Chapter 2

5 1 0
                                    

Hi!

*****
Chapter 2

»»Suzie««

"Good Afternoon Madame" bati ng mga katulong na nakakasalubong ko sa bahay.

"Nana Flor pwede niyo po ba akong tawagin kapag dumating na si Daddy?" tanong ko sa mayordoma ng mga katulong.

"Oo naman hija" sagot niya at ngumiti na siya.

Siya si Nana Flor. Ang second mom ko. Siya na ang halos nagpalaki kay Daddy dahil busy sina grandma sa business nila ni grandpa at grandpa busy sa politics. Close kami at napamahal na siya sa akin. Siya ang nagturo sa akin wag magtanim ng sama ng loob kay Daddy dahil hindi kasalanan ni Dad ang pagkamatay ni Mommy.

Noon kasing namatay si Mommy, hindi ko pinansin si Daddy ng ilang araw at nagkulong lang ako sa kwarto kahit na burol ni Mommy nung time na yun. Sinisisi ko ang sarili ko at si Daddy. Pero nung before ang last night ng burol ni Mommy, kinausap niya ako.

"Walang kasalanan ang Daddy mo. Sinubukan niyang pigilan ang Mommy mo sa pag-alis pero nabigo siya. Pursigido ang Mommy mo na puntahan ka sa recognition mo dahil nalaman niya na may gustong pumatay sayo" kwento ni Nana Flor. "Saksi ako sa mga pangyayaring iyon" dagdag niya.

Umakyat na ako sa hagdan at naligo na. Humiga ako ng kama at hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

"Hija, hija, nandito na ang Daddy mo" gising sa akin ni Nana Flor.

"Thanks Nana" sabi ko.

"Walang anuman hija" sabi niya at lumabas na siya ng room ko.

Nag-ayos lang ako ng sarili ko bago bumaba ng sala. Napatingin ako sa wrist watch ko. 7 o'clock na pala. 9 ang usapan namin ni Ains.

"Hi Dad. How's your day?" tanong ko kay Daddy sabay halik sa pisngi niya.

Kinuha ko sa kamay niya ang coat na nakasabit sa braso niya. Binigay ko iyon sa dumaan na katulong.

"Tiring" tipid na sagot niya. Umupo siya sa sofa sa sala at sininandal niya ang mga braso niya sa sandalan ng upuan.

Umupo ako sa tabi niya at sinandal ko ang ulo ko sa dibdib niya. Naglalambing ako kasi baka payagan ako si Daddy.

"Hmmm...baby napapansin ko bakit ang lambing mo ngayon? What do you need?" tanong niya habang nakapikit.

"Nothing Dad" inosenteng sagot ko.

"Come on baby. Spill it. Kailangan mo ba ng bagong kotse? Pandagdag sa collection mo ng damit? Sapatos? New credit card?" tanong ni Daddy.

Spoiled kasi ako kay Daddy. Lahat ng materyal pangangailangan ko ay binibigay niya.

"Dad I don't need those things. Kuntento na ako sa kung anong meron ako" sabi ko kay Daddy.

"Kaya proud ako sayo eh. Pero yung totoo, anong kailangan mo?" sabi ni Daddy.

"Dad, pwede ba akong sumama kay Ains?" tanong ko.

"Where baby?" tanong niya pero nakapikit pa rin.

"Sa bar" nag-aalanganing sagot ko.

Napamulat siya at napaayos ng upo. Napaayos din ako ng upo kasi kinakabahan ako.

"Why?" tanong niya habang seryoso ang tingin.

"Girls hang-out Dad. Birthday kasi ni Ains tomorrow kaso wala siya dito sa Pilipinas para magcelebrate kaya naisipan niya na icelebrate na lang ngayon" mabilis na paliwanag ko.

"At sa bar pa?! Pareho kayong babae! Paano kung may mangyari sa inyo?! My answer is No" galit na sigaw niya.

Napayuko ako. Alam ko na. Alam ko na, na hindi niya ako papayagan.

"Dad please. Minsan lang naman ako lumabas eh. Ito naman yung 2nd time ko na pumunta sa bar" sabi ko.

"At alam ko kung anong nangyari sayo nung unang beses mo ako sinuway. Napagkamalan kang isang prostitute at sinama ka sa hinuli noon" kwento niya.

"Eh Daddy naman eh! Pinaalala mo pa" sabi ko sabay pout. "Pero sige na please. Promise di na mauulit yun." pacute kong sabi.

"No. If I said no, it's no. And that's final" sabi niya at umakyat na siya papunta sa kwarto niya.

Umakyat din ako ng kwarto ko at nagkulong doon. Hmp! Lagi na lang akong hindi pinapayagan. Pero I need to understand Daddy. Takot lang siya na baka maulit ang nangyari kay Mommy sa akin.

Sakto namang tumawag si Ains sa akin.

"Hello Ains" malungkot na sabi ko.

[Hulaan ko sista hindi ka pinayagan ni Tito] natatawang sabi niya.

"Yeah right" walang gana kong sagot.

[Sista, please pumunta ka. Ngayon lang ulit tayo magcecelebrate ng birthday ko. Last year diba biglaan lang ang pagkawala ko?]

"Yeah. Sorry talaga Ains. Promise I'll try. Kahit tumakas ako. Masamahan ka lang" pangako ko.

[Thanks Sista] sabi niya.

"You're welcome Ains" sagot ko at binaba ko na ang cellphone ko.

Hays mukhang tatakas nga ako. Kilala ko si Daddy. Once na sinabi niya ng hindi, hindi na mababali yun.

9:00 pm. Nakasuot ako ng black tshirt, black pantalon. Linagay ko na ang susi ng kotse ko sa pouch na dala ko. Kila Ains na siguro ako magbibihis.

Maagang natutulog ang mga tao dito dahil maaga din sila bukas. mahimbing na ang tulog nila ng ganitong oras lalo na si Daddy.

From: Ains

Sista asan ka na?

To: Ains

coming :)

Sumakay ako ng kotse ko na nasa likod ng bahay ko pinark kanina. Sa harap kasi ay may mga guards at cctv camera.

Dito kasi sa likod ay wala. Palibhasa walang dumadaan dito kasi liblib na lugar. Kami lang ni Mommy ang nakakaalam ng lugar na ito.

Madalas kasi kaming tumakas ni Mommy noong bata pa ako. Ayaw kasi kaming payagan ni Daddy na lumabas ng bahay without bodyguards.

Nakarating na ako kina Ains. At nandoon na siya sa labas at hinihintay ako.

Pinaakyat niya ako sa kwarto niya nang hindi namamalayan ng parents niya. Well baka magsumbong sila Tita kay Daddy.

"Magbihis ka na dyan" sabi niya at lumabas na siya ng kwarto niya.

Suot ko ang isa sa mga damit niya. Color Red siya na above the knee. Sleeveless pero hindi masyadong revealing.

"Ang tagal mo naman sista" reklamo ni Ains.

"Sarreh" sabi ko.

Nagpaalam siya sa parents niya habang ako dumiretso na sa labas ng bahay nila.

-AMVG-

EstadoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon