Chapter 19

30 5 0
                                    

CHAPTER 20: TRANSFEREE

Jana's POV

"So Mom. Sabi ni Kyoko may nangyari daw dito. Ok na ba ang lahat?" Tanong ni kuya na nagpaseryoso kay Nana.

Nasa hapagkainan na kami ngayon at nag-uumagahan. Di ko akalaing nakarating pala kay kuya ang nangyari. Haayst siguradong mapapatay talaga ako ni Nana pag nalamang ako ang pumatay sa halimaw na yun. Kase naman ehh. Iomenia to. Hindi ordinaryong pusa ang nakasagupa ko. Pano na lang kung malaki ang pinsalang nagawa namin ehh kung ganun madidiskubre ng mga normal na tao ang mundo namin. Haayst. Patay nga talaga ako.

And Kyoko? That name ring a bell. San ko nga ba yan narinig?

"Yan nga din ang ipinagtataka ko ehh. Paano nakarating dito ang pusang iyon? Tska, that deadly ruby came from Moonersha so isa lang ang ibig sabihin nun. May traydor dito." Sabi naman ni Nana.

Wait. Oo nga noh. Bat di ko naisip yun. Pero, sino kaya ang traydor na nandito sa Iomania?

" Napag-alaman na ba kung sino ang pumatay dun? " Tanong ni kuya kaya napatingin naman si Nana sa direksyon ko. Ewan ko ba pero may pag-aalala akong nakita sa mga mata nito.

"Hindi pa nga ehh. Pero sana nga mali ang iniisip ko." sagot nito kay kuya.

Waaaahh taena naman Nana ohh. Wag niyo po kayong ganyan. Naguguilty na kase ako. Napayuko tuloy ako ng wala sa oras.

Pagkarating namin sa campus agad dumeretcho si Nana sa principals office para mag report. Haaay. Feel ko ako ang pinang hihinalaan ni Nana na pumatay sa deadly ruby na yun. Tssk. Pag nalaman ito ng council at nina Mommy at Daddy ay sure akong paparusahan nila ako kaya mukhang ayaw magsalita ni Nana. Waaahuhuhu di ko na alam ang gagawin ko.

"Goodmorning Baby Zy!!!"
"Goodmorning Suzy"

Sabay na bati nina Grace at Yna kaya sinuklian ko din ito ng ngiti at bati ng magandang umaga. Ilang minuto ang nagdaan ay pumasok na si Teacher Cel. Sya kasi yung first subject namin ngayong araw.

"Goodmorning Class" Bati nito kaya agad kaming tumayo at bumati.

"Goodmorning Teacher Cel" Sabay-sabay naming sabi.

"Ok sit down. So before anything else I want you guys to welcome your new classmates." Sabi ni TC (Teacher Cel) na nagpaingay sa paligid. Eh? Pwede ba yun? Malapit na kaya ang second sem kaya mukhang impossible na ang magtrasfer pa. Tska classmates? Ilan ba sila?

Nakita ko namang nagtaas ng kamay ang isa sa mga kaklase ko.

"Pero teacher. Malapit na po yung second sem pwede pa ba yun?" tanong nito kaya napatawa yung guro namin.

"Haha nagawa nga nila so pwede talaga" sagot ni TC kaya napatawa kami. Hahaha nga naman. Common sense lang talaga ang kailangan dun hahahaha.
"Ok. Please introduce yourselves guys" sabi ni TC kaya isa-isang pumasok ang tatlong studyante na nagpagulat sakin ng husto.

What the? Bat sila andito?

Nakangiting pumuna si Naomi sa harap at naunang magpakilala.

"Goodmorning guys Naomi Nakahara at your service. 18 years of age. Young and fresh and also Wade's property." Pinipigilan kong wag matawa sa sinabi ni Naomi. Taenang young and fresh yan. Tska, Wade's property? Hmm. Sabi na ehh magiging sila din.

But seriously Suzy Janaira. You should get hold of yourself together. Hindi na maganda ang lagay ko sa lugar na ito. Mukhang kailangan ko na talagang magpakalayo-layo.

Pero bakit nga ba sila nandito? Ano bang kailangan nila. Geez ang tahimik na sana ng buhay ko papakealaman na naman nila.

"Haha sorry guys ang possessive kase nitong Naomi ko. By the way the names Wade Vincent Aliora. 18 years old. It's nice to meet yah all." Cool na sabi naman ni Wade. Sumunod naman si Aris.

The Runaway Princess (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon