CHAPTER TWO: "Khil De Immature"

18 3 0
                                    

CHRISTIANA "TIANA" DIGNIDAD'S P.O.V.

"TIANA!"

"AY KABAYONG BOBA!" napasigaw ako sa gulat. Lintik naman oh! Kailangan pa talaga akong gulatin no?! Napatingin ako sa taong sumigaw ng pangalan ko. Si Chika pala.

"Inday Chika, utang na loob naman! Wag mo naman akong gulatin oh!" napahawak ako sa dibdib ko. Nagulat kaya ako ng bonggang-bongga! Relax lang Tiana. Relax.

"Ay sorry Tiana." sabi niya habang ginagawa ang puppy-dog eyes niya. Hay jusko kaning bayhana ba!

"Oo na! Oo na! Itigil mo na yan! Ano ba ang sadya mo at isinigaw mo pa talaga ang pangalan ko?" tanong ko. Sa ikinikilos kasi niya parang may masamang nangyari. Halata ang pag-aalala sa kanyang mukha at ang pagkataranta niya.

"Eh kasi sina Mariebelle at Khil... nag-aaway!"

"Huh?! Bakit?"

"Ewan ko! Basta sumama ka nalang!"

"Hala siya! Hindi ako basta-basta na makakalabas ngayon no?!" pagtutol ko.

"Bakit?"

"Cleaners ako inday! Minus points ako kapag di ako naglinis." sabi ko habang tinuturo ang walis kong hawak. Napa-facepalm naman siya.

"Pwede bang ipakiusap mo yan sa teacher mo ngayon?" reklamo niya.

"Strict ang teacher na naghahandle sa amin ngayon. Kaya di ako basta-basta na makakalabas." pabulong kong sinabi sa kanya. Kung mabait yung teacher namin, edi malamang nakalabas na sana ako ngayon.

"Uhm... excuse me? Ako nalang po ang bahalang maglinis. Puntahan niyo na po ang dapat niyong puntahan." narinig kong sabi ng random student. Titignan ko sana siya para tumutol pero kinuha na ni Chika ang walis kong hawak at ibinigay sa kung sino man yung student na nagvolunteer. Di ko nakita ang mukha nung student dahil hinila na ako ni Chika palabas ng room.

Ay grabe! Di halatang nagmamadali siya no? Kinaladkad niya ako sa lobby hanggang sa nakita ko na kung nasaan sina Khil, Mariebelle at Jude.

"Anyare ba sa inyo?" tanong ko sa kanilang dalawa.

"Itanong mo sa immature na yan!" galit na saad ni Mariebelle.

"Hindi! Itanong mo sa magaling mong kaibigan!" sabi ni Khil na halatang galit din.

So kanino ba talaga ako magtatanong? Sa statue nalang kaya ako magtanong baka sakaling sagutin pa ako? Hmp!

"Mag-usap nga kayo ng matino." kalma kong saad.

"Ayokong makipag-usap sa immature at hindi nakakaintindi!" commento ni Mariebelle.

"Ayoko din makipag-usap sa nakakairita!" sabi ni Khil at nagwalk-out na. Hindi rin nagpahuli si Mariebelle at nagwalk-out na din.

Jusmiyo! Naiinis ako sa inakto nila sa isa't-isa na para bang ayaw na nilang magkaayos. Nakakainis!

"Ano na ang gagawin natin?" tanong ni Chika. Sa totoo lang, wala pa akong maisasagot sa tanong na iyan.

"Let them cool their heads down first. It would help them think of something." Jude suggested.

Siyanga pala guys, huwag kayong mabigla kung hindi masyadong nagsasalita si Jude. He's not the talkative kind of guy at seryoso pa. So, I tend to avoid him when I'm in a mood to make a joke. Ayokong mamatay agad ang joke ko eh. Pero bumalik nga tayo kina Mariebelle at Khil, mukhang mas mabuti nga kung ipapakalma muna natin ang mga ulo nila. Kung sakaling mag-usap sila muli ay magdadala na ako ng one bucket of ice para pampakalma.

Sila May Jowa, Ako Support Lang[On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon