Chapter 6

16 3 0
                                    

Naglalakad sa buwan ang peg ko ngayon habang iniisip yung naging convo namin ni Samsam. Tinanong ko sya kung bakit sya umalis, kung bakit nya ako iniwan, kung anong nangyari pero paulit ulit rin lang nya akong sinasagot ng 'its for you', 'soon, you'll understand'—lintek lang! For me? Eh nasaktan nga lang ako ng sobra nung umalis sya eh. Hays...

...

"F-fvck—Can you please bring your senses back kahit ngayon lang na nasa daan ka?!"

Para akong natanga sa harapan ni kuyang Officer habang hawak hawak nya pa rin ang braso ko. Muntikan na kasi akong mabunggo ng malaking truck kanina dahil ang mga gago kong paa ay gumalaw patawid sa kabilang kalsada, buti nalang naligtas ako ni kuyang Officer...

Kung hindi deads kana at dahil yon kay Samsam mo.

Napayuko nalang ako habang habol habol ang hininga. Kinabahan kasi talaga ako. Ayoko pang mamatay ng maaga. At mukhang nadagdagan pa ang utang na loob ko ngayon kay kuyang Officer. Though, naiirita pa rin naman ako sakanya... konti lang naman.

99.99%? tsk.

Hindi ah! Mga 83% ganon.

Konti nga.

Atleast nabawasan tsk.

"What's gotten into you?! Are you going to kill yourself?!" galit na tanong pa nito kaya napaangat ako ng tingin at nakita ko nanaman ang mga mata nyang walang kaemo-emosyon. Napabuntong hininga naman ako bago binawi ang braso ko sa pagkakahawak nya atsaka sinalubong ulit ang cool brown eyes ng koya nyo.

"I am not going to kill myself. Masakit kaya yon! Di ako tanga no! Sadyang.... sadyang may iniisip lang ako." sabi ko sakanya at nakita ko namang nagsalubong lalo ang mga kilay nya.

"Mamaya mo na kasi isipin yan! Paano kung di ako dumating agad?! Ha?! Edi nakabulagta kana!" galit na saad pa nya at di ko na napigilang itaas ang kilay ko.

"Bat ka galit? Ano bang pake mo?" nakataas kilay na pang uusisa ko ng slight at ang nakasalubong na kilay ay bigla nalang naglayo at napaiwas pa ng tingin ang loko.

"W-wala akong pake sayo! Don sa driver ng truck, m-meron! Pagbabayarin mo pa sya eh!" nakaiwas tinging sagot nito at ewan ko ba'y napangiti nalang ako ng malawak ng kusa.

"Ah ganon?" nakangiting tanong ko at para naman syang di mapakali.

"O-oo nga! Kulit mo." at OMG! Namumula si Zinc Kayle!!!! HAHAHA!

''Uyyy! nagblush si President!" pang aasar ko pa sakanya with matching patusok tusok sa tagiliran at todo iwas naman si baklang periodic.

"T-tigilan mo nga yan! Mainit lang talaga! A-ano ba Javier!" naiinis na depensa nito habang iniiwas ang balakang sa daliri ko.

"Sus. HAHAHAHA ang kyut naman ni President mag blush." pang aasar ko pa at tutugon na sana sya nang may sumulpot na matangkad na lalaki sa gilid naming dalawa.

Napalunok ako nang magtama yung mata naming dalawa dahil parang may bumabara nanaman sa lalamunan ko at pasimpleng kinapa ang dibdib kong ang lakas ng dagundong.

"Xenon, anong ginagawa mo dito?" rinig kong tanong ni kuyang Officer sa lalaki at nakita ko namang napangisi yung Xenon. So, magkakilala sila.

"Wala naman—well, baka gusto mo akong ipakilala sa kasama mo." nakangisi na may halong diin or is it just me...na sabi nung Xenon bago ako binalingan ng tingin at bigyan ako ng isang matamis na ngiti na sinuklian ko lang din ng tipid na ngiti.

Napansin ko namang mas lalong nangitim ang aura ni kuyang Officer pero bumalik lang rin sa normal na sya nang mapansin nyang nakatingin ako bago ako nilapit sa tabi nya at hinarap don kay Xenon.

"So yeah, Xenon this is Sapphire and Sapphire this is Xenon, my older brother." bagot na pagpapakilala ni kuyang Officer at kita ko naman na mas lalong lumawak ang ngiti ni Xenon.

"Sapphire huh? Nice name. Btw, may second name ka?" biglang tanong ni Xenon na ikinagulat ko pero sinagot ko nalang rin.

"Yeah. It's Yael." sagot ko at eto nanaman yung ngiti nya.

"So Yael then." nakangiting sabi ulit nya at para nanaman akong natanga't natigilan sa isang tabi.

"W-what?" tanong ko habang palakas ng palakas ang dagundong sa dibdib ko. Pero imbes na sumagot ay ngumiti lang ito ulit atsaka tumalikod...

"Nice to meet you... Yael."

and everything went black.

***

A/N:
#nahimataysivaklangsapiro
Charot!

Stay tuned lang gais oki? Support nyo rin po to pleaseuuu. Salamat po! Lablats.

Ps. Sinong nakakaalam ng Kung Sana Lang?

Pps. Yun yung tugtog natin ngayon eh hahahahahahahaha. Skl.

Thank you againnnn! See you in next chap!

~IridiumiiTwentyyy

GlancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon