PART 64: @Hospital

35 1 0
                                    

👉FOOLISH LOVE👈

                    PART 64

            @Hospital
*umuwi na muna si Taemin, habang nagpaiwan muna si Ten kasama si Suho at Lay*

TEN: May sasabihin ako sa inyo.

SUHO: Ano yun?

   *Sinabi lahat ni Ten ang nalalaman niya, kabilang na ang pag iimbistiga nila ni Kyungsoo. Hindi sila  makapaniwala sa mga narinig nila*

LAY: Kailangan natin siyang mahanap. Nasa panganib si Kyung at Baekhyun.      

           @EXO's Dorm

XIUMIN: Luhan, nasaan si Sehun?

SEHUN: Nasa kwarto niya.

KRIS: Kumain na ba siya?

LUHAN: Ayaw niya.

XIUMIN: Kausapin mo.

KRIS: Makikinig yun sayo.

LUHAN: Wala naman siyang kasalanan di ba?

XIUMIN: Lulu, walang may gusto sa nangyari.

KRIS: Puntahan mo na.

       @Sehun's Room

  *Nakaupo lang si Sehun sa kama niya, halatang malalim ang iniisip nito. Mababalas sa mukha nito ang lungkot at pag aalala*

LUHAN: Sese, kumain ka muna.

SEHUN: Wala akong gana.

  *ang dating masiglang boses nito ay napalitan ng walang emosyon*

LUHAN: Sese baka magkasakit ka niyan.

SEHUN: Ayos lang ako.

LUHAN: H'wag ka namang ganyan.

SEHUN: Tama naman si Chanyeol hyung, ako ang may kasalanan.

LUHAN: Wala kang kasalanan, nabigla lang si Chanyeol kaya niya nasabi yun.

SEHUN: Pero kung hindi dahil sa akin nandito pa sana si Baek.

  *Unti unting tumulo ang mga luha nito*

LUHAN: Sese tama na.

SEHUN: Kapag napahamak siya, walang dapat sisihin kundi ako.

LUHAN: Wala kang kasalanan at magiging ayos lang si Baekhyun.

SEHUN: Paano kung hindi? Iwan mo muna ako, gusto kong mapag isa.

LUHAN: Sese, mag usap muna tayo.

SEHUN: Lumabas ka na.

LUHAN: Please, kausapin mo muna ako.

SEHUN: Lumabas ka na.

LUHAN: Sese...

SEHUN: Hindi mo ba ako narinig? Ang sabi ko gusto kong mapag isa!

  *Tumayo si Luhan at tumalikod pero nagsalita muna ito bago lumabas*

LUHAN: Sige, pabayaan mo yang sarili mo! Kagaya ng pagpapabaya mo sa relasyon natin! *lumabas ito ng kwarto*

👉HunHan😔😞

  @FRANCINE ZHANG

Foolish LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon