CHRISTIANA "TIANA" DIGNIDAD'S P.O.V.
Hello po! Ako nga po pala si Christiana Dignidad. Tiana nalang po for short. Kamusta naman kayo diyan mga inday ug dodong? Chill lang po ba kayo diyan? Kung hindi, edi pachill kayo diyan hahaha! Joke lang naman. 'Wag masyadong seryoso kasi dapat masaya lang tayong lahat ngayon! Alam niyo ba kung bakit? Kasi malapit na kaming grumaduate!! Na-eexcite na ako aaaaaaaaaaahhh!!
"Uy Tiana! Ang laki ng ngiti natin diyan ah!" sabi ni Mariebelle.
"Oo nga eh! Siguro may iniisip ito ngayon." dagdag naman ni Khil.
"Hala mga echusera! Excited lang kaya ako." sagot ko sa kanila.
"Oh eh bakit nga?" tanong naman ni Chika.
Waw naman! Ganun ba talaga kahalata ang saya na nararamdaman ko ngayon? Excited na excited na talaga akong makagraduate! Tapos magtatrabaho na kami and all that. It is really exciting... pero... magkakahiwalay na ang tatahakin naming landas. Since maka-iba ang goals namin sa buhay. Kaiyak naman oh! Pero di ko na muna poproblemahin yun.
"Eh malapit na kasi ang graduation natin! Nakakatuwa lang kasi matatapos na rin tayo sa pag-aaral. Makakapagtrabaho na din tayo sa wakas!" sabi ko habang nakangiti parin. Grabe hindi man lang ako napagod sa kakasmile dito!
"Oo nga din naman! Sa wakas at konting tiis nalang ay di ko na makikita ang pagmumukha ni Sir Cruz!" excited na sigaw ni Khil. Grabe naman to siya oh! Maayos naman talaga si Sir Cruz eh. Itong ugok nato ang hindi nakakaintindi! Naku! If he wouldn't get on Sir Cruz' nerves ay magiging okay naman talaga ang lahat.
"Huy Dee! Hinaan mo nga yang boses mo! Baka marinig ka pa ni Sir Cruz! Patay ka talaga sa akin kapag hindi tayo nakagraduate ng dahil lang sa sinabi mo." banta ni Mariebelle.
"Biro lang Mee! Eto naman oh!" pagpapacute ni Khil kay Mariebelle. Si Mariebelle naman ay halatang naiinis parin pero hindi natiis ang paglalambing ni Khil.
"Jeez! Get a room you two!" nandidiri kong sinabi. Pwede bang wag nilang gawin yun in public? Too much PDA lang eh! Kadiri kaya! Kinikilabutan ako juskooooo!! Kamoteng kahooooyy!! Pero kahit ganyan yan sila ay di niyo masasabing di ko sila mahal. Mabuti nalang talaga at ang mga landas namin ay nagkatagpo.
"Oh tara na maglunch na tayo! Kanina pa ako nagugutom eh." pagrereklamo ko at tumayo na.
Patungo kami sa canteen nang may nakita akong blonde na babaeng matamlay na naglalakad sa lobby. Nasilayan ko ang kanyang mukha nang mapatingin siya sa direksyon naming. She's pretty though.
"Huy Tiana! Bakit nakatulala ka pa diyan? Pupunta tayo sa canteen, diba?" tanong ni Chika.
"Ah... O-oo naman! Tara!" nauna na akong pumaroon sa canteen. Di ko napansin na nakatulala na pala ako kanina. Jusko kahiya! Agree ba kayo? Kahiya no? Kahiyaaaaa!!
.✫*゚・゚。.★.*。・゚✫*.
.
.
.
Link to the picture above:https://twitter.com/caidychenkd
Credits to the rightful owner!
BINABASA MO ANG
Sila May Jowa, Ako Support Lang[On Going]
Teen FictionA story about highschool friends facing each of their problems, achieving their own goals, finding love and suffer a loss of someone. Will their bonds strengthen further? Or is it time to cut ties? #WarKada Series Date Started: November 10, 2019 Dat...