang umalis sa kabilang table si Jimin sabay sumingit sa dalawa. “Nafollow na ba kita sa IG Rapmon?”
“Oo, follow mo rin ako sa Twitter.”
“Hoy ako din! May tumblr kayo?”
“MAGNANAKAW TULONG! MAY MAGNANAKAW” Sigaw ng isang batang nagngangalang Jaemin. Tumakbo ito sa lansangan na puno ng tao which are giving him weird glances.
Bading ba ‘yung batang ‘yon?
He heard them as he was running for his damn life. Oo, nagpapanggap si Jimin na isa siyang batang babaeng nagngangalang Jaemin and because of that he has to do crossdressing.
Wala nanamang time para maishow off ang ipinagmamalaki niyang abs, yun yung masakit eh.
Sa likudan niya naman ay ang limang gangster na nagmamadali sa paghabol sa kanya, yung isa nakamonopod pa habang natakbo, nanonood ng paborito niyang anime. Alam niyo na kung sino ‘yon.
Feel lang ni Jin ang pagtakbo with earphones on habang si Suga ay pagod na pagod na at kung ano anong cuss na ang sinasabi sa isipan. Ganoon din si Rapmon na idinadaan na lamang sa pagrap ng kanyang hinanakit sa kanyang isipan. Si J-Hope naman ay hindi pa pagod mula sa pagtakbo nila ng mga ilang kilometro.
“Hoy V! Hindi mo naman sinabi na malayo yung coffee shop sa school bakit dun pa tayo nagsimulang magkunwari?!” Sigaw ni Rapmon pagtapos ng panglabing anim na rap na nabuo niya ng ganon-ganon lang sa isipan niya.
“Para on character tayo kapag malapit na sa school and besides 30 minutes pa before dismissal!” Sigaw ni J-Hope.
30 minutes later, wala pa silang kalahati papuntang school.
Tumigil na sa pagtakbo si Jaem-este si Jimin at naghihingalo na siya. Mukha na siyang narape sa sobrang kadugyutan. Kawawang Jaemin.
Tumigil na din ang limang gangster as they sat beside Jimin.
“Time out guys, wala na kong maplay na kanta sa ipod ko.” Hingal na sabi ni Jin.
“Ako wala na kong maisip na foul words para sabihin sa inyo sa isipan ko.” Pagamin ni Suga na putlang putla na.
“Paano na?” Hingal na tanong ni Rapmon sabay tumabi kay Suga.
“Lowbat na cell ko.” Hingal na pagungot ni Taehyung as he sat beside Rapmon.
“Sorry Guys, akala ko 30 minutes lang yung layo from school yun pala 30 kilometers.”
BINABASA MO ANG
V Timing
FanfictionKung tingin nyo walang forever.. Pwes! Papatunayan ni V na meron!