MARIPOSA'S
2 days past nung nakausap ko si grandpa. Pero ngayun wala parin akong ideya kung paano ko gagawin ang unang misyon ko.
Hindi ko naman kasi kasalanan pero sa mata niya, kasalanan ko yun. Kaya daw nandito ako sa mundong ito para harapin ang mga consequences na ginawa ko.
Kinalikot ko ang bag na binigay sakin ni grandpa. May isang bagay na nakakuha sa atensyon ko. Kinuha ko yun. Isa siyang parihabang bagay. Sinuri ko ito ng mabuti. Ano kaya ito? May tatak ito sa likod na kagat ng isang apple. Sa harap nito ang isang plain na mukhang madaling mabasag na salamin. Teka, salamin ba Ito?
Tinignan ko ang sarili kong repleksyon gamit nito. Ang ganda mo talaga Mariposa! Binalik ko yun sa bag ko at naglakad na. Lahat ng nakakasalubong kong tao binabati ako at sinasabihan akong "hello o hi" o kundi "maganda". Hilig ba nila sa mga magaganda?
Naglakad lang ako kung saan man tumungo ang mga paa ko. Napatigil ako at napatingin sa gate. Sa loob nito ang mga batang masayang naglalaro. Kanya kanyang mga sariling mundo. Napangiti ako. Hindi nila alam ang mga paparating na problema sa mga buhay nila.
Hindi nila alam na mabilis mapalitan ang saya na nararamdaman mo ng lungkot. Pero sa ngayun enjoyin sana nila ang mga oras na ito.
Lumapit ako sa taong nakatayo malapit sa gate. Naka puting uniform ito.
Agad naman niya ako napansin.
"Hi maam, good morning." Bati niya sakin.
"Hello magandang umaga. Ahm, ano po ang tawag sa lugar na ito?" Turo ko sa loob ng gate.
"Pristin General High School po." Skwelahan? Siya ata ang nagbabantay.
"Pwede po bang pumasok?" Pagpapaalam ko.
"Sige po." Naglakad na ako papasok. Namangha ako sa laki nito. Ang rami pang malalaking gusali na nakapaligid sa buong lugar.
School pala ito. Magka pareho pareho pa ang mga sinusuot ng mga bata. Umupo ako dito sa may bench malapit sa malaking puno. Sa harap ko ang mga batang naglalaro ng bola.
Pano ko gagawin ang unang misyon ko? Pasiyahin ang mga tao na nasa paligid ko? Gulong gulo parin ako. Kung hindi lang talaga dahil—
Napahinto ako sa pag muni muni nang may tumabi sa akin. Napatingin ako sa mukha nito. Nakangiti siya sa akin na parang nadikit na ang mga titig nito sa akin.
"Hi, Mariposa." Nanlaki ang mga mata ko. Kilala niya ako?
"Hindi moko namumukhaan?" Tanong niya sa akin. Aaminin kung may itsura siya. Matangos na ilong, bilogang mga mata, at medyo mapupulang labi.
"Nakilala mo ako nung last 2 days, saturday. Raiko nga pala." Ah, yung Kuya nung batang babae na si Xyrill. Kay gandang bata mukhang si Raiko. Mag kapatid nga sila.
Umayos siya ng upo. "Bakit ka pala nandito?" Tanong nito. Nagkibit balikat ako.
"Dinala ako ng paa ko dito." Tumango lang siya saakin.
"Ikaw?" Balik kong tanong. Ngumiti ito. Palangiting tao naman nito, ang gwapo pa pag nakangiti. I wonder kung ano ang nasa likod ng mga ngiti nayan.
"Nagtuturo ako dito." Napatango lang ako.
Natahimik kami saglit habang nakatingin sa mga batang naglalaro.
"Uh, taga saan ka pala Mariposa?" Pangbabasag niya ng katahimikan sa pagitan namin.
Tinuro ka ang langit. Napatingin naman siya. Tumawa ito pero parang naiilang na tawa. May mali ba?
"Sa langit, tama nga naman. Para ka kasing hulog ng langit sa kagandahan mong taglay." Narinig kong bulong niya, binalewala ko lang ito.
YOU ARE READING
MARIPOSA: "a fallen angel"
RandomA fallen angel named, Mariposa do something that HEAVENLY FATHER became angry. HE punish her by letting down to the earth and complete the 3 missions for 600 days or else she may not be going back from above.