Scene: Sa bar
(videoke plays)
Hiling by Silent Sanctuary
At hihiling sa mga bituin...
Na minsan pa sana ako'y iyong mahalin...
Hihiling kahit dumilim...
Ang aking daan na tatahakin...
Patungo sa iyo, patungo sa iyo...
Kanta ni Margaux na feel na feel ang pag-awit sa videoke.
"Shot mo na yan, Margaux. Tama na ang pag-emote jan.", sabi ni Kayla sa kaibigan.
"Move on move on din pag may time, te.", dagdag ni Sarah habang pinapatos ang pulutang cornick.
"Walang FOREVER!", bitter na sinabi ni Ryzza na kakabreak lang rin sa nobyo. "Naku, memorize ko na yang mga ganyang linya nila".
"Im sorry, it's not you, it's me. Hindi ako deserving para sayo. Break na tayo", sabay sabay na sinambit ng mga kaibigan ni Margaux habang kino-comfort ang brokenheated na si Margaux.
"Sabi nga sa kanta diba? No boyfriend, No Problems! Kaya mag-cheers tayong mga Single Ladies", masiglang sinabi ni Kayla para gumaan ang loob ng kaibigan.
*cheeeeeers!*
Scene: Sa bahay ni Margaux
Ala-una pasado na ng madaling araw pagdating ko sa bahay namin. Binuksan ko ang gate pero sinaraduhan na ako ng pinto dahil inumaga na naman ako ng uwe galing sa shot kasama ang mga barkada ko. At ang matindi pa, naka- uniporme pa ako ng school.
*Paaaaak!* Isang malakas at malutong na sampal sa kanang pisngi ang sumalubong sakin pagkabukas ni Papa ng pintuan.
“Anung nangyayare ba sa’yo anak? Nagrerebelde ka ba?”,tanong ni Mama na umiiyak.
“may problema ka ba anak? Sabihin mo sa amin.”
“Hindi ako nagrerebelde,Ma. Wala akong problema. Nagkatuwaan lang kami ng mga kaibigan ko.”
“Aba Margaux Elisha Grande! may matino bang kolehiyala na umuuwe ng ganitong dis-oras ng gabi? Grabe naman yang pasok mo sa eskwela, talo mo pa ang nagtatrabaho. Guard ka ba sa school nyo?”, galit na sabi ni Papa. “Dyan ka matulog sa sofa! Para malaman ang pakiramdam namin sa kakahintay sayo umuwe.”
Hindi na lang ako umimik. At parang nananadya pa ako na tuwang tuwa na sa sofa ako matutulog. Pumasok ako sa kwarto kung saan natutulog na ng mahimbing ang mga kapatid ko. Hinubad ko ang uniporme ko at nagpalit ng pantulog. Bumalik na ako sa sofa kasama ang unan ko at humiga.
“Oh bakit mo hinubad ang uniporme mo? Proud na proud ka nga sa uniporme mo hanggang madaling araw suot mo yang uniporme mo sa paglalakwatsa mo e.”,pang aasar ni Papa sabay pasok sa kwarto nila.
Naiwan si mama na naawa sa aken kahit na may kalokohan akong ginawa. “Sige na pumasok kana sa kwarto mo, magpahinga kana”,nag aalalang sinabi ni mama.
Bumangon ako sa pagkakahiga sa sofa at pumasok sa kwarto. Napaiyak na lang ako ng tahimik. Naawa ako sa magulang ko. Nakakakonsensya na. Pero anong dapat ko gawin? Sa tuwing umiinom ako, nawawala ako sa tamang pag-iisip. Nawawala pansamantala ang sakit sa puso kong sawi. Alam ko kung ano ginagawa ko pero wala akong kontrol.
Bumalik lahat ng sakit na nararamdaman ko, pati ang nararamdaman ko para sa kanya na mas lalong dumudurog sa puso ko. Sobrang sakit. Mas masakit pa sa sampal na tinanggap ko kanina.
“Gusto ko na siyang makalimutan.” sinabi ko sa isip ko.
Nang bigla kong nasambit, “Pero mahal ko pa rin siya”, habang may tumulong luha mula sa mga mata ko at dumaloy sa pisnging namumula pa dahil sa sampal.