It's been a while at hindi ako matigil kangingiti. Oo, grounded pa rin ako, but there was no reason na rin naman na mabigat para lumabas ako. I could stay right here kung ang gagawin ko lang ay kung anong ginagawa ko in the past few days.
Biglang nagvibrate ang phone ko, kaya naman ay mas lumawak ang ngiti ko.
From:Dongmin
Lunch. Naglunch ka na? Inaagaw ni Moonbin lunch ko kanina, pagalitan mo nga :<Natawa naman ako sa sinabi niya, and then umiling-iling pa. Siraulo. Ang cute niya, nakakainis lang!
To:Dongmin
Wala pa yung maghahatid ng lunch ko, so I have to stay still muna hahahaha. Bias ni Leo si Moonbin!Agad naman na nakareceive ako ng reply, kaya binasa ko na lang yun.
From:Dongmin
Sinong Leo???I typed agad, nakalimutan na yata niya? Sabagay, hindi naman niya nameet si Leo nung tinawag niya ako sa backstage.
To:Dongmin
My butler, hahaha. Aroha din siya, eh. Bias niya si Bin.Hindi na ako nakareceive pa ng reply after that, at sumakto naman na dumating na si Mary na nagdadala ng food ko sa kwarto ko. Ibinaba naman niya ang food ko sa may table, kaya tumayo na ako from my bed at saka umupo dun. She bowed to me, tapos ay agad na umalis na.
Pagkaupong pagkaupo ko ay kumain na ako, smiling as I thought na sabay kaming kumakain ni Eunwoo ng lunch. Ano kayang ginagawa niya ngayon? Hindi kaya siya pagod? Siguro break nila kaya he can eat on time?
I sighed. Masyado na akong nag iisip. I'm not even sure kung matatawag kaming friends dahil sa sitwasyon o lagay namin ngayon, eh. Paano ba naman, we always talk, oo. We do talk about deep things too, pero ano? San darating? San pupunta?
I sighed, at saka kumain nalang ng mapayapa. Mapayapa pa ba ito kapag maraming bumabagabag sa isipan ko?
Aish.
"Miss Louise, pinapasabi ni Sir Montiel na pwede ka na raw makalabas ng kwarto mo at ng bahay," sabi ni Leo sa akin, smiling softly.
Ang gwapo naman niya, eh. May topak lang talaga. Swerte ko rin dahil sa kanya ako nagkaroon ng pakiramdam na butler mo, tapos mapagkakatiwalaan mo pa to the point na parang magkaibigan talaga kayo. I mean, magkaibigan naman kami.
"Hala? Talaga? Leoooo, tara na sa Aroha cafe ni ate Lucille! Daliiiii!" Sabi ko, and then he grinned at me before nodding.
Yayyy!
Agad naman ako na nag-ayos ng buhok ko, dahil baka magulo, and then lumabas na ng kwarto ko. Paglabas ko ay nakasalubong ko si Ate Endy, and she gave me a gentle smile.
I smiled at her, and then she hugged me. When she pulled away, may inilagay siya sa backpocket ko, kaya naman napakunot ang noo ko and I gave her a confused glance. She just pressed her index finger against her lips, kaya I nodded. Umalis na siya, at nilingon ko naman na si Leo only to see him bowing 90°.
Ang bait naman. HAHAHAHA.
"Leo, tara na," sabi ko, and then agad siyang nagstraight ng tayo. I chuckled, and then hinatak siya palabas hanggang sa nakarating kami sa front door.
May mga maids sa labas, and I know na nagbubulong-bulungan pa sila. Iba talaga.
"Ang gwapo talaga ni Leo! Crush ko siya,"
"Bagay na bagay talaga sa kanya yung mga suit niya, he looks expensive."
"San kaya nanggaling si Leo, ano?"
I chuckled, at saka tinignan si Leo na nakangiti na parang nagtagumpay siya sa buhay. Halata mong sayang saya sa compliments na naririnig niya. Iba talaga. Ibang iba.
Pinitik ko ang noo niya, kaya naman ay nagulat siya.
"Miss Louise!" Sabi niya, and I laughed.
"Airhead," sabi ko, at sabay naman na nagpark na sa harapan namin ang kotse na laging sinasakyan ko.
Call me gala, pero dun ako masaya. Paggagala is really my escape from stress.
Nang makapasok na kami sa car, katabi ko ulit si Leo sa backseat habang si Mary naman ang nasa passenger seat. I held on Leo's sleeve, at tinignan niya ako as if asking.
"Sumama ka sakin sa loob, ha? You know what I mean," sabi ko sa kanya, at parang nagulat naman siya.
"Eh? Sigurado ka?" Sabi niya, and I grinned saka tumango.
"Sabagay. Babantayan pa kita, eh. Makulit kasi si Miss Louise," sabi niya, and I rolled my eyes.
"Bin Bias Frappe, gusto mo?" Sabi ko, and then he smirked at me.
"Habang grounded ka, madalas akong bumili nun," sabi niya, and I dropped my jaw.
"LEO!"
"Ate Lucille! I missed you!" Bati ko, at saka agad na niyakap si Ate Lucille nang makapasok kami ni Leo sa Aroha Cafe niya.
She grinned at me at saka niyakap pabalik, patting my back. Namiss din naman siguro niya ako, no?
I pulled away from the hug, at saka ngumiti, looking at Leo.
"Ate Lucille, this is Leo, my butler, remember him? Aroha pala siya!" Sabi ko, and nagulat ako nang tumango si Ate Lucille na akala mo ay hindi siya nagulat.
"I know! He's been a regular since a long time ago. Hindi nga lang siya nagpupunta dito kapag nandito ka. I know him," sabi ni Ate Lucille, and I dropped my jaw.
"May nangyayaring ganito behind my back? Kayong dalawa-"
Natigil ako sa pagsasalita nang biglang may pumasok sa cafe, at saka nagsalita siya. Natigil rin sina Ate Lucille and Leo sa pagtawa, kaya naman naconfuse ako.
"Louise Montiel. Maingay ka rin pala," he said, and I blinked rapidly bago agad na lumingon.
Shit? Bakit...?
There Cha Eunwoo was, grinning foolishly at me habang may crumbs pa ng cake sa corner ng lips niya.
Kahit na ganun, heck, hindi mo maikakaila na ang gwapo naman talaga niya.
"H-Huy, hindi," sabi ko, at tinignan naman kami ni Ate Lucille na parang nagtataka.
Umupo si Leo sa isang empty seat, at nag-usap muna sila ni Ate Lucille, so I sighed. Teka, hindi naman siya makikita dito, hindi ba?
"Anong hindi? Don't worry, cute naman, eh. Bagay sayo." Sabi niya, and I groaned.
"Cha Eunwoo, you know, akala ko nung una princely type ka. Pero kasing kulit ka ng matsing!" Sabi ko, at tumawa naman siya.
"Princely naman ako, ha?" Sabi niya, ruffling my hair, which caused a blush to creep on to my cheeks.
What the hell?
Ilegal to!
"By the way, I see you're finally free. Finally, makakapag-hang out na rin tayo," sabi niya, and to say na pinabilis nun ang tibok ng puso ko? It's not a lie. Ganun na nga kasi ang nangyari.
"Anong... Anong hang out? Pumayag ba ako?" Sabi ko, and then he chuckled before pouting.
"Bakit, ayaw mo ba?" Sabi niya, and I widened my eyes.
"A-Ayos lang naman," nahihiyang sabi ko, turning my head sidewards para hindi niya makita ang mapupulang pisngi ko.
I'm free from my cage, but I'm surely not free from his paasa words.
YOU ARE READING
breathless ◇ cha eunwoo
Fanfiction◇ astro series #2 ◇ "heck, cha eunwoo. you leave me breathless," louise montiel is a fangirl. parang tulad lang ng normal na mga fangirl dyan, nasisiyahan sa tuwing may fanmeets and concerts, events, gustong makita ang idols. but that wasn't everyth...