HYEJEONG
I was waiting for Kuya na lumabas ng kwarto niya. Pero nang sumilip ako e walang katao-tao.
Gusto ko sanang sabay kaming pumasok ngayon together with Hyeongjun. Ang kaso ay sabay ata silang pumasok nang maaga.
Nagdesisyon nalang akong lumabas ng bahay. Habang naglalakad, napahawak ako sa nakaumbok mula sa bandang dibdib ko.
Suot ko parin iyong binigay ni Seong. Para bang ito iyong pinakamagandang regalo na natanggap ko, lalo pa't siya lang nakaalala na birthday ko nung friday.
❝Yah Song Hyejeong!❞ napalingon ako sa tumawag sa akin. Si Hun.
❝Ang aga mong manira ng araw, Hun.❞
❝Aba gago ka ah? May ipapakita kasi ako sa 'yo.❞ saad niya at may blindfold na inilagay sa mata ko.
GAGO BA 'TO? MAY IPAPAKITA PERO TINAKPAN 'YONG MATA KO.
Naramdaman kong hinila niya ako at pinasok sa kung anong sasakyan, feel ko van 'to dahil hindi naman ako nauntog dahil halos nakatayo ako habang pinapapasok ni Hun dito.
❝Putang ina mo Kim Seunghun ibaba mo 'ko dito! Ayokong ma-late sa school ano ba!❞ hindi siya nagsalita sa halip ay pinapakalma ako.
❝Tangina Seunghun gusto ko lang ipaalala sa 'yo na bestfriend kita, kuya ang turing ko sa 'yo! Please lang kung may binabalak kang masama h'wag mo nang i-tuloy, lalamunin ka lang ng konsensya mo!❞
❝Napaka-ingay Song Hyejeong, p'wede manahimik ka nalang bago pa ako gumawa ng bagay na hindi mo ikakatuwa?!❞ rinig kong reklamo niya pa.
TANGINA?????
Hindi ko mai-galaw ang mga kamay ko dahil hawak niya iyon nang mahigpit, kasama na din 'yong mga paa kong hindi makagalaw dahil iniipit din ng paa niya.
Ilang minuto pa ang lumipas nang maramdaman kong lumuwag ng kaunti ang pagkahawak sakin ni Hun atsaka ko narinig na binuksan niya ang pinto ng sasakyan.
Agad naman niya akong inalalayan pababa pero mahigpit parin ang hawak sa akin.
❝Malapit na tayo, konting tiis nalang.❞ rinig kong saad niya.
❝Nasaan tayo? Saan mo 'ko dadalhin?❞ masungit na sambit ko.
❝Ikaw na nag-sabi, kapatid turing mo sa akin. Ba't ako gagawa ng bagay na ikasisira ng pagkakaibigan natin? Ano ako? Gago?❞
❝Eh kung sinabi m--❞ naramdaman ko ang pagtigil namin sa paglalakad kasabay no'n ang pagtanggal niya ng panyo sa mata ko.
Nanlalabo nang kaunti ang paningin ko dahil mahigpit yong pagkakablindfold sa akin ni Hun kanina pero hindi ko na pinansin.
Nanlaki ang mata ko nang dahil sa narinig ko.
❝HAPPY BIRTHDAY HYEJEONG! WE LOVE YOU!❞
BINABASA MO ANG
• 𝒔𝒑𝒓𝒊𝒏𝒈 𝒃𝒓𝒆𝒆𝒛𝒆 | 𝑘𝑜𝑜 𝑗𝑢𝑛𝑔𝑚𝑜
Short Story❝𝑾𝒆'𝒍𝒍 𝒎𝒆𝒆𝒕 𝒂𝒈𝒂𝒊𝒏, 𝒘𝒉𝒆𝒏 𝒕𝒉𝒆 𝒔𝒑𝒓𝒊𝒏𝒈 𝒃𝒓𝒆𝒆𝒛𝒆 𝒑𝒂𝒔𝒔𝒆𝒔.❞ ❝𝑰'𝒍𝒍 𝒔𝒎𝒊𝒍𝒆 𝒃𝒓𝒊𝒈𝒉𝒕𝒍𝒚, 𝒘𝒉𝒆𝒏 𝒕𝒉𝒆 𝒔𝒑𝒓𝒊𝒏𝒈 𝒃𝒓𝒆𝒆𝒛𝒆 𝒑𝒂𝒔𝒔𝒆𝒔❞ S: 10-22-19 E: --/--/--