Scene: Sa bahay ni Ezekiel
“Tara na pre punta na tayong Club21.”,text ni Wendell.
“Saglit lang, tatakas pa lang ako. Pumunta ka sa labas ng bahay namin ihahagis ko sayo yung bag ko.”, reply ni Ezekiel habang nilalagay ang pampormang damit sa bag.
1.. 2.. 3.... mahinang bilang ni Ezekiel at inihagis na ang bag sa tropa nya.
“San ka pupunta, anak?”,usisa ng nanay ni Ezekiel.
“dyan lang sa shop, Ma. Magdo-Dota lang kami ng mga tropa ko.”,palusot ni Ezekiel na nakapambahay lang.
Pagkaalis sa bahay ay nagbihis si Ezekiel sa may madilim na sulok at dumeretso na sila ng mga tropa nya sa Club 21.
Scene: Club 21
*cheeeeeeeeeeers*
"Pre, anung oras tayo uuwe?",tanong ni Ezekiel sa isang tropa nya.
"Kakadating nga lang natin dito tinatanong mo na agad kung anung oras tayo uuwe. Mag-enjoy ka lang jan.",sabi ni Kevin habang binibigyan ng inumin si Ezekiel.
"Alam mo namang di ako sanay sa mga gantong lugar eh.", sagot ni Ezekiel kay Kevin habang inaabot ang inuming ibingay ng kaibigan.
"Kaya di ka pa nagkaka-syota eh. Pano ang torpe-torpe at kj kj mo!", pang-aasar ni James sabay tawa.
"Mabuti pa maghanap ka na lang ng chix mo dito ngayon. Malay mo may mahanap ka diba?",sabi ni Wendell sabay akbay kay Ezekiel.
Tahimik lang si Ezekiel na nagmamasid sa paligid. Madilim at maraming ilaw na nakakasilaw sa mata. Malakas ang tugtog at maraming sumasayaw sa dancefloor. Napatingin siya sa pinto. Pinagmamasdan ang mga pumapasok at lumalabas. Nang biglang nakita nya ang isang pamilyar na mukha. Mukha ng crush nya noong 4th yr highschool pa sya. After 3years, na-inlove ulet sya sa iisang babae. Ngunit may kasama itong lalake.
"Pre, diba si Margaux yun? close mo yun diba?", tanong ni Ezekiel kay Wendell na tinuturo ang direksyon kung nasaan si Margaux.
"Margaux!" sigaw ni Wendell. Sumigaw uli sya, "Margaux!" napalingon na ito ngunit ngumiti at kumaway lang ito.
"Isasayaw ko yan mamaya si Margaux, tol" sabi ni Ezekiel. Hindi nya mapigilan ang sarili. Hindi na sya pwedeng matorpe pa. Chance na nya ito para mapalapit sa matagal na nyang crush.
**fast forward**
Love songs na ang pinapatugtog ng dj. Oras na ni Ezekiel para ayain ng sayaw si Margaux.
"Pre, kailangan ko na talaga isayaw si Margaux", sabi ni Wendell. "Kailangan ko na umuwe e." Sabay inom ng alak pampalakas ng loob. *Dug dug dug* malakas ang kabog ng dibdib ni Ezekiel. Pag nagpadaig pa rin siya sa kanyang katorpehan ay baka hindi na nya muling makita ito.
"Baka boyfriend nya yun. pero baka hindi naman. wala namang masama siguro kung aayain ko lang sya sumayaw diba?" winika ni Ezekiel sa sarili habang papalapit sa table nila Margaux. Humingang malalim ang binata.
![](https://img.wattpad.com/cover/26177689-288-kb30f08.jpg)