KABANATA 11

43 32 0
                                    

Chapter 11

Pagkatapos ng usapan namin dumiretso naman ako sa kwarto ko.

Hinubad ang damit at humiga sa kama. Hindi ko pa pala naitetext si Cayden

To:Cayden

Nakauwi na ako. Take care :>

Sabado na bukas . Tumingin ako sa calendar ng phone. Shttt december 3 na pala bukas.

Agad akong lumabas ng kwarto at pinuntahan si mommy

"Mommyyy! "

"Oh bakit? "

"Death anniversary na ni Daddy bukas"

"Oo nga, kaya wag kayong magpupuyat ngayon. Dahil sasamahan niyo ako sa pamamalengke at tutulungan niyo akong magluto"

"Doon nalang tayo kakain sa cemetery? "

Tumango si mommy. Matagal nadin nung huli akong nakadalaw kay daddy.

Nakita ko si Aubrey, kakalabas lang ng kwarto niya.

"Aubreyyy? Death Anniversary na pala ni daddy bukas"

"December 03 na bukas? "gulat na tanong niya. Ako din ngayon lang naalala sorry daddy hehe.

"Yep! Wag daw tayong magpupuyat sabi ni mommy" umupo siya sa sala at binuksan ang tv

"Ang bilis no? Parang kahapon lang nangyari lahat"sabi nito habang nagpipindot pindot sa remote."Hindi man lang umabot si daddy sa Christmas and New Year" akala namin aabot siya dahil akala din naman sobrang okay pa siya "Yun na din pala yung last birthday niya na kasama natin siya" tinignan ko siya,hindi ko rin maiwasang hindi maluha.

Si Aubrey ang pinakamalapit ang loob sa lahat,sabi sa akin nila mommy at daddy. Nung ipinapanganak daw kami, isa lang ang mabubuhay saaming dalawa. Kaya nung pagkalabas naming dalawa,hindi umiiyak si Aubrey,kahit pinalo palo na. Kaya ang akala ako lang ang nabuhay saming dalawa. Pero ilang minuto biglang umiyak si Aubrey kaya napakablessing daw ni Aubrey sa amin. Gustong gusto daw kasi nila mommy at daddy ng twin. Kaya hanggang sa lumaki kami si Aubrey ang binababy, ayos lang saakin iyon.

-

Sabi sakin ni daddy "Audreigh baka eto na yung last birthday na kasama niyo ako" hindi ko mapigilang umiyak.

"No daddy gusto pa kitang makasama ng matagal, gusto namin makita mo kaming inaachieve yung mga dreams namin daddy" Daddy isa ka sa mga gusto kong makita mo ang pagiging successful namin.

"Kinakaya ko pa naman anak, pinipilit ko, kasi gusto ko rin na makasama kayong matagal pero parang hindi na kinakaya ng katawan ko"

"Daddy naman" naiyak nalang ako sa harapan niya,gusto ko siyang yakapin, kaso masasaktan siya.

"Audreigh be strong please"

--

Kapag may umaaway saakin sa school, agad akong tumatakbo kay daddy para magsumbong. Kapag nasstress ako sa school, si daddy ang iniiyakan ko. Kapag nagkakaroon kami ng tampuhan ni Aubrey si daddy pa din ang tinatakbuhan ko kahit binababy niya si Aubrey.

"Sanang mas sinulit pa natin yung mga araw na yun" dugtong pa ni Aubrey nakatutok ang paningin niya sa tv

"Nasulit naman natin ah? " nakangiti kong sagot "Doon tayo sa positive way, atlis hindi na siya nahihirap sa sitwasyon niya, wala na siyang dinadaing na sakit " sabi ko at ngumiti ng pilit.

A COLD NIGHT (on-going)Where stories live. Discover now