KABANATA 9

71 51 0
                                    

Chapter 9

Beatrix's Pov

Nauna na akong umaykat sa room, magccr pa raw kasi si Audreigh

"Makakaya mo yun, magtiwala ka sa sarili mo tsk. Tska kung kailangan mo ng financial, sabihin mo lang saakin papahiramin kita. Huwag nga lang sobrang laki hahaha"

Napakabait talaga ni Audreigh, kahit nababawasan ang pag-iisip sa mga problema sa bahay.

Gusto kong iwan sa bahay yung problema pero hindi ko maiwasang madala hanggang school letche.

Sana lang talaga hindi matanggal sa trabaho si mama, dahil hindi kaya ng tuition fee ko ang binibigay ni papa saamin. May bunso pa akong kapatid na Graduating ng Elementary, next school year maghi-highschool na. Mas lalong dadagdag ang mga gastusin.

Ayoko din namang huminto sa pag-aaral, gusto kong makahanap ng magandang trabaho at malaking sweldo. Para mapaaral ko ang kapatid ko para sa kolehiyo niya. Para na rin sila mama at papa mapahinga na sa pagtatrabaho nila.

Kung walang choice siguro nga magwoworking student nalang ako pero hindi pa rin magiging sapat yun para mabayaran ang tuition fee ko. Hindi ko naman kayang mag scholarship, kung singtalino lang sana ako ni Audreigh baka pwede pa.

"Bianca? Anong oras na? " tanong ko sa katabi ko. Wala kasi akong cellphone tska relo eh hahahaha.

"1:02 na" bakit ang tagal naman ni Audreigh? Marami namang Cr dito, imposibleng hindi pa yun nakaihi. Obaka isang drum ang iniihi nun? Joke

Dumating na ang teacher namin pero wala pa rin siya. Nagsimula nang magdiscuss nang biglang may kumatok sa door.

"Excuse me sir, kukunin lang po yung bag. Eto rin po excuse letter ko" inabot ni Cayden ang papel at dumiretso sa upuan niya

Iginala niya ang paningin niya, kumunot ang noo ng hindi makita sa upuan si Audreigh. Lumapit siya saakin

"Nasan si Reigh?"

"Ewan sabi niya kanina magccr lang siya. Hanggang ngayon hindi pa umaakyat"

"Sge, tatawagan ko nalang siya" kinapa niya sa bulsa ang phone "nasa gym ang cellphone ko" tumango nalang ako at tumalikod sa akin

"Thankyou sir. Pressy paabot nalang sa teachers natin, salamat" tuluyan na itong lumabas ng room.

Discuss
Discuss
Discuss

"Who's absent?" paktay na

"Laveste sir"

"Okay, Quiz tayo bukas be ready, Good day"

Maya't maya nakarating na si Audreigh.

"Saang cr ka ba umihi at bakit ang tagal mo Reigh ah? " bungad ko sa kaniya. "May quiz tayo bukas"

"Niregla ako bwisit" halata sa itsura niya ang inis. Kumuha siya ng tissue sa bag niya at pinunas sa mukha niya.

"Akala ko pang isang buwan mong ihi yun hahaha"

"Ha-ha funny"

"Tinawagan ka ba ni Cayden? Umakyat kasi siya dito kanina eh" tango lang ang natanggap ko sa kaniya. Baka wala siya sa mood lalo na't first day.

Hanggang sa natapos ang quiz at natapos na rin ang klase. Hindi na nagsalita si Audreigh. Panis na siguro laway neto kaya ayaw magsalita

"Gusto mo tubig?" pag-aalok ko ng tubig sa kaniya.

A COLD NIGHT (on-going)Where stories live. Discover now