Part 9 - Date tayo?

23 1 2
                                    

Malapit na maguwian, nag aantay nalang ng konting oras para magring yung bell. Tagal naman -_-

Inip nako, hahaha!

Tuwing naaalala ko yung nangyari kanina, parang kinikilig ako? Ay jusko ewan ko.

*RinnngRingg*

"Yun oh" mahinang sabi ko sa sarile ko.

Inayos ko na yung mga gamit ko, palabas na ko ng room. Pero nakita ko si Gelo.

Nakasandal sa may labas ng pinto, Lalagpasan ko na sana siya. Kaso bigla niya kong tinawag.

"Hoy." Tinignan ko lang siya, pero lumapit siya sakin.

"Problema mo ba?" Nagtatakang tanong ko sakanya.

"Wala, hatid kita?" Seryosong sabi niya.

"H-ha? Anung sabi mo?"

"Binge kaba? Gusto mong ulitin kopa?" Sabi niya sabay hila sa braso ko.

"Ano ba! Kanina mo pa ko hinihila. Magpaka gentleman ka naman Gelo!!" Sigaw ko, kasi nakakainis na siya. Tsk!

Bigla niya naman binitawan yung braso ko, pero nagulat ako kasi hinawakan niya yung kamay ko.

Omygooooood! Totou ba itu? T-teka,

Lumalakas yung kabog ng dibdib ko. Parang titigil ako sa paghinga. Hayssssh!

Ngayon ko nalang ulit naramdaman to.

"Sakay na." Sabi niya sakin. Di ko namalayan na sa may gate na pala kami. Daming nakatingin sakin! Ay samin pala. Ksi hawak niya padin yung kamay ko.

Pinagbuksan naman niya ko ng pinto, at sumakay nako. Naguguluhan padin ako. Tsk! Baliw na ata to eh.

"Hoy?" Tawag ko sakanya, tumingin naman siya sakin tapos inirapan ako. Aba ang taray uh?!

"Tss, Adik ata to eh." Bulong ko, sinamaan niya ko ng tingin ksi parang narinig niya ata. Pero tahimik padin siyang nagddrive. Binuksan niya yung radyo.
YOUR CALL BY SECONDHAND SERENADE.

ayun yung tugtog sa radyo, parang naging awkward. Nakarating kami sa tapat ng bahay, wala padin imikan. Bababa na sana ko! Kso hinila nanaman niya ko sa braso.

Haist! "Alam mo ba kawawa na braso ko sa kakahila mo sakin?!" Sigaw ko sakanya. Pero parang wala lang. Kasi natatawa pa siya! Mababaliw ako sa lalaking to!!

"Wala man lang thankyou?" Kalmadong sabi niya. Tapos nakangite. Nilapit niya yung mukha niya sakin. Anuba to?!-_-

"Ah.. eh.. T-thankyou. Kahit di ko naman sinabe na hatid mo ko." Tapos bubuksan ko na yung pinto ng magsalita siya.

"Kyla, Date tayo?"

"H-ha?" Nalaglag panga ko sa sinabe niya.

"Sabi ko date tayo! Sa weekend. Sige na baba na. Shuuuu!"

"Ayoko nga! Bahala ka. Ge." Nagtatampong sabi ko, Itaboy ba naman ako ng parang aso?! Bwiset.

"Aantayin kita."

Ayan yung huling narinig ko, bago ko bumaba ng kotse niya.

- - - -
Hi readers :D salamat kasi kahit pano may nagbabasa, pero di ko po alam kung itutuloy ko yung story. Comment naman khit isa :D mehehe. Para ganahan ako :( :( HUHUHU. Pero thankyou padin po. Mwa mwa.<3 ♥♥

-Chssyka.ü

The Badboy Is Mine.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon