Chapter 5

23 0 0
                                    

Darryl's Point of View

Kilalang-kilala ko na si Heart, First year pa kami. Idol ko kasi siya. Palagi siyang nanalo sa quiz bees at competitions. Gusto kong maging kaibigan siya kaso parang busy siya at hindi siya minsan pumapansin. Pero salamat naman at ngayon, kaibigan ko na siya.

Grabe, laking pasasalamat ko talaga nang sinabi ni Heart na tutulungan niya ako na abutin ang pangarap ni Mommy na maging Valedictorian ako.

Mom has a breast cancer. Natakot ako ng sinabi sa akin ng doctor ang naging diagnosis niya.

Flashback:

Pumasok ako sa loob ng suite ni Mom at kasama niya ang nurse niya.

Tumingin sa akin si Mommy at parang nasense niya that I would like to talk to her privately.

"Stephie, pwedeng iwan mo muna kami ng anak ko? May pag-uusapan lang kami." she told her and she smiled.

"Ahh, okay po Ninang. Wait lang po, ayusin ko lang po ang dextrose niyo." sabi ng nurse.

Nasa ospital kasi kami. Kasasabi lang ni Doc na may cancer pala si Mommy which made me terrified to death. Ayaw namin ni Daddy na mawala si Mommy, she's our source of strength.

Lumabas na ang nurse at umupo ako sa gilid ng kama.

Hinawakan ko ang kamay ng aking pinakamamahal na ina, "Mom, are you going to leave me?" I asked as a tear fell from my eye.

She looked sad, alam kong ramdam na ramdam niya kung gaano ako katakot na mawala siya.

"Nak, don't cry. Hindi kita iiwan. I am your super mom right? Be strong please anak. Andiyan ang ating panginoon, hindi niya tayo papabayaan."

She smiled to me. And that smile gave me an assurance that Mom will fight for this obstacle. Palagi ko siyang ipagdadasal na malagpasan niya tong pagsubok na to.

Pinahid ko ang mga luha ko at ngumiti.

"Mom, promise ko na magtatry akong tuparin ang pangarap mo sa akin na maging Valedictorian sa school but please do promise also that you won't leave us."

"Don't make a promise, baby. Promises are meant to be broken."

"No, mom. Promises aren't made to be broken if we have the motivation and perseverance to take a stand on that promise. Nasa tao lang yun kung tutuparin niya ang promise niya. Mom, I will study well. Just please, please don't ever give up."

"I'm so proud of you, anak. I promise you, magpapagaling ako. Ayoko ding iwan ang baby ko eh," she said and kissed me ten times on the cheeks.

"Thank you Mom, I won't ever fail you."

End of flashback.

I will really study hard. Para to kay Mommy at para na din kay Dad. I won't ever fail them.

I am really thankful to God that he gave me this wonderful girl, kung wala siya edi sumuko na sana ako. Pero hindi eh... andiyan siya para tulungan ako, and I am really grateful of that.

Honestly, I have no feelings for Heart.

Kaibigan lang ang tingin ko sa kanya. Marami na ang nagtatanong sa akin kung ano ba ang meron sa amin ni Heart, kung bakit palagi kaming magkasama sa library, sa covered walk, o sa field...

Akala nila siguro na pinopormahan ko si Heart. Pero iba ang mahal ko.

Si Sharmaine Sy. Siya ang mahal ko, oo mahal ko siya. Gustong gusto ko na siya magmula first year hanggang sa ngayon.

Academic DealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon