Ika-5 ng Setyembre taong 2020
Kaniya-kaniyang pili ng upuan ang mga estudyante sa loob ng bus. Pero dahil huli na naman si Yuri ay sa likod na naman siya makaka upo dahil ito lang naman ang natirang bakante.
Pagkaupo ay sinalpak niya agad ang kaniyang earphones at sinuot ang neck pillow niya. Ang gusto niya lang gawin buong fieldtrip nila ay matulog ng matulog.
At hihiling sa mga bituin na minsan pa sana ako'y iyong mahalin
Ilang gabi na rin siyang hindi nakakatulog ng maayos magmula noong nanood siya ng bagong labas na horror movie.
Hihiling kahit dumilim ang aking daan na tatahakin
Karagdagan pa, may mga napapanaginipan siyang mga tao na hindi naman niya kilala minsan pa nga ay kasama siya sa mga panaginip na iyon.
Patungo... sa iyo
Pagkagising niya ay sakto namang nandito na sila sa kanilang unang destinasyon. Niligpit niya ang kaniyang earphones at hinanda ang kamera na kaniyang dadalhin.
"Dalian mo Yuri! Umiiyak ka na naman. Ano te puro senti na lang alam sa buhay? Baka maiwan na nila tayo!" Pagmamadaling sigaw ng kaniyang kaibigan na si Azi.
Pagkababa nila ng bus ay naghanap agad siya ng palikuran dahil sa sobrang tagal ng biyahe ay tinatawag na siya ng kalikasan.
Humiwalay muna siya sa grupo at hindi na niya nagawang magpaalam dahil sa pagmamadali.
Mukhang makasaysayang lugar ang kanilang napuntahan kung kaya naman puro luma ang mga bahay dito. Napakaganda ng pagkaka preserba dahil mga wala pa itong sira at mukhang naalagaang mabuti.
Nakita niya ang isang ale na may dalang mga prutas at gulay, akmang papasok ito sa isang bahay roon kung kaya agad na lumapit si Yuri at nagtanong kung saan pwedeng gumamit ng palikuran.
"Excuse me po, where is the comfort room?" Namimilipit na tanong ni Yuri dahil konting-konti na lamang ay puputok na ang kaniyang pantog.
"Ano kamo iha?"
"Ah. Palikuran po ang ibig kong sabihin, saan po ba iyon dito?" Muli niyang tanong.
"Aba'y palikuran lang pala! Akala ko naman ay kung ano na! O siya halika, sumunod ka sa akin at ituturo ko ang daan." Nakangiting tugon ng matanda.
Pinapasok siya ng matanda sa loob at tinanong ang kaniyang pangalan. Tinuro nito kung saan ang palikuran at nagmamadaling tumakbo si Yuri sa loob.
"Ale salamat po. Tutuloy na po ako."
Nakapagtataka. Dahil kanina lamang ay nasa labas ito ng palikuran at nasa kusina na nag aayos ng pinamili pero ngayon ay siya na lang ang naiwan sa loob.
Naisipan munang mag ikot ni Yuri sa bahay. Mukha namang kasama ito sa binayaran ng magulang niya para sa educational tour, maganda rin sapagkat nauna na siyang maglibot dito habang wala pang tao.
Mukhang mamahalin ang bawat kubyertos, kagamitan, dekorasyon at mga materyales ang nandito. Tila isang bagay lang ang masira ay kulang pa ang kikitain niya sa tatlong buwan bilang propesor.
Umakyat siya sa hagdan at tinungo ang munting sala roon. Maraming nakasabit na paintings at pictures. Isa-isa niya itong tiningnan.
Sa unang larawan ay mayroong pamilya. Sila ay binubuo ng apat na miyembro. Binata at batang lalaki at ang kanila sigurong inang may sakit dahil halata sa mukha nito ang pamumutla at pamumungay ng mga mata.
Sa ikalawang larawan ay binata na nakasuot ng sumbrero, kasuotang panlamig at bota. Mukhang nasa malamig na lugar ito dahil may mga niyebe sa lugar kung saan kinuhanan ang litrato.
Sa ikatlong larawan naman ay litrato ng magkasintahan. Bakas sa mga mukha ang kasiyahan at pagmamahal na para bang punong-puno sila ng pangarap para sa isa't isa.
Hanggang sa napunta na siya sa gitnang larawan. Ito ay nakapinta gamit ang iba't ibang kulay. Bukod pa riyan, agaw pansin ito dahil sa hindi maitatangging ganda ng naka ukit dito.
"¡Dios mío, no toques eso!" (Huwag mong hawakan 'yan!)
Nagulat siyang napatingin sa sumigaw na lalaki.
Napabalikwas na napatayo si Yuri sa kaniyang kinauupuan nang hampasin siya ng unan ni Azi. Panaginip lang pala. Panaginip na naman.
"Huy ano bang nangyayari sayo? Gumising ka na nga diyan. Nandito na tayo."
Naguguluhan man ay sumunod na rin siya kay Azi palabas ng sasakyan. Bilang unang destinasyon ay tumungo sila sa isang Antique museum. Malaki ito at mukha talagang makaluma.
"Nandito tayo ngayon sa Antique museum. Ito ay itinayo noong Hunyo 4, 1998. Ito ay bahay noon na inayos at ginawang museo. Ang mga bagay na nandito ay mula pa sa mga lumang kagamitan sa iba't ibang bahagi ng Pilipinas. Hanggang maaari ay huwag ninyo itong hawakan. Mayroon kayong isang oras upang maglibot sa buong pasilidad."
Naglakad-lakad ang dalaga sa iba't ibang bahagi ng bahay. Mayroong espada na ginamit pa noong panahon ng hapon, mga libro na ginamit noon upang pagtaguan ng mga liham na hindi maaaring mabasa ng mga español at marami pang iba.
Pagkatapos lumibot sa ibaba ay umakyat naman siya sa ikalawang palapag. Sa kanan ay makikita ang kamera noong sinaunang panahon. Sa gitna ay ang obra maestra ng may ari raw ng bahay na ito.
Pagtingin doon ay tila para bang napako si Yuri sa kaniyang kinatatayuan. Ito... ito ang painting na nakita niya sa kaniyang panaginip. Hindi lang iyon, kamukha niya pa ito!
Sa ilalim ng pinta ay may lamesa na kung saan mayroong deskripsyon na nakasulat gayundin ang liham ng pintor.
"Mi Amor"
Ang kuwadrong ito ay nilikha noong ika-6 ng Setyembre taong 1943. Ito ay likhang sining ng isang batikang pintor na si Alfonso Panizares.
Inialay ang obrang ito sa isang dalaga na kaniyang inibig na inilayo ng kamatayan.
Mahal kong Leonora,
Sana ay masilayan mo balang araw ang obra na aking inialay para sa iyo. Tulad ng isang bulaklak ay namumukadkad ang iyong kagandahan, ito ay nangingibabaw at nakahihigit sa lahat. Hinihiling ko sa mga tala na sana lamang ay maka sulyap ka kahit sandali sa aking mumunting regalo.Pinaglayo man tayo ng kamatayan, mananatili akong totoo sa sinumpaan nating salaysay na maghihintay hanggang sa muli tayong magkasama.
Ikaw ang una at huling dalaga na aking aalayan ng talento at pag ibig.
Hanggang sa muli,
AlfonsoHindi namalayan ng dalaga ang pagtulo ng mga luha mula sa kaniyang mga mata. Para bagang damang dama niya ang bawat letra na nakasulat sa lumang papel sa kaniyang harapan. Itinaas niya ang kaniya ulo at tumitig sa mata ng dalagang nasa kuwadro.
"Nandito na ulit ako Alfonso at kung nasaan ka man sa mundong ito, hahanapin kita aking sinta. Maghintay ka lamang. Hindi na makahahadlang ang panahon ni kamatayan sa pag iibigan nating dalawa."

BINABASA MO ANG
Pinta ng Tadhana
RomanceTulad ng isang obra, ang pag ibig ay likhang sining na napaka ganda. Makikita lang ito kung iintindihin natin ang mga natatagong mensahe dito. Mga taong nasa pagitan ng buhay at kamatayan, nakaraan at kasalukuyan, muli pa kayang magtatagpo?