Prologo

74 15 0
                                    

Ika-1 ng Setyembre taong 1943

Paikot-ikot ang binatang si Alfonso sa kaniyang mumunting silid at tila ba hindi ito mapakali. Malalim ang kaniyang iniisip na para bang napaka seryosong bagay ang dapat niyang pagdesisyunan.

Paglipas ng 5 araw ay anibersaryo na nila ng kaniyang sinta na si Leonora Corazon.

Balingkinitan, kulay plumang mga mata, may busilak na puso, mahaba ang buhok at mapagmahal na dalaga na walang ibang ginusto kung hindi ang mabuti para sa kaniyang pamilya. Iyan ang dalagang bumihag sa puso ng binatang si Alfonso Panizares.

Habang palakad-lakad ay nabangga niya ang baskagan (bilog na lalagyan ng litrato) na may larawan ni Leonora at nabasag ito.

Isang ideya ang pumasok sa kaniyang isipan.

Bilang regalo sa kaniyang irog sa kanilang pangatlong anibersaryo ay aalayan niya ito ng isang liham at kuwadro (ipinintang larawan).

Agad siyang kumuha ng kaniyang mga materyales at nagsimula na sa trabaho.

Isinawsaw niya ang kaniyang pinsel sa paleta na may iba't ibang kulay at ipinahid ito sa kanbas. Sa bawat pagpahid niya ng kulay dito ay siya namang pagbalik ng mga ala-ala sa kaniyang isipan.

Ilang beses nasubok ang pagmamahalan nila ni Leonora na kung tutuusin ay sapat ng dahilan para sila ay sumuko at itigil na ang labang nasimulan.

Unang pagsubok, ang pagtutol. Dahil nag iisang anak na babae si Leonora, hindi sang ayon ang kaniyang magulang na ipagkasundo ang kanilang unica ija sa lalaking maharlika. Kilala ang mga lalaking maharlika bilang manloloko at puro pera ang laman ng kaisipan.

Pero pinatunayan ni Alfonso na siya ay naiiba sa iniisip ng mga magulang ni Leonora. Hindi siya naglabas ng salapi kundi ay pinaghirapan niya ang lahat ng inireregalo sa pamilya ni Leonora at sa mismong dalaga.

Dahil dito ay nakuha niya ang loob at tiwala ng pamilya ng dalaga. Pinatunayan niyang ang lalaking nagmamahal ay mayroong paninindigan.

Ikalawang pagsubok, katunggali. Mayroong matalik na kaibigan si Leonora mula pa pagkabata. Hindi maitatangging malapit sa isa't isa ang dalawa. Marami silang alam tungkol sa isa't isa at para bang wala ng lihim sa pagitan nitong dalawa.

Umamin ito kay Leonora nang nanliligaw pa lamang si Alfonso sa kaniya. Batid ng binata na wala siyang binatbat kumpara sa matalik na kaibigan ni Leonora.

Isang gabi ay naisipan niyang sumuko dahil sa labis na inggit at panlulumo. Nang akmang ipagtatapat niya na ito kay Leonora ay umamin bigla ang dalaga na ito rin ay nahulog na sa kaniya.

Hindi maipaliwanag na kagalakan ang naramdaman ni Alfonso at nabuhayan siyang muli ng loob. Naisip niya na kung hindi siya lumaban at kung hindi niya kinuha ang pagkakataon, hindi siya mananalo gaya na lamang ng nangyari ngayon.

Ilan lamang iyan sa mga pagsubok na naranasan nila pero imbis na pahinain nito ang kanilang relasyon, nagsilbi pa nga itong pundasyon upang mas tumibay ang kanilang pagsasama.

Naalala rin niya ang araw kung kailan siya sinagot ni Leonora. Ito ay naganap sa tabing ilog habang kalaliman ng gabi sa gilid ng simabahan ng San Diego.

Ika-6 ng Setyembre taong 1940

Tumatakbong tumungo ang magkasintahang Alfonso at Leonora sa tabing ilog malapit sa simbahang ng San Diego.

"Sandali lang Alfonso, masyado kang mabilis tumakbo!"

Pahingal na singhay ng dalaga sa binata. Aba nga naman! Kumpara sa haba ng bias ay lugi ang dalagang si Leonora dahil hanggang dibdib lamang siya ni Alfonso.

Pinta ng TadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon