Chapter 4

33 8 0
                                    

CHAPTER 4: Hidden Paradise

Jana's POV

Maaga akong nagising at pinaghanda ng almusal si Nana. Uyy independent ako kaya wag na kayong magtaka kung bakit ako marunong sa mga gawaing bahay. Tska si Nana mismo nagturo sakin na maging responsable kase sabi pa nga niya.

"Dadating tayo sa punto na wala na tayong maasahan kundi ang sarili natin. Kaya ngayon palang kailangan mong maging matayog para hindi ka magdepende sa ibang tao."

Yan ang eksaktong salita ni Nana na hanggang ngayon ay dala-dala ko parin.

Naramdaman ko namang may tao sa likod ko at pagtingin ko ehh si Nana lang pala.

"Haha ang aga natin ahh" Natatawang sabi nito. Nagulat naman ito nang makita ang mga hinihain ko.

"Wow. Ikaw ang nagluto ng mga ito?"

"Hehe opo."

"Wooow. Ang galing-galing mo na ahh." Sabi nito at ginulo ang buhok ko.

"Nana naman ehh." Nakapout kong sabi kaya tinigilan niya na ang panggugulo. Alam niya kaseng ayaw na ayaw kong ginugulo ang buhok ko.

"Kain na po kayo" Sabi ko sabay ayos ng buhok ko. Umupo na kami at sinimulan nang lantakan ang mga pagkain.

"Ahmm ok po?" Tanong ko.

"Hmm not bad. Masarap siya. Nakuha mo talaga ang talento niya pagdating sa pagluluto." Nakangiting sambit nito.

"Po?" Takang tanong ko.

Kanino ko nakuha ang talento sa pagluluto? Kay mommy? Ehh anlabo naman.

Mukhang nagulat naman ito pero nakabawi rin agad.

"Hahaha wala. Sabi ko bilisan na natin dahil aatend pa tayo nang brigada ngayon."

Owkey? Ang weird hah.
Pero instead na magtanong pa ehh tinuun ko na lang ang sarili ko sa pagkain.

Hindi na ako makapaghihintay makita ang bagong paaralan ko.

KAKATAPOS ko lang gawin ang pinatrabaho sakin ng isang guro dito. Pinalinis kami ng library at pina-arrange ang mga libro dito. At isa lang ang masasabi ko.

NAKAKAPAGOD!

Pero ok lang kase nag-enjoy naman ako lalo pa't may mga nakilala din ako na nakasama ko sa pagtatrabaho.

Ang sarap pala sa feeling noh ng maging normal. Yung di kana gagamit ng kapangyarihan para maglinis o ano pa man jan.

Nakakapagod pero napaka-worth it lalo pa't pinaghirapan mo itong gawin.

"Maraming salamat po." Nakangiting sabi ko sa guro bago kinuha ang inabot niyang papel na may pirma niya.

Ganito kase yon. Bago ka makakaenroll kailangan mo pa daw magbrigada o maglinis ng campus o saan man jan basta pinalinis sayo. At bibigyan ka lang ng mga enrollmemt form pag naipakita mo na ang signed paper ng guro na nagturo sa iyo kung san ka maglilinis.

Hahaha ang cool lang!

At dahil nakuha ko na ang mga forms ay kailangan ko na lang hanapin si Nana ngayon. Di ko kase alam kung anong ilalagay ko dito.  Haaay san na naman kaya ngayon nagsusuksok si Nana?

Sa paglilibot ko para mahanap siya ay halos namemorize ko na ang pasikot-sikot ng buong campus.

Malaki ang Red High pero ewan ko ba, ang liit nito sa paningin ko. Ni hindi nga ako nawala eh haha.

The Runaway Princess (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon