1

17.8K 65 8
                                    


Written By: lonelyouth ; All Rights Reserved 2012 ©

(REVISED AND EDITED MAY 2020)
---------------------------------------------

KARYLL BEATRICE LIM-LEDEZMA KILLED DYLAN JOHN LEDEZMA, MURDER CASE CLOSED.

If only I have the guts... kidding. Nakakainis lang kasi makita araw-araw sa loob ng tatlong taon ang lalakeng tinatawag kong asawa? Yuck ikr.

Nasanay na kami sa set-na pagnandito ako sa bahay ay wala naman siya pero kung kapag kaming dalawa ang nandito di kami nagpapansinan o kaya nagsasagutan lang. Yep, we've been living like this for 3 years.

Sawa na ako sa buhay ko na ito. Kung pwede lang tumakas sa sitwasyon naming ito matagal ko ng nagawa pero nakasalalay dito ang kompanya namin at ang tiwala ng mga magulang ko sa akin.

Ako pala si Karyll Beatrice Lim-Ledezma. 22 years old and nakaksuka pakinggan na married na ako. I've been with this guy masungit, mayabang, babaero and a heartless person for almost 3 years. We made a deal 3 years ago na if we finished college and ready na hawakan mga kompanya namin we will take this marriage a seal off and I can't wait for that day to come.

Almost 3 years with him has been a living hell in my part. I've made up my mind and I can't take this man to be part of my life. We only need a way or a concrete plan for this arranged marriage to go in a drain.


--------------------------------------------

Nagising ako mula sa tunog ng alarm clock ko. Tiningnan ko ang oras at 6:00 na pala at may pasok pa ako mamayang 7:30.

Bumangon na ako sa pagkahiga at dumiretso na sa shower. I decided to go for an off shoulder black top and a denim skirt paired with white sneakers. Blinowdry ko na ang hair ko at naglagay ng light make-up since sa school lang naman ako pupunta.


Pagkatapos kong mag-ayos. Lumabas na ako ng kwarto ko ng nakasalubong ko si Dylan na naka navy blue na polo shirt at maong pants. Tinarayan ko lang siya ng nakita ko siya.


"Papasok ka na!?" tanong niya na medyo pasigaw.


"Ay hindi, matutulog ako," sagot kong pilosopo sa kanya sabay acting na parang pumipikit.


"Mamatay na mga pilosopo!" sigaw ulit niya. Halata sa mukha niya na nainis sa sinabi ko. Ayaw kasi niya sa mga taong pilosopong sumagot.


"Ha? hatdog," pilosopong sagot ko ulit sa kanya at nakitang inirapan lang niya ako. Iniwan ko siya at bumaba na ng bahay para kumain.


Pagkababa ko I smelled the scent of my favorite pancakes. Atleast it made my morning a less of a hell.


"Good morning manang!" bati ko kay Manang Lani. Naging kasama ko na siya mula sa baby pa ako hanggang sa nakapag-asawa ako.


"Magandang umaga rin Karyll!" Sagot niya habang nilagay na ang pagkain sa mesa. Napangiti ako sa pancakes ko at kumain na.


Napansin ko na dalawang plato ang hinanda niya ng pancakes, para ata 'to sa halimaw na nasa taas. Narinig kong pababa na siya kaya nagkunwari ako na focus na kumakain.


"Good morning Sir! Kain na po kayo at sumabay na kayo kay Karyll," malapit na akong mabilaukan sa sinabi ni manang dahil alam kong di naman papayag ang kumag na 'yan.


Nakita ko siyang napahinto sa dining table at tiningnan kung ano ang pagkain. Tiningnan ko siya habang binigyan ng sarkastikong ngiti. Inirapan lang niya ako ulit.


"Pakibalot nalang manang at sa sasakyan ko nalang kakainin. Wala akong ganang sabayan ang isang immature," halata sa pagkasagot niya na pikon siya sa sinabi ko kanina.


Umupo siya sa sala at nanuod nalang ng TV habang hinihintay ang pagkain na pinabalot niya kay manang.


"Anong nangyari 'dun? Nagaway ba kayo ulit?" tanong ni manang habang hinahanda sa tupperware ang pagkain ni Dylan.


Tinawanan ko nalang si Manang. Inubos ko na ang pagkain ko at dahil mukhang malalate na ako.


Nagpaalam na ako kay manang at kinuha na mga gamit sa mesa. Linagpasan ko si Dylan na nanunuod ng TV.


Pagkalabas ko ng bahay nagbook na ako ng Grab since di pa ako marunong magdrive. 15 minutes away pa yung binook ko at 7:00 na, mukhang malalate talaga ako nito.


Lumabas na si Dylan dala ang bag at tupperware niya. Tinarayan ko lang siya at naghintay ng binook kong Grab.


Napansin kong hinawakan niya ang braso ko at tiningnan siya ng masama, "Ano ba problema mo?" sigaw ko sa kanya.


"Bitawan mo nga ako," sigaw ko ulit sa kanya pero tiningnan lang niya ako na parang nagugulo siya.


"Sumabay ka na sa akin," sabi niya at binitawan na ako. Dumiretso na siya sa sasakyan niya at hinihintay akong sumakay.


Di ko parin siya pinansin at tumingin lang sa labas. Nakakainis bakit wala pa yung binook ko.


"Sakay na nga ang arte mo," binaba niya ang window mula sa shotgun seat. Di ko parin siya pinansin.


"Bahala ka sa buhay mo," sabi niya ulit at umalis na.


Singawan ko sasakyan niya ng biglang tumalsik ang tubig sa sapatos ko.


"Bastos ka!"

The Unfolding Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon