Catalina Perjas P.O.V
"Hindi ako papayag na matapos ang araw nato na nagtatampo ka sa akin Darling, kailangan magkabati na tayo."
Sabi ni Catalina sa kanyang sarili kaya pagkatapos siyang iwan ni Razid sa parking lot ay agad niyang sinundan ito.
Mas lalo niyang binilisan ang pagdadrive nang mapansin na humarurot ang sasakyan nang lalaki.
"Malalaman ko na talaga kung saan ka nakatira at hindi na ako mahihirapan na bisitahin ka araw-araw." Bulong pa niya sabay ngiti nang sobrang tamis.
Gagawin talaga ni Catalina ang lahat para kay Razid dahil mahal na mahal niya ito mula noong makilala niya ito sa isang party.
Pumasok ang sasakyan ni Razid sa isang magandang mansion. Hindi na nagulat pa si Catalina sa gara nang bahay nito dahil sa mayaman naman talaga ang lalaki.
Nang makapasok si Razid, ay hininto niya ang kanyang sasakyan sa harap nang mansion nito at saka siya naglakad papunta sa naka bukas pa na gate at wala man lang katulong or guard na nagbabantay dito, Kaya malaya siyang naka pasok.
Nakarinig siya na parang may nagkakagulo sa loob kaya doon siya tumungo sa daan na nasa likurang bahagi nang Mansion para hindi siya mapansin nang mga tao sa loob.
Gusto niyang surpresahin si Razid at tiyak na matutuwa daw iyon. Nang makapasok siya galing sa back door bumungad sa kanya ang dining area. Nagtago agad siya sa gilid nang mga appliances kasi may mga katulong na busy sa pagluluto, nang tumalikod na ang mga ito ay agad siyang tumakbo papunta sa hagdan at hahanapin nalang niya doon ang kwarto ni Razid.
Habang nasa hagdan siya may nakasalubong siyang katulong pababa, kaya napayuko na lang siya. Pero tinanong siya nito.
"Excuse me Maam? Sino po kayo?" Tanong nito sa kanya.
Napamaang siya at hindi alam ang isasagot pero naisip niyang magsinungaling na lang.
"Im Mr.Montéves secretary. May kailangan ako sa kanya ngayon, nasaan ang kwarto niya?" Sabi niya sa katulong habang pilit na ngumiti. Kinakabahan din siya sa ginagawa niya.
"Doon po maam, sa pinakadulo." Turo nang katulong sa kanya, mabuti nalang at nauto niya ito. Dahil sa tuwa niya ay binigyan pa niya ito nang pera.
"Omygod! Thankyou soo much! Thankyouuuu. Paulit-ulit na pasalamat niya sa katulong. Here! Take this, its yours. Reward your self!" Nakangiti niyang sabi sa katulong sabay abot nang pera, natuwa talaga siya nang sobra dito. Kaya agad na siyang nagtungo sa kwarto ni Razid.
Nang makarating siya sa kwarto nito ay dahan-dahan niya iyong binuksan at saka siya pumasok nang mapagtantong walang tao. Sinusuri niya ang kwarto nang lalaki at hindi mapigilang mas lalong umibig dito nang makita ang mga klase-klaseng naggu-gwapuhang larawan nito na nasa dingding.
Humiga siya sa malambot na kama nito at niyakap ang unan saka inamoy ito.
"Hmmm. You smell nice darling. I cant wait to sleep and make love with you here." Kinilig siya bigla sa kanyang naisip, that was a dream come true. Kung mangyari man iyon masasabi talaga niya na siya na ang pinaka-swerteng babae sa buong mundo.
Bumangon siya at tiningnan ang picture frame na nakalagay sa mesa, larawan ito nang limang Montéves na magkakapatid pagka-bata nila.
Nabigla siya nang may narinig na rumaragasang tubig galing sa banyo kaya nabitawan niya ang picture frame sa gulat at saka ito nabasag sa sahig.
Hindi siya makapaniwala sa nangyari, ayaw niyang mas lalong magalit si Razid sa kanya kaya agad siyang nagpanic at nagpaikot-ikot na lang sa kwarto para makahanap nang paraan na ayusin ang nabasag niya.