3

4.5K 47 2
                                    

"Anong ginagawa mo?"

Tiningnan ko siya ng masama at tinaggal ang pagkahawak niya sa braso ko sabay bulong sa tenga niya.

"Edi lumalandi kagaya mo," I slowly said and walked away from him.

6pm na natapos klase namin at nagpaalam agad si Julia since nasa parking na ang driver niya.

Napapansin kong nagbubulungan mga tao sa paligid ko dahil sa suot ko atanh jersey dahil nakalagay sa likod ang apelyido ni Oliver na "Curtis"

Pinabayaan ko nalang sila since wala naman ako ginagawang masama at di ko naman ginusto na matapunan ng shake.

Magbobook na sana ako ng sasakyan ng may nagpop-up na text sa akin.

From: Pinsan ni Satanas

Asan ka? Nasa bahay ang mga matatanda dapat sabay tayong umuwi

Napairap ako ng malaman kong nasa bahay na naman parents namin and we need to pretend like everything is alright. Mabuti nalang at alam ni Manang magtago ng sikreto.

Pumunta ako agad sa parking area para sabay na kaming umuwi. Walang may nagsalita sa buong biyahe since palagi naman kaming ganito.

We arrived home and I rolled my eyes when I saw my parents' and his parents' car outside.

"Galingan mong umacting," sabi niya bago bumaba ng sasakyan. Di ko nalang siya pinansin at bumaba nalang rin.

Nauna si Dylan pumasok at binati mga magulang namin at binati rin sila ng makapasok kami.

"I missed you darling!" Sabay halik ni mommy sa cheeks ko and I gave her a faint smile.

Nagbless ako sa dad ko at sa dad ni Dylan habang nakatayo lang siya sa dining area.

"Hello hija," bati saakin ng ina ni Dylan at hinalikan ko kamay niya bago tumalikod sa kanila.

"Wait Karyll, sinong Curtis?" Nagulat ako ng tanungin ako ng mommy ni Dylan. Napansin ni Dylan na nagulat ako at di alam anong sasabihin.

Dylan pulled me close to him and wrapped his arm around my shoulders. Tumawa muna siya bago sumagot.

"Someone's character sa movie na loser maglaro ng basketball," sabay tawa niya at mas hinatak ako na sign na sumakay nalang ako.

"Yes po mom but he's cute!" Ganti kong sabi sa mama ni Dylan. Natawa sila sa sagot ko habang tiningnan ako ng masama ni Dylan.


"Go change your clothes, you stink na," He said before letting go of me at dumiretso sa fridge para uminom ng tubig.


Nagpaalam naman ako na magbibihis ako sa taas kahit ayoko pero kailangan kong sumakay sa trip ni Dylan ngayon.

Pagkatapos kong magbihis bumaba ulit ako ng tawagin ako ni Manang na kakain na daw at nandoon parin mga magulang namin.

As usual we had dinner with their talks about business which I was never interested. Me and Dylan ate peacefully at tumatango nalang kung may sinasabi mga parents namin.

"Gragraduate na pala kayo next year and I'm sure ready na kayo magtake over ng business," dad said while looking at us.

"It's really a great choice na Karyll picked Finance and Dylan sa Marketing," his dad added.


Napansin kong tinadyak ni Dylan paa ko sa ilalim para ako ang sumagot.


"Ah— yes po naman," I said trying not so hard to be fake.


The dinner was over and our parents were about to say their goodbyes. Lumapit ako kay Dylan para kunwari close talaga kami.


"We'll go na para you have time together and by the way it's almost your 3rd year anniversary where do you plan to go?" My mom said excitedly.

Sasagot na sana ako ng may nagmessage sa phone ko kaya napatingin kami ni Dylan since nasa tabi ko lang siya.

From: Unknown Number

Hey Karyll! I got your number from your friend. This is Oliver btw :)

Napakunot ulo ko ng mabasa ko yung message at tiningnan si Dylan na nagkunwari na di binasa. I felt his arm around my shoulders again and looked at our parents.


"We planned it already and we decided to celebrate it at Cebu."

The Unfolding Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon