Third day, and I'm still here, caged. Kung pakiramdam ko dati ay hindi na ako makagalaw dahil sa tingin ni daddy, mas malala naman ang ngayon. Pakiramdam ko, isa na akong preso na hinding hindi maaring makatakas at mamuhay nang malaya.
Masama ba na paniwalaan ang gusto kong paniwalaan at ipaglaban ang sa tingin ko ay dapat na ipinaglalaban?
I reached for my phone, kaya lang ay wala naman akong bagong texts mula kay Ate Lucille. She's been really busy lately dahil sa emergency na nangyari sa bahay nila. Her mom was sent to the hospital, at siya nag nag-aalaga dun ngayon. Pinababantay niya ang Aroha cafe sa ilang employee, kaya hindi rin naman ako makakapunta dun kung sakaling makalabas ako dito nang buhay.
My posters were taken down forcefully by dad's maids, at wala akong magawa ngayon kundi ang tumitig sa kisame at isipin ang mga bagay na hindi ko naman dapat na iniisip.
Sino kaya ang tunay na mga magulang ko at bakit hindi man lang nila ako binibisita? Bakit hindi man lang nila ako kayang puntahan? Kung nabuhay kaya ako na sa kanila lang at hindi sa mga Montiel, ano kaya ang magiging buhay ko?
Biglang may kumatok sa pintuan, at hindi ko magawang pumunta dun at pagbuksan yun. The knocks came in again, hanggang sa nainis na ako ay sumigaw.
"What?" I said, at bumukas naman ang pinto kahit na sinabi kong huwag muna itong bubuksan.
It then revealed Leo, bringing something in. Maiinis na sana ako sa kanya dahil pumasok siya sa kwarto ko kahit na hindi ko naman siya pinapapasok, kaya lang nang ibigay niya ang mga bagay na dala niya ay hindi ko nagawang magalit.
He bought me an Eunwoo Bias Frappe from the Aroha Cafe, along with a photocard. Tapos ay may minion na plushie pa siyang iniabot.
"Leo naman, para saan to?" Sabi ko, and then he just smiled softly at me nang ibaba ko na yun sa tabi ko.
I already sat up at saka inumpisahan na inumin yung Bias Frappe, since hindi ko talaga yun matitiis.
"Syempre malungkot si Miss Louise. What's a butler got to do but make his boss happy, right? Malungkot din ako pag malungkot ka, Miss Louise," sabi ni Leo, at nagulat naman ako.
"Huh? Bakit naman?" Tanong ko, and he chuckled.
"Ewan ko. Siguro nasanay lang ako na laging nasa tabi mo, tapos nakikisama sayo. Hindi naman masama, diba?" Sabi niya, and I shrugged.
To be honest, I appreciated it. Magsungit man ako kay Leo, pero alam kong ang swerte ko na siya ang butler ko.
"Salamat, Leo. Lagi mo talaga akong natutulungan," sabi ko, smiling at him, and he laughed.
"Miss Louise naman, wag ganyan. Baka mamaya, agawin na kita sa Cha Eunwoo na bias mo," sabi niya, kaya naman ay napanganga ako sa kanya.
Hindi ako makapaniwala! Siraulo talaga siya!
"Leo! Iba na yan, ha! Anong agawin, tingin mo naman ba maaagaw mo ako kay Dongmin? Malabo." Sabi ko, and he fake pouted at saka tumango.
"A man can dream, you know?" Sabi niya, "I'm not exactly pangit, eh. Gwapo naman ako, and I'm also thoughtful and caring."
Ang conyo nitong butler na to. Sa totoo lang. Ibang iba, eh. Mga past butlers ko, ang lalalim ng salita eh. Hindi man nag-eenglish. Minsan mas maarte pa siya sa akin.
"Leo, iba na talaga yan," sabi ko, natatawa.
"Eh. Totoo naman, eh. O siya, Miss Louise. I'm gonna get going at magpanggap na nilolock ka sa labas. Tapang ni Sir Montiel, eh." Sabi niya, and I chuckled.
Siraulong to.
Nang makaalis na siya at isinara ang pinto, napatitig ako sa photocard na ibinigay niya sa akin. Ang saya ko. Napasaya ako ng bias frappe at ng photocard, dahil kay Eunwoo.
Si Eunwoo lang. Staring at his pictures made me reminisce my memories of admiring him secretly nung high school. Halos walang babae na hindi nagagwapuhan sa kanya, kung meron mang hindi.
He was sleeping on his desk, at lunch time na. Nakangiti lang ako nang kaunti habang tinititigan siya. Hindi na rin ako naglunch at dalawa lang kami dito sa room. Gusto ko siyang tignan hanggang mamaya, pero baka mamaya ay magising naman siya.
He really looks too amazing. He looks so princely na iisipin mo talagang maaring mula siya sa isang royal family. How can someone look as perfect as Lee Dongmin?
"Louise, super titig, ha?" Sabi ng isa kong kaklase nang pumasok siya sa room namin, but I only shook my head at saka inialis ang tingin kay Dongmin.
"No. Hahaha. Inaabangan ko lang kung naglalaway din ba ang mfa heartthrob pag natutulog," palusot ko, and she chuckled saka umupo na sa seat niya.
"Don't bother, he doesn't. He sleeps and looks perfect at the same time. Isa pa, pag nakita ka ng fans niya na nakatitig sa kanya, himala nalang kung wala kang kahit ni isang pasa o sugat bukas," pagpapaliwanag niya, and I grimaced.
Yes. He makes everyone feel breathless whenever he's around, because he's that attractive. And of course, he's so hard to get as well.
Himala nalang kung may patulan siya dito sa school namin.
I smiled at the memory. Kahit hindi pa siya idol nuon ay napakagwapo na niya. Para ba akong nakakulong sa memory na yun.
If I had the courage to approach him back then, may magbabago ba?
I shook my head rapidly. Matagal na yun. Hindi ko na dapat iniisip ang mga ganun.
He doesn't even remember being my schoolmate, especially being a classmate. He's too good for everyone else.
Sa buong araw na yun ay halos nakatitig lang ako sa photocard niya while listening to his soothing voice.
Napakasmooth ng boses niya sa pandinig ko at hindi ko naisip ni isang beses na may isang fault sa pagkanta niya. He just sounds and looks like a literal angel.
I hugged the photocard near my heart, at saka pumikit. Right then and there, tears spilled down my cheeks as I remembered that night we talked at the playground.
Somehow, after that, he had always made me feel less caged than I really was.
YOU ARE READING
breathless ◇ cha eunwoo
Fanfiction◇ astro series #2 ◇ "heck, cha eunwoo. you leave me breathless," louise montiel is a fangirl. parang tulad lang ng normal na mga fangirl dyan, nasisiyahan sa tuwing may fanmeets and concerts, events, gustong makita ang idols. but that wasn't everyth...