PART 51: @Kasper's Hideout

40 1 0
                                    

👉FOOLISH LOVE👈

          PART 51

    @Kasper's Hideout

TAEYEON: Anong binabalak mo sa kanila?

KASPER: Wala naman. Wala naman kasi talaga akong plano.

TAEYEON: Ano?

KASPER: Boys, maghanda kayo may bisita tayo mamaya.

    
     @EXO's Dorm (7:45 p.m)

SEHUN: Eomma...

SUHO: Payag akong sumama kayo, pero ako lang muna ang bababa sa sasakyan.

LAY: Maiwan kayo dito Baekhyun.

CHEN: Sasama kami.

  *napagdesisyunan nila na isama si Lay, Chen, Xiumin, Kyungsoo, Sehun at Luhan*

         *sa sasakyan*

SEHUN: Eomma, sigurado ka ba dito?

SUHO: Oo. Wala silang alam sa mga nangyari kaya hindi sila dapat nadadamay.

LAY: H'wag kang mag alala, nandito lang kami.

  *ilang minuto pa ay huminto sila sa di kalayuan ng isang abandunadong gusali. Sinadya nilang sa malayo mag park para hindi sila mahalata. Bumaba si Suho sa sasakyan, pero hinawakan ni Lay ang kamay niya*

LAY: Mag-iingat ka.

SUHO: Hmm.

*kasabay ng pagtango nito ay ang pagbitaw sa kamay ni Lay. Naglakad siya hanggang sa makarating sa gusali, maliwanag sa loob dahil sa mga ilaw at ang liwanag ng buwan naman ang nagsisilbing ilaw sa labas. Lumabas si Kasper habang hawak ng mga tauhan niya si Ten at Taeyong*

KASPER: Welcome sa aking munting kaharian.

SUHO: Pakawalan mo sila.

KASPER: Ano ba yan, masyado ka namang nagmamadali.

SUHO: Ano bang kasalanan namin at ginagawa mo 'to?

KASPER: 3 years ago pinatay niyo ang dalawang taong mahalaga sa akin ng higit pa sa buhay ko!

SUHO: Hindi ko sinasadya ang nangyari.

KASPER: Kapag pinatay ba kita ngayon at sinabi kong hindi ko sinasadya, maniniwala ba sila!

  *mababakas sa boses nito ang galit*

SUHO: Ako nalang, pakawalan mo sila.

*unti unting lumapit si Suho, dahil hindi makapagsalita si Ten at Taeyong dahil sa panyong nakatali sa mga bibig nila ay umiiling sila, tanda ng hindi pag sang-ayon na lumapit si Suho sa kanila*

*tbc*

@FRANCINE ZHANG

Foolish LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon