Chapter One: #TeamBabes

570 12 2
                                    

"Fely! Ano ba yang pinasok mo?! Di ka na nagtira ng konting hiya para sa pamilya natin! Ano na lang ang sasabihin ng mga kasama ko sa negosyo pag nalaman nilang disgrasyada ang unica ija ko?!" sambit ng nanay ni Fely sa kanya. "Ma, hindi naman ako disgrasyada. Papanagutan ako ni Arnold. Nangako siya Ma. Nangako siyang bubuhayin niya kami ng magiging anak namin. At magpapakasal kami, dahil mahal namin ang isa't isa" biglang bumuhos ang luhang kanina pa pinipigilan ni Fely. Halatang nasaktan siya sa sinabi ng ina. "Kasal?! hindi ako papayag. Fely, pinag-aral kita sa magandang iskwelahan. Pinalaki kita ng maayos. Naghirap kami ng Papa mo para lang magkaroon ka ng magandang buhay. Matalino ka. Pero bakit ka nagpabuntis sa hampas-lupang Arnold na 'yan?! Hindi!!" sagot ng nanay niya. "Ma! Matanda na ako. Hayaan mo naman akong magdesisyon para sa sarili ko!", pagkasabi niya nun ay sampal naman ang umabot sa pisngi niya galing sa kanyang ina. "Swail kang bata ka! Hala sige! Patigasan tayo! Gusto mong sumama sa hampas lumpa na yan?! Magsama kayo!! Pero eto tatandaan mo, sa oras na lumabas ka jan sa pintuan na yan, wala ka ng magulang, wala ka ng babalikan sa bahay na ito!" pagmamatigas ng nanay niya. Agad namang nagsalita si Arnold para ipagtanggol ang mahal niyang si Fely, " Tama na 'ho. Kahit balibaliktarin niyo ang mundo anak niyo parin siya at apo nyo ang dinadala niya!". " Wala akong apo na hampas lupa! Lumayas kayo sa pamamahay na'to!" pabulyaw na sagot ng nanay ni Fely at tumalikod sa kanila. "Ma.," paiyak na tugon ni Fely. Napahinto naman ang kanyang ina na akmang aakyat sana sa hagdan. "Kaya niyo ba talaga kaming itaboy ng magiging apo niyo? Kaya niyo po ba talagang kalimutan na may anak kayong mahal na mahal niyo? Kaya niyo ba talagang kalimutan ang lahat alang alang sa pride niyo? Mas mahalaga pa ba sa inyo ang negosyo niyo kesa sa sarili niyong anak? Ha, Ma?". Di nakasagot ang kanyang ina. "Aalis na lang ako dito, Ma. Alang alang sa ikakatahimik niyo. Alang alang sa dignidad niyo!" Fely said as she cried harder. Naiwan ang mama niya na umiiyak. Umalis siya na mabigat ang loob. Habang nasa byahe ay di naiwasan ni Fely na isipin ang nanay niya. "Di ko naman gustong gawin to, Ma. Mapatawad mo sana ako balang araw.", sabi niya sa sarili habang tumutulo ang luha niya. Napansin naman ito ni Arnold na agad siyang niyakap at hinalikan sa noo. "Babes, nagsisisi ka ba? Nagsisisi ka ba na sumama ka sa akin? Na minahal mo ako? Kasi ako hindi eh. Mahal na mahal kita, at yung magiging anak natin. Pasensya ka na ha? Kailangan pang umabot sa ganito. Pero, babes, tandaan mo, hinding hindi ko pinagsisihan na minahal kita.", arnold said as he wiped Fely's tears. "Babes, wala akong pinagsisihan. The choice to be with you, I mean it. Mahal na mahal kita, babes. And I know, tutuparin mo yung mga pangako mo sa akin, sa amin ng magiging anak natin. Salamat babes, salamat sa pagmamahal.", Fely said as she guide her hands to Arnold's face. Arnold immediately held her hands, "Babes, no matter what will happen, I am yours forever." Arnold then give Fely a kiss on her forehead.

They lived in a small house. Simple at napakapayak na pamumuhay lang ang meron sila. Fifteen years passed after they got married and had two daughters. The eldest was named Anjie and the youngest, Angel. They're beautiful just like their mother. Napakasmart naman ni Anjie na never nawala sa honor list, napakamadiskarte at mabait na anak. Nakita ni Arnold how his family grew in number. So he decided na mag-apply outside the Philippines. One saturday morning, nabulabog si Fely ng sumigaw si Arnold, "Babes! ano bang nangyayari, ba't ka nagsisisigaw?" tanong niya sa asawa niya. "Babes, naalala mo ba yung kinuwento ko sa'yo na isang kumpanya sa US na naghahanap ng isang cook?" tumango lang si Fely. "Nag-apply ako", Arnold happily replied. "At?" pambabasag ni Fely. "Natanggap ako Babes!" Arnold said as he hugged fely tightly. Fely doesn't know kung anong mararamdaman niya, but she forcedly smiled para di mabasag ang saya ng asawa niya. Then, Arnold happily called her daughter na kasalukuyang naglilinis sa loob ng bahay. "Anak, AnJie, lika dito.". Lumapit naman ang bata. "Ba't po papa? May problema po ba?" tanong ni Anjie. "Eto namang anak ko, napaka seryoso. 15 years old ka pa lang eh, hindi ka 20.", Arnold said which made the three of them laugh. "Eh kase--," Anjie replied. Pinaupo siya ni Arnold sa gitna nila ni Fely. "Nak, hindi problema. Blessing. Natanggap si Papa dun sa US para maging cook.", arnold informed his child. "Aalis ka po Papa?", AnJie asked as her eyes started to water. "O, nak, wag kang umiyak. Hindi pa nga ako nakakaalis eh. Sandali lang naman yun nak. Tsaka, para din naman sa inyo 'to eh. Para mabigyan ko kayo ng magandang buhay, makapag-aral kayo ni Angel sa magandang skwelahan. Mahal na mahal ko kayo, kaya gagawin ko 'to.", Arnold said firmly. "Pero diba pwedeng dito ka na lang? Dami namang restaurant jan na pwede mong pasukan eh.", Fely begged. "Tama po si Mama, pa. Hindi mo naman po kailangang lumayo eh. Nagkakasya pa naman po kahit papano yung pangangailangan ng pamilya natin diba, Pa?" , Anjie sadly added. "Babes, Nak. Oo nga, pero syempre, may mga pangarap ako para sa inyo, at hindi yun basta basta matutupad kung didito lang ako. Kasya nga yung kita ko, pero di sapat para sa mga pangarap ko para sa inyo.", Arnold responded. "Pa, wag na lang.", AnJie said as tears fell from her eyes. Fely cried at the same time. What Arnold see broke his heart, but he is so firm with his decision. "Sorry na, sana maintindihan niyo ako. Para din naman sa inyo 'to eh.", Arnold said as he hugged his wife and daughter. He saw Angel running towards them, "sali ako. Yakap niyo din ako.", Angel protested without any idea of what was going. "Asus naman tong Angel namin, lika nga.", Arnold said as he stretched his arms to hug the three of them. Fely let Angel sit on her lap.

Then the day came. As usual, parang ayaw pa rin ni Anjie na paalisin ang tatay niya. However, Fely tried to understand his husband. Ang bunso naman nilang si Angel, ay wala pa ring kamuwangmuwang sa mga nangyayari. "Babes, mag-iingat ka dun ha?", Fely said as she put her hands on Arnold's neck. "Babes, lage naman akong nag iingat eh. Babalik ako dito ng safe. Pangako yan.", Arnold said in return and puts his hands on Fely's waist and kissed her forehead. "Babes, sayaw tayo.", he then added habang sinasayaw niya si Fely. "Ano ba? Babes naman eh. Aalis ka na nga, eto pa yung gagawin mo sa akin. Baka mahirapan akong bitawan ka't paalisin.", Fely said in kilig. "Babes, akala mo ikaw lang mahihirapan? Mahihirapan din akong umalis. Parang ayaw ko ng ihinto yung oras na ganito tayo.", sabi ni Arnold habang sinasayaw pa rin ang asawa. Nakita sila nina Anjie at Angel na sabay namang tumili, " Ayieeee, ang sweet niyo namang dalawa. Sali kami.", ani Anjie. Kahit malungkot ito'y, nakipagsabayan pa din sa mama at papa niya. "Hay naku! Pinapahirapan niyo ako lalo eh.", paiyak na sambit ni Arnold. "Wag ka na lang umalis kasi Papa.", Anjie said as she hugged his father. "Papa, babalik ka naman po dba? Sabi mo, bibili ka lang ng toys tsaka ng mga chocolates.", Angel interrupted them. Nahinto sila sa pagsasayaw. Kinarga naman ni Arnold si Angel. "Lika nga, mamimiss ko 'tong bunso ko eh. Oo naman anak, babalik ako. Dala dala ko ng yung toys na promise ko sayo.", Arnold assured his daughter then gently kissed her nose. "O sge na, tama na 'to. Anong oras na o, baka malate si papa nyo sa flight niya.", Fely said as she wiped her tears. "Papa," Angel and Anjie hugged their father tightly for the last time. "Walang iiyak, babalik ako! Pangako yan.", then he took his stuffs and kissed goodbye to his kids. Hinatid naman siya ni Fely sa pintuan, "Dito mo lang ba ako ihahatid?", tanong ni Arnold dito. "Babes, wag mo kong pahirapan please.", she said as tears fell from her eyes. Arnold couldn't help it, so he kissed his wife passionately. "I love you, Babes.", Arnold whispered then left. "Babay, Papa.", her daughters shouted. "Bye, Babes.", Fely said. Arnold waved goodbye. "I love you, babes." Fely whispered.

A MOTHER'S CARESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon