Simula

10 0 0
                                    


Napatingala nalang ako sa taas pero mabilis ding ibinalik ang tingin sa may librong nasa lamesa.


Kanina ko pa iyon tinitignan pero wala talaang ni isang ideya manlang ang pumapasok sa isip.


Isinarado ko iyon dahil sa inis.


Kanina ko pa pinipilit ang sarili para lamang mapiga ang utak at may malagay manlang na ni isang title ng essay dito sa blangkong yellow pad.


Free Will ang essay na ipapasa sa susunod na meeting namin kay Sir. Laronte, teacher namin sa (SUBJECT). Mag-iisip ka lang ng title o isang bagay na magiging topic mo tas gagawan mo na ng intro, body and conclusion.


Napasinghap ako ng malalim para magpakawala ng inis.


Naibagsak ko pa ang kamay sa may lamesa para ibaba ang ballpen.


Kanina pa ako nakakaramdam ng lamig. Kinuha ko ang sweater sa loob ng bag na nakapatong sa katabing upuan.


Kinuha ko ang sweater sa loob ng bag na nakapatong sa katabing upuan dahil sa hindi ko na rin matiis ang lamig.


Habang sinusuot, isa-isa kong sinusuri ang mga magkakahilerang bookshelves. Iniisip kung saang kategorya ba ako dapat pumasok para humanap ng panibagong libro.


"Gashhh!" Nahilamos ko ang mukha.

Iniinat ko ang katawan.

Magiisang oras na akong nandito sa may library at ni-isang segundong ginugol ko sa pagbabasa wala manlang akong napala halos mauubos ko na rin ang oras ng break.


Napatigil ako sa pagiinat ng mapagtanto kong napalakas pala ang pagsigaw.

Nakatingin sa akin ang ibang estudyante.


Napansin ko ang pagtayo ng Librarian sa pwesto niya kaya naman mabilis kong naibaling ang tingin dito.


Luminga-linga ito saglit. Namuo naman bigla ang kaba sa dib-dib ko.


"Sino 'yon?" Tanong niya, hindi kalakasan pero sapat na para marinig ito sa buong kuwarto.


Tumingin ito sa akin kaya nanigas ako sa kinauupuan. Naglakad na ito papalapit kasabay ng pagbaling ng titig ng estudyante sa akin.


"Kuya." Ipinatong nito ang kamay sa lamesa.


Masungit ang pagmumukha nito, maputi at may katangkaran.


"Kung sisigaw ka naman dito. Isipin mo naman yung mga kapwa mo magaaral na seryosong nag-aaral."


Nakatingin pa rin ito ng seryoso sa akin.


"Pwede namang sa may field. Diba iho?" Tumaas-taas ang kilay nito. Sumilay rin ang sarkastikong ngiti sa labi niya.


Tumayo ito ng diretso at inilahad ang kamay, "Akin na ID." May authoridad na sabi.


Napalunok ako bago magsalita, "Hindi ko sinasadya." Depensa ko.


"ID lang ang hinihingi ko at hindi isang paliwanag." Masungit nitong sabi.


"Haysss..." Ilang sandali muna bago ko dahan-dahan na hinubad ang ID sa may leeg.


Hindi ko pa naaabkt nang tuluyan sa Librarian ang ID ng biglang may tumamang makapal na libro sa kamay ko.

Malakas ang pagkakabato nun.


"Ahh!" Malakas kong sigaw.

Nabitawan ko ang ID ko. Tumulpit ito sa di-kalayuan.


"F*ck!" Bulong ko.


Napapikit pa ako sa sakit habang iwinawasiwas ang kamay. Ang sakit parang mababali ang buto ko.


Ang libro naman ay nalaglag sa lamesa. Lumikha ito nang malaka na ingay.


"Ma'am, Sorry!" Sabi ng lalake, "Nabigla lang ako!"


Nang tumingin ito sa akin agad ko itong binalingan ng masamang tingin.


Ang buhok nito ay bagsak. Maputi at matangkad, base sa itsura, sikat ito, base naman sa tindig ng katawan, mukhang batak ito sa pagbubuhat. Nakauniform ito na maluwag na lalong nakapagbigay pa sa kanya ng angas.


Matalim na tumingin ang Librarian sa lalake, "Mister Edano?" Gulat na sabi ng Librarian.


"Kita mo nga naman. Gusto mo bang malista ulit ang pangalan sa guidance?"


Pumadasal ang kamay nito, ang dulo ng daliri ay nakapantay sa kanyang sa labi.


The guy pout, "Sorry po ma'am."


Hindi ko naman maiwasang mapaiwas ng tingin.


"Hindi ko po talaga sinasadyang mabalibag yung libro."


Nilinga ko na ulit sila.


Itinuro nito angsign sa lapag na 'Beware, The Floor is Wet,' "Nadulas lang po ako."


Nakipaglaban ng tingin sa kanya ang Librarian, "Sige, I will consider your reason." suko nito, "But next time, matuto ka namang mag-ingat sa paglalakad."


Tinalikuran na kami ng Librarian. Naglakad na ito pabalik sa pwesto niya.


Hindi ako makapaniwala na nakalimutan niyang kunin ang ID ko.


Kinuha ng lalake ang ID ko sa may lapag at inihagis iyon sa akin.


Sinapo ko iyon at sinuot ulit.


"Wala bang thank you?" Mayabang na sabi, iniusog ang upuan sa tapat ko at umupo.


"Bakit naman?"


"Niligtas lang naman kita sa Guidance." Kinuha nito ang librong binabasa ko.


Binuklat niya ito na para bang magkaibigan na kami.

"Hiningan pa kita ng pabor?" Pagsusungit ko.


Napatingin ito sa kamay ko na natamaan ng libro kanina. Bigla niya itong hinatak kaya naman napalapit ako sa kanya ng kaunti.


"Sorry! Hindi ko sinasadya." Tinignan niya ako sa mata.


Natulala naman ako sa ginawa nito at hinayaan lang siya.


"Masyado bang malakas? Masakit ba?" May pagaalalang sabi tanong.


Hindi ko maiwasang mamula.


"Ha?" Sabi ko nalang, "Hi-Hindi!" Iniiwas ko ang tingin, "Hindi nan masakit!"


"Namumula eh!"


Pinisil niya ito.


"Ahh..."


"Akala ko ba hindi masakit?" Tanong niya.


Babawiin ko na sana sa kanya ang kamay ng hinatak niya pa ito, dahilan para mas mapalapit ako sa kanya ng kaunti.


Ang isang kamay ko ay naiharang ko sa may lamesa para mapigilan ang pagtama ng tiyan doon.


Hinilot niya ito ng dahan-dahan. Inilapit niya ang mukha ko sa kamay kong hawak niya at hinipan ito atsaka tumingin sa akin ng kakaiba.


Namuo ang kakaibang pakiramdam sa dib-dib ko. Ngayon lang may humawak sa kamay ko ng ganoon.


Anong ginagawa ng lalakeng 'to?


Binalibag ko ang kamay ko para mapiglas ang paghawak niya doon.


"Tumigil ka nga sa kalokohan mo!" Inis kong sabi.


Nang mabawi ang kamay. Mabilis akong umayos ng upo at iniharap sa akin ang libro.

"Kung thank you lang naman ang hinihingi mo. Edi THANK YOU!" Labag sa loob kong sabi.


"Welcome po." May pangiinis na sabi.


"Sorry talaga sa pagbato ko ng libro." Binuksan na niya ang librong inihagis niya kanina.


"Hindi mo ba tatanungin ang pangalan ko?" Tanong niya, "Pati ang section ko?" Isinarado nito ang libro.


Hindi ko maiwasang mailang sa titig nito. Pinagtritripan ba ako ng lalakeng 'to?


Hindi ko siya pinansin. Itinuon ang atensyon sa libro pero hindi na ako makapagconcentrate di-katulad kanina.


"Damot..."


Naisarado ko ang libro ng padabog pero kontrolado iyon para hindi makagawa ng malakas na ingay.


"Pakealam ko?" Tinaasan ko ito ng kulay.


"May sinabi ba akong may pake ka?" Pambabara niya, "'Di mo talaga tatanungin?"


"Okay fine!" Inis kong sabi.


Napabuntong hininga ako.


"Anong... Pangalan mo?" Dahan-dahan kong sabi.


"Edano!" Nilahad nito ang kamay, "Edano Azens." Ngumiti ito.


Kumindat pa siya na ikinataas ng balahibo ko--- wait? Edano?


"You mean... yung manloloko?" Tanong ko, hindi na naipreno ang bibig.


Usap-usapan kasi ang pangalan niya sa media dahil sa panloloko niya sa Girlfriend niyang si Alyen Comica. Ang issue sa kanya, umuwi daw ito ng probinsya para makipagkita sa tatlong babae niya.


"Sobra naman." Lumungkot ang mukha niya.


Naibaba niya rin ang kamay sa lamesa.


"Bat updated ka?" Tanong niya.


"Hindi ako updated. Makalat lang talaga ang pangalang Edano na 'yan sa media."


"Ahh..." Tumango-tango ito.


"Glameo Alt." Lahad ko ng kamay.


"Alt?" Nagsalubong ang kilay niya, "Ang ganda naman parang shortcut sa keyboard. Alt F Four!"


"Ha Ha Ha." Sarkastiko kong tawa.


Inabot niya ang kamay ko.


"Section?"


"507."


Sa pagsabi niyang iyon alam ko ng intesnyon niya talaga akong guluhin ngayon.


Nagpipigil pa ito ng tawa sa walang emosyon kong reaksyon.

"Pinag---"


"Ayan, ang anti-social kasi. Hindi mo ako kilala 'no bilang classmate mo?" Asar niyang sabi, "makipag interact ka naman kasi kahit minsan, Glameo ba? Right!"


"Nahh---" tanggi ko, "It will just." Huminto pa ako para bigyan ito ng emphasis, "waste my time."


Tiniklop ko na ang libro. Isinarado ang bag at tumayo. Isinukbit ko na ito aa likod.


"Teka." Pigil niya.


"Bakit? Tapos na diba? Tinanong ko na yung gusto mo. Baka naman siguro pwede na. Matigil-tigilan mo nga ako sa kakulitan mo. Kung wala kang mapagtripan ngayon, maghanap ka ng iba. Wag ako."


"Friends?" Ngumiti ito.


"Ano pa nga ba?"


"So friends na nga?" Tanong ulit nito.


Tumango ako nang labag sa loob ko na ikinangiti niya pa ng sobra.


"Bye bro!" Asar nito at tumatawa pa ng mahina.


Napairap nalang ako sa hangin habang binabagtas ang bookshelves na pinagkuhanan ko ng libro para ibalik na doon ang kinuha ko.


"What a weird people to encounter today..."











Sa fifth floor sa may bandang kaliwang hagdanan ako tumambay.


Dahil sa pagkabaliw kanina sa kakaisip ng title. Kinuha ko nalang ang cellphone sa bag at isinuksok ang earphone sa magkabilaang tainga.


Habang nagpapatugtog ng music, nagtataas-baba na ang daliri ko sa screen para maghanap ng makabuluhang balita o kahit na ano manlang nakakatuwa sa media.


Napatigil ako sa pagbrobrowse ng biglang mapadaan ito sa sugested friends.


Edano Azens
Sent Friend Request | X


Magbrobrowse na sana ako ng makita ko ang profile picture nito.


Pamilyar iyon...


Pinindot ko ang pangalan niya at niredirect ako nito sa timeline. Mabilis kong pinindot ang profile picture nito para mag zoom in.


May caption iyon na 'Just Found.'


Isa iyon sa pinakamagandang napinta ko. Napunit ko iyon sa drawing galery ko dahil sa pagkabalisa sa nangyari. Alam ko iniipit ko iyon sa isa sa mga pahina ng Drawing Galery ko pero ng tingnan ko ulit, wala na iyon doon.


It was my man, standing at the sea shore. Sunset na nun, isa sa pinaka hindi ko makalimutang ala-ala ko sa kanya. I paint his character in a Silhoutte mode pero hindi ko iyon hinayaan na makahadlang para maiguhit ang magagandang ngiti niya.


Sinuri ko pa ang larawan at nanikip ang dib-dib ko. Nakita ko ang isinulat ko sa may gilid sa may bandang baba na 'still you," sa baba nun ang pirma ko.


It was my artwork... Matagal ko na iyong hinahanap.






"Lucas, please." Kahit nanghihina, pinilit kong makapagsalita.


"Lucas, please pigilan mo sila!" Umiikot ang paningin ko.


Ang hawak nila Loder at Cali sa kamay ko ay mahigpit na. Ang mata nila ay puno ng matinding pagnanasa.


Naiyak nalang ako. Wala akong lakas para makapagpumiglas.








Iniiwas ko ang cellphone sa paningin ng makabalik ako sa ulirat.


"F*ck." Napunasan ko ang kaunting luhang tumulo sa mata.


Naninikip ang dib-dib ko. Mabilis kong hinabol ang hininga.


Nang makabawi, tinignan ko ulit ang cellphone.


Kailangan kong makuha ang artwork ko.


Pinindot ko ang friend request. Wala pang isang segundo ng maging friends ang nakasulat doon.


Sumulpot ang bilog na imahe sa screen ng cellphone ko.



You and Edano Azens are connected to each other.


Pinindot ko iyon para bumukas ang chat box namin.









Edano Azens is typing...


Edano Azens
Hi?


Mabilis akong pumindot ng mga letra.


Glameo Alt
Yung profile pic mo. Ako ang may gawa niyan.


Edano Azens
Thats the reason.


Glameo Alt
Nasa fire exit ako ng fifth floor, sa may kaliwa.









Ilang minutong paghihintay ng makarinig ako ng tumatakbong ingay. Bumungad ito sa akin na nanggaling sa taas.


"Hi?" Nginitian ako nito.


Umupo ito sa tabi ko.


Napausog ako ng kaunti dahil hidi ako sanay na may malapit na tao masyado sa akin.


"Asan na yung artwork?" Bungad ko.


"Nasa bahay. Malulukot lang 'yon pag dinala ko." Ipinagpag nito ang kamay.




"Nung Last Quarter pa 'yon nasa akin. Nakita ko sa may lapag... Pakalat-kalat." Sabi niya, "Ang anti-social mo kasi kaya hindi ko masauli."


Lumapit ito ng kaunti kaya umusog ulit ako.


Binalingan ko ito ng matalas na tingin. Naglaban ang tingin namin.


Uusog pa sana siya ng inamba ko ang kamao ko.


"Isa pang kulit mo. Babasahin ko yang bungo mo!" Banas kong sabi.


"Sa payat mong 'yan?" Sarkastiko nitong sabi, "baka mamaya ikaw pa ang umuwi ng may pasa at duguan."


Tumawa ito na ikinabanas ko.


Kinuha ko na ang bag ko at tumayo na.


"Uyy!" Tawag nito.


"WHAT?!" Hindi ko na mapigilang mapasigaw, "Galing na nga sa bibig mo diba? Anti-Social akong tao. Ayokong maging malapt sa tao so pleaseeeee! JUST RESPECT MY WANTED SPACE!"


Pinakalma ko ang sarili, "Yung artwork ko. Ilagay mo nalang sa may desk."


Tinalikuran ko ito. Maglalakad na sana ako ng marinig ko itong magsalita.


"I'm sorry... For making you uncomfortable. Also, I just want to compliment your work."


Pumalakpak ang tenga ko sa narinig.


"It is good. I want to know the story behind it."


Hindi ko maiwasang mangiti kahit na naiinis ako sa kanya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 28, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

As We WonderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon