Chapter 1

11 1 0
                                    

Hello!

*****
Chapter 1

"Bye Dad! Aalis na po ako" paalam ko sa Daddy ko at hinalikan siya sa pisngi.

"Ingat sa pagdradrive anak" paalala niya.

"Opo. Ako pa! Maingat naman kaya ako" sabi ko.

"Hahaha. Ikaw talagang bata ka. Ikaw lang ang nagpapatawa sa akin ng ganito simula nung mawala ang Mommy mo" natatawang sabi ni Daddy.

"Dad tagala. Ano pa at naging anak mo ako diba? Syempre huli ko ang kiliti mo" biro sabi ko.

"Hindi ko alam ang gagawin ko kapag ikaw ay nawala pa sa akin. Baka mamatay na ako" malungkot na sabi niya.

"Daddy, never akong mawawala sayo. I will never leave what ever happened to both of us" promise ko.

Yan lang kasi ang nagagawa ko kay Daddy para makampante siya.

"Sana nga anak. Sana" sabi niya at ngumiti na.

Hinatid niya ako papunta sa garahe ng mansion. He always did that.

"Bye Dad. Ingat ka." sabi ko at hinalikan ko siya sa pisngi. Hinalikan niya naman ako sa noo ko.

"Take care my daughter" sabi niya.

Pinaandar ko na ang kotse ko. Nakita ko na kumaway pa sya sa akin bago ako tuluyang makaalis.

I'm Suzie Yvaine Zia Stewart. 18 years old. 2nd year college. Half Spanish and half Scottish.

My Mother is Full Spanish. Well she died when I was 15 years old. Just 3 years ago. Nabaril siya sa ulo niya nung papunta siya ng regocnition ko dahil 1st honor ako. Sinisi ko ang sarili ko dahil pinilit ko siya kahit na busy siya sa pag-aayos ng party na gaganapin sa bahay. Well enough of that. Kahit hanggang ngayon ay sinisisi ko pa ang sarili ko kaya I tried to enlighten yung feeling ni Daddy.

Well Si Senator Luke George Stewart ang aking Daddy. Yes kaya namatay si Mommy dahil sa kaaway sa pulitika ni Daddy kaya I don't want to be involved in any politic issue. Hindi ko naman sinisisi si Daddy sa pagkamatay ni Mommy. Well Daddy's girl kasi ako.

Hindi ko namalayan na nandito na pala ako sa parking lot ng school na pinag-aaralan ko.

I'm just a nobody here. Ayoko kasing malaman ng lahat na anak ako ng isang Senator. Para narin sa safety ko.

"Hi Sista" bati ni Ainsleigh.

Well siya si Ainsleigh Cortez. My one and only girl bff. Anak siya ng isang business partner ni Dad sa iba niyang negosyo. Kaya simula noong pumunta siya sa bahay namin noong 6 years old palang kami, hindi na kami mapaghiwalay noon kaya madalas sila sa bahay namin.

"Hi Ains" bati ko at sabay ngiti.

Naglakad na kami papunta sa room namin. Magkaibang magkaiba kami ni Ains.

Maputi ako as in kasing puti ng pearl samantalang si Ains ay hindi maputi, hindi maitim. Siya ay walang braces at ako ay nakaretainer. Madalas mas daring ang suot niya samantalang ako simple lang lagi.

Discuss. Discuss. Discuss. Lunch.

"Sista, hang-out tayo mamaya" aya ni Ains.

"Baka hindi ako payagan ni Daddy" sabi ko.

"Hays si Tito talaga. Pilitin mo please. Diba bukas na ang birthday ko? Wala ako tomorrow dahil darating si Daddy at magfa-family outing kami" sabi niya.

"Ok. I'll try" sabi ko.

"I'll call you later sista" sabi niya at nagwave na siya sa akin.

Sumakay na rin ako sa kotse ko. Wala kaming pasok ngayong hapon. Well may seminar kasi ang mga teachers.

*****

Thankies

-AMVG-

EstadoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon