Pagkatapos kumain ni Mariposa ng ice cream byumahe na kami patungong bahay.
"Okay kalang ba kung doon tayo kakain sa bahay?" Tanong ko. Tinignan niya ako. Gusto ko ring makipag titigan sa kanya kaso nagmamaneho ako kaya nakatingin lang ako sa kalsada.
"Basta papayag ang mama mo." Napangiti ako. Sus, papayag nga yan na pakasalan kita.
"Ano nga ba ulit last name mo?"
"Flinn."
May binulong pa ito pero diko narinig.
Pagdating namin sa bahay agad kaming pumasok. Sinulubong kami ni yaya, yaya ni Haze.
Pinuri pa si Mariposa na kay gandang bata daw. Hindi bato nagsasawa sa mga salitang "ang ganda niya"? Totoo naman.
Tumungo kami sa dining area. Napatigil ako kung sino ang nandoon. Si mama, Haze at..
"Hi Raiko long time no see." Kumaway pa ito.
"Kia." Banggit ko sa pangalan niya.
Si Kia, my childhood friend. Sobrang close namin noong bata pa kami kasi close rin ang mga magulang namin. Pero kagaya nang ibang mga storya nagkahiwalay kami. Pumunta ang pamilya niya sa ibang bansa. Hindi ko alam kung bakit. Nagising nalang ako na wala na siya. Hindi na nagpupunta sa bahay namin.
Inaya ko si Mariposa na umupo. Katabi ko siya at si Kia yung katapat ko si mama naman nasa gitna at si Mariposa katapat ni Haze. Parihaba kasi itong lamesa namin.
Habang kumakain kami binati ni mama si Mariposa. Nagpakilala naman si Mariposa kay mama.
"Bakit ngayun kalang nakabisita sa bahay? Ngayun lang din kita nakita, kay ganda mo namang bata." Puri ni mama.
"Ngayun lang rin po kami nagkakilala ni Raiko."
Sinabuyan ko nang tingin si Kia. Nakatitig ba ito sa akin kanina pa?
"Ikaw ba yung sinasabi ni Kuya na date?" Tanong naman ni haze, daldal na bata talaga.
Napatingin si Kia kay Mariposa. Hindi ko gusto ang mga titig niya.
"Kia, dito na ba kayo titira sa Pilipinas?" Tanong ni mama.
"For the mean time, tita. Saka may gusto talaga akong balikan dahil sa pangako niya." Napatingin ito sa akin. Iniwas ko ang tingin ko.
T+nginang pangako yun. Tsaka mga bata pa kami nun at hindi pa alam ang mga sinasabi.
Maganda naman si Kia pero may pagka-bitchy ang ugali nito ngayun. Ang laki ng pinagbago niya. Mas gumanda pa siya ngayun. Pero bilogan parin ang mga pisnge nito kagaya ng dati. Noong mga bata pa kami palagi ko itong kinukurot na kinagagalit niya.
Pero hindi, mas maganda parin si Mariposa.
"Mommy, mas bet ko si ate Mariposa kay kuya." Napatingin kami lahat kay Haze. Nilalaro niya ang pagkain nito.
"How about you mom?" Tanong niya kay mama at napalingon.
"Kung sino ang gusto ng kuya mo, doon ako." Sagot ni mama.
"So doon ka kay ate Mariposa?" Nanlaki ang mata ko. Ano bang pinagsasabi nitong kapatid ko?!
Tumayo ako at hinila si Haze papuntang garden. Umangal pa ito.
"Ano ba kuya?!"
"Pwede pa tumahimik ka! Pinapahamak mo naman ako e!" Singhal ko.
She rolled her eyes.
"Look kuya, mas mabuting alam ni ate Kia na hindi mo siya gusto ng mas maaga." Maarte niyang sabi. Saan ba ito nagmana di naman ganyan si mama ha?
"And besides, mas maganda pa nga si ate Mariposa kay ate Kia." Tumalikod ako.
YOU ARE READING
MARIPOSA: "a fallen angel"
RandomA fallen angel named, Mariposa do something that HEAVENLY FATHER became angry. HE punish her by letting down to the earth and complete the 3 missions for 600 days or else she may not be going back from above.