Part 3 - My Past

22 0 0
                                    

Nagising ako, oh my, 8pm na pala! Ang ingay ni mama, kakain na daw! pero hanggang ngayon nasa utak ko padin yun, parang gusto ko sabihin na JOKE LANG ATA YUN?! Hahaha. Pag uwi ko kanina lumulutang padin utak ko dun sa sinabi daw ni Matt.

Hanggang sa pag higa ko, nakatulog ako.

At eto, pagbaba ko ginanahan ako lumapang kasi sarap ng ulam sinigang na hipon. Wow! Boom busog nanaman ako nito. Hahahah!

"Oh kamusta unang araw ng baby ko?" Sabe ni mama sakin.

"Okay naman ma, tara kain na tayo. Nagutom po talaga ko eh." Ngiting sabi ko kay mama.

Pag akyat ko ng kwarto, nahiga agad ako. Napagod ako kanina eh, salpak ulit ng earphone tapos soundtrip. Ganda ng kanta! HILING BY SILENT SANCTUARY.

May lyrics dun na naalala ko nanaman siya, siguro nga naka move on na ko, pero hindi ko maiwasan na maaalala at mamiss ko siya, yung taong minahal ko ng sobra sobra noon, yung taong pinagbigyan ko ng lahat, yung taong nagsilbing buhay ko noon. Siya yung lahat sakin. First love ko siya, pero di ko inaasahan na siya din yung first heartbreak ko. Yung unang pagkakataon na nakaramdam ako ng sakit. Yung unang tao na nagbigay ng pasakit sakin.

Yung taong inalayan ko ng lahat, Eh siya rin palang gugunaw sa mundo ko. At eto, umiiyak nanaman ako.

Ilang beses naba? Hindi lang isa o dalawa.

Hindo ko na mabilang eh. Tsk.

Maya-maya naisipan ko ng matulog. Sakit sa mata eh!

The Badboy Is Mine.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon