Chapter Four: #TheGreatUnknown

250 8 0
                                    

A year passed after Arnold was gone by a plane crash. Fely choose to keep going. She stood and provided for her family. Ginamit niya ang konting naipon nila ni Arnold para magtayo ng maliit na tindahan, sapat na para sa pangangilangan nilang tatlo. Anjie and Angel went to school. Di naman nagkaroon ng problema si Fely sa kanyang mga anak pagdating sa mga acads nito, lalo na si Anjie. Scholar kasi ito sa isang University malapit sa kanila. Si Angel naman kahit papano ay nag-aaral ding mabuti. But, it was never easy for them.  Walang araw na hindi umiiyak si Fely. She never stopped hoping and praying na babalik si Arnold sa kanila. Kapansin pansin naman ang pag-iiba ng ugali at pananamlay ni Angel. Si Anjie naman, halos subsob na sa kanyang pag-aaral. Minsan pa nga ay nasigawan niya ang bunso niyang kapatid dahil ayaw nitong magpaistorbo. 

Isang hapon, dahil maagang nakauwi si Anjie galing skwela ay nagpresenta itong siya na ang sumundo sa kapatid. "Ma, ako na po susundo kay Angel.", Anjie said to Fely. "Talaga? Sigurado ka? Wala ka bang gagawin?", tanong ni Fely habang tinitignan niya ang anak. "Wala naman po. Tsaka, ipapasyal ko na lang din po si Angel, pambawi po nung nakaraang gabi.", ang tugon ni Anjie na nag-aayos sa harap ng salamin. "O siya, sige. Tama yan. Nagtatampo yun sa'yo.", pagbibiro ni Fely sa dalaga. "Ma naman eh. babawi na nga po.", ang sabi ni Anjie nang hinarap niya ang nanay niya. Fely embraced her daughter tighter. Anjie did the same. "Nak, dalaga ka na talaga. parang kalian lang, ikaw pa yung sinunsundo namin ng papa mo sa school mo, ngayon, ikaw na ang magsusundo sa kapatid mo.", ang sabi ni Fely habang hinahaplos niya ang likod ni Anjie. Bumitaw naman si Anjie sa pagkakayakap ng ina at ngumiti dito. Hinawakan ni Fely ang kamay niya. "Nak, mangako ka. Di ka muna mag aasawa ng maaga ha?", biniro ni Fely ang anak. Tumawa naman si Anjie. "Ma, 16 pa lang po ako. Wala po akong balak pumasok sa mga ganyan.", ang sagot ni Anjie. Tumawa sila pareho. "Pero nak, seryoso na. Alagaan mo sarili mo ha? Wag mo masiadong isubsob sarili mo sa pag-aaral mo. Magpahinga ka din. Aanhin mo naman yung achievements mo kung yung katawan mo, bumagsak din? Ayokong may mangyari sa inyo ni Angel. Alagaan niyo ang isa't isa. Mangako ka anak, please?", sabi ni Fely. Ramdam na ramdam ni Anjie ang pag aalala at pagmamahal ng kanyang ina sa kanila ni Angel. Niyakap niya ito ng mahigpit. "Ma, pangako po. Aalagaan ko kayo ni Angel. Basta, wag niyo lang po kaming iwan ni Angel. Di ko na po kakayanin kung pati kayo, mawala din, Ma.", she said which made Fely teary eyed. "Nak, hindi man ako magtagal sa mundong ito, pangako ko, habang may hininga pa ako, hanggat nabubuhay pa ako, lagi ako sa tabi niyo. Mahal na mahal ko kayo. Mahal na mahal.", Fely said. Her words moved Anjie and hugged her mother tighter. "Mahal ka din namin, Ma." "O sige na, ang drama na natin eh. Kung andidito papa mo, sigurado ako pagtatawanan tayo nun. Hay naku. Lumakad ka na, baka tapos na kase klase ni Angel.", Fely said as she let go of their hug. Then Anjie wiped her tears, too. "Oo nga po eh. Sge po. Alis na po ako.", both of them giggled and waved goodbye.

Meanwhile, sa school ni Angel ay may nangyari.

"Wala siyang papa. Wala siyang papa. Iniwan ka ng papa mo dahil di ka niya love," pambubully ng isang kaklase ni Angel sa kanya. Angel cried at this. "Di yan totoo. Love kami ng papa ko.", as she cried harder. Lumapit naman ang teacher niya at sinaway ang kaklase niya. "Lyndon..", sabi ng teacher. "Don't do it again, okay? Magsorry ka. Hindi maganda yung nambubully ka ng kapwa. Masama yun.", as she held Lyndon's hands. Umiiyak pa din si Angel. "Sorry.", Lyndon said to Angel then left. Niyakap naman ng teacher si Angel. "Shhhh, tama na. Please, Angel, don't cry na ha. I know for sure naman, mahal kayo ng papa mo eh. Wag mo na lang pansinin yung sinasabi nila. Eto lage mong tatandaan, mahal kayo ng papa mo.", the teacher said. Angel hugged her teacher back and rested her head at her teacher's chest. She stayed quiet, she doesn't even want to talk. "Shhhh, gel. It's okay. Ganito na lang, pag inaway ka nila ulit, sabhin mo sa akin, tapos isusumbong natin sila sa parents nila. Okay ba yun?", the teacher asked. Angel nodded. Maya maya pay naabutan sila ni Anjie sa loob ng room. When she saw that Angel is crying, she rushed inside. "Gel?", she asked worriedly. "O, andito na pala si Ate mo. Hi, anjie.", the teacher said. "Good afternoon po, Ma'am. Ano pong nangyari? Ba't siya umiiyak?", Anjie asked again. "Amm. Her classmates teased her.", the teacher answered her then let go of the hug with angel. She looked at Angel's face. "Gel, pwede ba kaming mag usap muna ng ate mo? Go, get your stuffs muna. Okay?", the teacher instructed Angel. Then Angel nodded, and went to her seat. Pinaupo ng teacher si Anjie. "May problema po ba?", Anjie asked nervously. The teacher held her hands. "Tatapatin na kita Anjie. Gusto ko sana na yung mama mo yung kausapin ko, but I guess I couldn't wait until tomorrow. Academically, wala akong problema sa kapatid mo. She excel naman eh. Ang tataas nung scores niya. But emotionally and  physically, she doesn't look good. And kanina, her classmate bullied her. Pero, pinagsabihan ko na naman. I always tell them not to do it, kase hindi maganda. Don't worry, kakausapin ko din ang parents nung bata. Pero, yung kapatod mo anjie, I suggest, ipatingin niyo siya sa doktor. Naabutan ko siya kanina na parang naghahabol ng hininga eh. Hindi lang yan ngayon, last week, ganun din.", the teacher said while she looked at Angel arranging her things. Anjie looked at her little sister teary eyed. "Jie, alam kong hindi madali yang pinagdadaanan niyo. Ganyan din ako nung nawala si Papa samin eh. I know the pain you have. Ramdam ko kayo. But, please, wag niyo hayaang kainin kayo ng pain, ng guilt, to the point na di niyo na napapansin yung needs ni Angel. She may look good outside, but she's hurting inside.", dagdag ng teacher. Anjie nodded. "Thank you po.", then she smiled. The teacher patted her shoulders. "Gel, you good?", the teacher asked Angel. "Opo. Alis na po tayo, Ate.", Angel said while she walked towards her sister. Tumayo naman si Anjie. She extended her hand to Angel, then Angel immediately grabbed it. "Tara. Magpaalam ka muna kay teacher mo.", Anjie instructed her sister. "Bye teacher." she hugged her teacher and whispered "Salamat po" which touched the teacher. Then she let go of the hug and held her sister's hand. "Mauna na po kami. Salamat po", Anjie said as they walked towards the door. "Sge. Ingat kayo ha? Ikamusta niyo na lang din ako sa mama niyo.", the teacher said and bid goodbye.

A MOTHER'S CARESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon