CHAPTER FOUR: "Antok"

9 2 0
                                    

MARIEBELLE GRACIA'S P.O.V.

Andito kami sa classroom namin at katabi ang dalawa kong bff as usual. I was telling them how great my weekend was! Curious ba kayo? Hmm... okay! Sasabihan ko na din kayo! Well, nung weekend kasi ay nagdate kami ni Khil. Alam niyo na, pambawi sa mga araw na hindi kami nag-usap dahil sa nakaraang alitan.

.

Kaya ngayong Monday, ang bongga ng gising ko dahil maganda ang mood ko! Ikinuwento din ni Chika sa amin na nagdate din pala sila ni Jude. To be honest, hindi ko ma-imagine ang date nilang dalawa.

.

Para sa akin kasi, Jude is too serious for me to even think kung ano ang naganap sa date nilang dalawa ni Chika. I mean yung mukha niya ay palaging seryoso. Resting b*tch face sa madaling salita. Yung tipong magdadalawang-isip ka pa na lapitan siya lalo na kapag tulala.

.

Habang nagkukwento pa si Chika, napatingin ako kay Tiana. She's resting her chin on her hand. Tapos nakapikit ang mga mata. Napansin ko rin na may eyebags siya. Nagpuyat kaya ito kahapon? Ano kaya ang ginagawa niya at ganito ang itsura niya ngayon?

.✫*゚・゚。.★.*。・゚✫*.

.

.

.

Lunch time na at hinihintay namin ni Chika ang mga boys sa usual seat namin. Nakita namin sila na pumasok sa cateen kaya itinaas namin ni Chika ang aming kamay. Nakita naman nila kami agad.

.

"Teka, ba't di niyo kasama si Christiana?" tanong ni Dee.

.

"Ayun, nagpa-iwan sa classroom. Inaantok," sagot ko.

.

"Huh?! Eh diba hindi naman yun nagpupuyat? Anyare sa kanya?" ~ Khil

.

"Yun na nga Dee eh. Hindi rin namin alam," sagot ko.

.

"Hindi din namin matanong kung bakit kasi nga tulog. I even had to write her notes para naman hindi siya maleft behind," dagdag ni Chika.

.

Jude took Chika's right hand and massaged her fingers. Patuloy naman sa pagkain si Chika using her left hand. Sinusubuan din niya si Jude after.

.✫*゚・゚。.★.*。・゚✫*.

.

.

.

Pagkabalik namin ni Chika sa classroom ay napansin namin na wala na si Tiana doon. Asan siya nagpunta? Napa-upo ako sa seat ko. I'm hoping na babalik si Tiana sa classroom. Pero dumating nalang ang teacher namin ay wala pa rin siya.

.

"Chika, wala pa rin si Tiana," sabi ko sa kanya.

.

"Pansin ko rin. Asan kaya siya nagpunta?" ~ Chika

.✫*゚・゚。.★.*。・゚✫*.

Sila May Jowa, Ako Support Lang[On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon