18

16 1 0
                                    

HYEJEONG

❝Anong kulay ng gown mo, Entti? Bagay sayo kung black or red, mag-blue nalang ako.❞

❝Edi red na may kasamang black.❞ mahinang saad ko.

Iniintay namin si Junkyu sa mga pinapamili niya. Si Yunseong naman nakaupo lang sa tabi ko, habang hawak yong tux niya.

Buti nalang nga at wala siyang partner, kaming dalawa nalang.

At ang nakakatawa pa ay napag-usapan namin kaming dalawa. Ang ibig kong sabihin, naging mag-bestfriends kami instead of lovers. Mas okay na rin dahil walang issue. At magiging maliwanag kay Jungmo ang lahat.

Ay char, don't say bad words, Entti. Char ulit.

❝Huwag kayong mag-reklamo na matagal ako. Dahil alam kong mas magtatagal kayo sa mga bibilhin ninyo.❞ bungad sa amin ni Kyu paglabas niya ng store.

❝Libre ko pang-kain.❞ sabat ni Yunseong.

Kokontra na sana ako nang ilagay niya ang hintuturo niya sa daliri ko para pahintuin ako sa pagsasalita.

Ako kasi ang nag-aya sakaniya, kaya dapat libre ko din dahil ayon ang napagkasunduan namin.

Natapos ang araw, kumain kami nang masaya, dahil kahit papaano ay joker naman si Junkyu. Minsan ay nakikisabay pa si Yunseong at todo kontra naman si Jasmine.

Hindi ko alam kung anong mali sa akin. Kinakabahan ba ako for the party tomorrow, or may dinaramdam ako kay Jungmo, o meron pang ibang dahilan...

Hindi ko masabi kung ano, basta ang lungkot lungkot ko.

❝Hye, saang table ka uupo bukas?❞ tanong ni Seong.

❝I don't know. Baka kasi magsolo mga kaklase natin. Tapos kayo 'ring woollimz. So siguro sa Silver Boys nalang.❞

❝Hala ayaw kitang makasama sa iisang table Entti! Sumama ka nalang 'kila Yunse—❞

❝Shut up, Kyu. I'm not even talking to you.❞ pagsusungit ko.

Alam kong masungit ako araw-araw, segu-segundo. Pero iba talaga ngayon.

❝Is.. that Jung...mo??❞ napatingin ako kay Jas na nagsalita sa tabi ko. Tumingin ako sa direksyon kung saan siya nakatingin.

And there, I saw Jungmo with Yna. Ang saya nila, sana all.

Mas lalo akong nawala sa mood. Inaya ko na silang umalis nang biglang magsalita si Yunseong.

❝Entti, yayakap ako sa likod mo. H'wag kang magagalit, para sa 'yo din naman. ❞ nalito ako sa sinabi niya.

❝What are yo—❞

❝Bakit ka nag white pants?❞ kinunutan ko siya ng noo. ❝Red tide.❞

FUCK

• 𝒔𝒑𝒓𝒊𝒏𝒈 𝒃𝒓𝒆𝒆𝒛𝒆 | 𝑘𝑜𝑜 𝑗𝑢𝑛𝑔𝑚𝑜Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon