New Family, New Life
"Sila nga pala ang mag aampon sayo, Shine" Sabi ni Sister M.
Humarap ako sa kanila. Naka upo sila sa aking harapan. Hindi ko inakala na may aampon pa saakin. Matanda na ako not exactly na matanda pero sa edad na 17 inakala kong wala nang aampon saakin.
"H-hi po! Ako po si Autumn Riv-"
"De Luna, Honey. Your name is Autumn De Luna right now." Nakangiting sinabi ni Mrs. De Luna.
Namula at nahihiyang tumango ako sa kanya. It's like a wish come true na may umampon saakin. Dati naiinggit ako sa mga batang inaampon dito sa bahay amponan. Hinihiling ko na sana may umampon saakin para makaranas na rin ako ng pamilya pero lumipas ang ilang taon walang may gustong amponin ako dahil sa edad ko. Ngayon nasa harapan ko na ang isang mag-asawang handang amponin ako at ilagay ang kanilang apelido sa aking pangalan.
The guy next to her chuckle
"Hi, Honey. Ako nga pala ang magiging daddy mo. Call me Papa, if you want. At siya naman ang magiging mommy mo, call her Mama. " Sabi niya na may ngiti sa kanyang labi.Tumango ako at may sasabihin na sana, ng may nagsalita na tao sa likod nila.
"Luke" Dun ko lang na pansin na may tao pala dun. Tinignan ko kung saan siya galing. Napataas ang aking kilay ng makitang naka higa pala ito sa isang upuan na mahaba sa likod nila Mama. Chour hehe sanayin na natin ang pagtawag ng mama. Hindi siya naka harap saakin naka talikod habbang naglalaro ng phone niya.
"Kuya Luke" Sabi niya.
Ngumiti ako sakanya kahit hindi niya yung nakita.
"Hi, kuya Luke" Sabi ko sabay nag bow ng kaunti.Tumawa si mama at sinabing
"No need for the formalities, honey. Part kana ng family ngayon kaya hindi mo na kailangang mag bow okay?"
At ulit, namula na naman ako sa kanyang sinabi.
"Autumn, ngayong hapon kayo pupunta sa bago mong bahay. "
Sabi ni Sister M.Umalis na sina Mama para ihanda ang sasakyan sa labas. Dali dali akong pumunta kay Sister M at agad siyang niyakap ng mahigpit.
" Maraming salamat, sister M sa pag alaga mo saakin dito *sobs* bibisitahin kita parati." Paalam ko habang umiiyak. Niyakap niya rin ako.
"Shh. Hindi ka dapat umiiyak okay? Smile, Shine. Sige na punta kana sa bago mong mga magulang" Maiiyak niyang sabi.
"Okay po" Ngumiti bago tumakbo papuntang sasakyan.
"Bye Ate Shine!" Sigaw ng ibang mga batang nakasama ko na habbang nasa bahay amponan ako.
"Bye! Bibisitahin ko kayo dito!" Sabi ko habbang sumasakay sa loob ng sasakyan.
Naka-alis na kami sa bahay amponan. Katabi ko ngayon si Kuya Luke na naglalaro ng kanyang phone. Nasa harapan naman sina mama at papa na masayang nagkekwentohan.
"Autumn anak" Tawag saakin ni Mama.
"P-po" Kinakabahan parin ako ngayon dahil nga hindi ako sanay.
"Feel free to ask anything okay?"
Dahil doon naglakas loob akong mag tanong kung bakit nila ako inampon.
"Uhm... Mama bakit nyo po ako inampon?" Diretsahang tanong ko.
Lumingon sa likod si mama sabay ngumiti.
"Nangako kasi ako sa Isang matalik na kaibagan na aalagaan kita at ituturing na anak ko na rin"
Naguluhan ako sa sinabi niya pero hindi ko nalang yun pinansin, nagtanong pa ako ng ibang walang kwentang tanong. Ilang oras ang makalipas pumaaok ang sasakyan namin sa isang malaking gate na may DL na initial sa gitna. May color gold at black ito. Namangha ako nang makita ko ang bahay na magiging bahay ko na rin.
"Woah! Ang laki nito Mama!" Namamangha kong sabi.
Mama and Papa chuckled beside me habbang si Kuya Luke naman dedma.
"Pasok na tayo, Anak" Sabi ni papa habbang buhat ang mga gamit ko.
May tinawag siyang mga maid na kumuha ng gamit ko at inakyat.
"Ma, Pa. Nandito na pala kayo."
Lumingon ako sabay nakita ang isang lalakeng naka formal attire pero naka suot ng apron at may hawak na sandok? Anong triping nitong si kuya?
"Oh! Kasama niyo na pala si Autumn" Lumapit siya saakin sabay niyakap ako. Nabigla ako sa ginawa niya, para akong na istatwa sa lugar ko. Dagdag narin sa masyadong higpit na pagkayakap niya saakin, hindi na ako makahinga ng maayos.
"Can't breath-" Sabi ko.
Agad niya naman akong binitawan sabay tumawa. Teka? Baliw ba toh? Ba't tumatawa ito mag isa?
"Hahaha, sorry about that sister. I'm your Kuya Alexander, alex nalang dahil ang haba ng alexander eh" Sabi niya habbang inaayos buhok niya.
"H-hi kuya Alex!" Dahil sa kabado na ako masyado napabow ako ng wala sa oras.
Mas lalong tumawa si Kuya Alex, pero ngayong hindi lang siya ang tumawa kasama na sila mama at Kuya Luke. Namula ako dahil sa kahihiyan.
" Cute mo sis. Haha " Sabi ni Kuya Luke na hanggang ngayon tumatawa parin.
Nagogolohan na talaga ako dito sa pamilyang ito. Baliw ba sila? O sadyang may saltik lang talaga sa utak ang mga kuya ko? Hindi ko nalang sila pinansin at tumingin kag mama.
"Go to your room now, honey. Take a rest muna then kakain na tayo ng hapunan." Sabi niya habbang hinahaplos ang buhok ko.
Tumango ako at naglakad paakyat ng hagdan. Patuloy lang ako sa paghakbang ng maalala ko na hindi ko alam kong saan ang kwarto ko. Tinignan ko kung may tao ba sa napuntahan ko pero wala. Well, I think I am lost in this house.
"Ang tanga mo rin kasi eh, Autumn. Sana tinanong mo muna kung saan kwarto. Kainis" Pagsesermon ko sa aking sarili.
Tutuloy ko pa sana ang pagsesermon ng may narining akong tawa. Lumingon agad ako sa kung saan ang ingay. Doon ko nakita sila Kuya Luke at Alex na tumatawa. Napahinto sila ng makita ako at agad na pinuntahan.
"Are you lost my dear sister?" Tanong ni Kuya Alex.
"Isn't it obvious, Kuya Alex? Duh!" Sabi ni Kuya Luke.
"Letche ka! Petchugas!"
Dahil doon nagsimula na silang magbangayan tungkol dun. Habbang ako nandito parin nakatayo, hinihintay kong kailan sila hihinto.
Dumaan ang ilang minuto, hindi ko na talaga kaya! Kailangan ko nang mag cr. Kaya hindi ko na napigilan ang malikut kong mouth.
"Titigil o titigil?" Tanong ko gamit ang nababagot at nagmamadali kong tinig.
Huminto sila sa pag-aaway ng marinig nila ang sinabi ko. Nagkatinginan silang dalawa at sabay na tumawa.
Creepy.
Baliw talaga to sila!
" Haha sorry lil sis, ihahatid ka nalang namin sa kwarto mo" Sabi ni Kuya Alex habbang naglalakad papunta sa isang malaking door na kulay berde.
"Here is it, lil sis. Take a rest muna ah" Tinapik niya ang aking ulo sabay na umalis kasama si Kuya Luke.
Agad akong pumasok sa loob ng sinasabi nilang kwarto ko. Ang ganda! Nang makita ko ang kama agad akong nahiga. Nagpagolong golong ako sa kama ng mapansin ko na parang may stars sa kisame ko.
Ngumiti ako.
This is it pancit!
New Family, New Life.
BINABASA MO ANG
Autumn, Save Me
Teen Fiction"Ate sana parati tayong magkasama." She chuckles "Oo naman, kambal tayo diba? Kaya walang iwanan!" "Akala ko hindi moko ibibigay?! Sinungaling!" "I'm sorry, lil sis." This is a story about a young maiden who grows up being an orphan. She always loss...