At Habang nasa gilid na kami lahat
lahat kami ay nababasa at natatakot na dahil pumapasok na ung ulan na may kasamang mga maliliit na bato
at habang tumatagal palakas ng palakas ang hangin
at naubos na lahat ng bubong ng badminton court
lahat kami ay nag dadasal na sana tumigil na ang ulan
Biglang nagulat ako ng nakita ko si kua Christian na umiiyak dahil natamaan ng bato sa ulo
nagaling sa pader na unti unti ng bumabagsak ....
at tanging nasabi na lang ni kua Christian ay "Ayoko na !!! Ayoko na !!! "
At habang tumatagal dumadami na ang sugatan sa ulo dahil sa mga nahuhulog na bato galing sa pader ..
graveh ang mga nakikita ko !
c Tots na Swimmer na kasama ang mama nya Tinamaan ng Malaking bato na nahulog galing sa pader pero buti na lng may taklob sila sa ulo ng Yoga mat
tapos cna LEah at mArie na athletics naman ay pumunta sa harapan ko habang iyak ng iyak dahil sa takot
ako naman nakatayo habang tinitignan na lng lahat ng nangyayari samin habang may headset pa din sa tenga
ng biglang may nahulog sa ulo ko ng bato buti na lng kinamot ko ung ulo ko at ang kamay ko ang tinamaan
at dun na ako natakot at sinabi kay Chucky na Athletics na " Chuck penge unan!!!" at binigay naman nya ito kaagad
ng Biglang Bumagsak ang isang Buong Pader sa kabilang gilid na lalong nag pakaba sa aming lahat
iniisip namin na pwedeng ganun din ang mangyari sa pader na sinasandalan namin sa panahon na yun
habang tumatagal ung pader na sinasandalan namin ay umuuga uga na ....
takot na kaming lahat ...
ng biglang binasag na nina coach at richard at pinto sa isang gilid para makalabas na kaming lahat
ako ang pinaka huling lumabas sa loob upang makita kung wala ng tao ....
at lahat na kami ay na sa labas sa may kotse na ka tayo naman ..
