23

15 1 0
                                    

HYEJEONG

❝EARTH TO HYEJEONG? HELLO?❞ nagulat ako sa pagsigaw ni Tiffany.

❝LUTANG KA NA NAMAN, ANO BA KASING NANGYARI?❞ isa pang galit, si Jasmine.

❝W-wala ah.❞ sagot ko na lamang.

Ayaw ko munang kumausap nang kung sino ngayon, kahit isa.

Unang-una, iniisip ko kung sino 'yong lalaki last week. Familiar 'yong body shape niya sa akin, 'yong height, lahat.

At isa pa, 'yong mama ni Minkyu. Pagkauwi ko sa bahay last week, sinabi na sa akin ni Minkyu yong totoo at dalawang araw kong iniyakan 'yon.

Sobrang naging mahalaga sakin si tita, siya iyong tumayong nanay ko for 4 years, ayon din yong mga panahong nasa America si mama.

❝You're not Hyejeong.❞ rinig kong sabi ni Athena.

❝Ako parin 'to.❞ naramdaman ko ang paghagod ni Yunseong ng kamay niya sa likod ko. Alam niya kung ano ang mga tumatakbo sa isip ko ngayon.

❝Huwag ka munang pumasok sa next subject, Hye. Kami nang bahala mag-explain.❞ sabat ni Wonjin.

❝Gutom lang 'to..❞ nakangiting saad ko.

❝Hyejeong!❞ napatingin ako sa tumawag sa akin.

Si Kuya Gon.

❝Kuya, hindi mo kasama si Kuya Yuvin?❞ magkaklase kasi sila.

❝May tinatapos kasi sila. Ito, pinapadala niya sa 'yo. 'Tsaka may sasabihin rin ako.❞ inabot niya sa akin 'yong isang paper bag.

❝Anong sasabihin mo?❞

❝Iyong huli mong nakasayaw, bago matapos 'yong valentine's night.❞

Kilala niya ba 'yon?

❝Feel ko si Jihoon.❞

❝Sigurado ka, oppa?❞

❝Feel ko lang naman, kasi ganon na ganon si Jihoon, kita mo naman.❞

Sabagay.

Pero paano niya naman ako nagustuhan kung sakaling gano'n..

Kung si Jihoon talaga 'yon, gusto kong malaman kung anong rason niya para magustuhan ako. Maiintindihan ko naman if sasabihin niyang dahil sa sobrang tagal na naming magkaibigan. Ganoon.

❝Bakit hindi mo kausapin?❞

• 𝒔𝒑𝒓𝒊𝒏𝒈 𝒃𝒓𝒆𝒆𝒛𝒆 | 𝑘𝑜𝑜 𝑗𝑢𝑛𝑔𝑚𝑜Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon