New School.
Hindi ako makatulog ng maayos dahil sa nakita ko kagabi. Buong akala ko maayos at masaya ngayon si Summer sa kanyang pamilya. Pero akala ko lang pala yun. Haysss.
*knock, knock*
"Autumn, iha. Gising ka na. Papasok na kayo ni Luke ng sabay" sabi ni Ma'am Rena, ang mayordoma namin dito sa bahay.
"Opo, Aling Rena. Salamat"
Bumangon na ako upang maligo. Kailangan ko mahimasmasan sa nangyari kagabi. I turned on my speakers and played some jazz songs. Natapos na akong maligo at nagbihis ng aking nakahanda na uniform. Ang ganda tignan. Black ang color ng blouse na may red na ribbon habbang ang palda naman pinaghalong black at red na stripes. Ang hindi ko lang gusto is ang iksi ng palda tsk.
Sinuot ko na ito at tignan ang sarili sa salamin. Hmmm parang may kulang. Kinuha ko yung chains sa drawer ko. Ito yung bigay ni Recka sa akin nung 17th birthday ko. Nilagay ko yun sa palda ko at hinayaang nakasabit. Nilagay ko na rin yung pin name ko.
Hinawakan ko yun at hinimas. Autumn Francheska De Luna ang nakalagay. Hayss. Naalala ko naman si Summer.
Nag-ayos ako ng buhok. Pinalugay ko lang ito at inayos ang bangs ko na hindi naman kadamihan. I put some makeup too, not so dark just light one so it's not noticeable. And the final touch, I quickly grabbed the gift that Ashton gave to me. I'm now ready.
Bumaba na ako upang kumain. Nakita kong kumakain na rin sila Kuya Alex dun pero wala sila mama at papa.
"Lilsis, sit here and eat. Baka malate pa kayo ni Luke sa klase." Ahhh oo nga pala.
Umupo na ako katabi ni Kuya Luke at kumain.
"Bilisan mo Autumn. Baka dahil sayo malate pa ako. Tsk." Sabi ni Kuya Luke habang naglalakad papuntang pintuan.
Inirapan ko nalang siya. Binilisan ko nalang ang pag-kain.
"Kuya, aalis na kami. Bye"
Sabi ko na nagmamadali baka iwan pa ako ni Kuya Luke dito.
"Sige, ingat kayo."
Sumakay na ako sa sasakyan ni Kuya Luke.
Nakalimutan ko palang sabihin sa inyo na isang taon lang ang gap namin ni Kuya Luke tapos kay Kuya Alex naman ay lima na taon. Senior High ako ngayon habbang si Kuya Luke naman ay nasa first year niya sa college.
"Kuya… may kilala ka bang summer? Summer Rivas?"
Natanong ko bigla sa kanya. I feel him stiffed after I asked that. I was curious because I know that my twin is famous. Really Famous, I mean.
It took him minutes to reply.
"Yeah, she suffered a lot."
Hindi ako nagsalita. Nakaramdam ako ng awa at galit sa sinapit ng aking kakambal.
"I know that she is your twin sister. Akala ko nga nung una kong nakita pic mo ikaw si Summer." Sabi niya.
Sinabi niya lahat ng karanasan niya kasama si Summer. Lahat ng masasamang ginawa ng pamilyang umampon sa kanya. Hindi ko na kaya. Gusto ko nang alamin kung bakit nawawala siya ngayon. Gusto kong malaman kong sino yun.
Hindi ko na malayan na nasa loob na pala kami ng school. Pagka park ni Kuya Luke ay nagpaalam na siyang umalis dahil baka malate siya sa performance nila. He's the lead guitarist ng sikat na banda sa school namin. Umalis na rin ako at nagtungo sa bulletin board. May lumapit sa akin na pamilyar na tao.
"Hey! Autumn. Sabay kana saamin. Magkaklase naman tayo eh" sabi ni guy na palangiti.
Confused man sumama parin ako. Nakarating kami sa 4th floor. Nasa pinaka hulihan ang classroom namin malapit sa cr. Agad kaming pumasok sa classroom. Lahat ay pamilyar saakin. Nagbalik tanaw ako sa nangyari kahapon. Tama! Sila pala yung mga imbetado sa debut ko at ito namang kumausap saakin kanina ay naka sayaw ko sa roses. Hmmm ano nga pala pangalan nito.
Lahat ng mga kaklase ko ay nag hi sa akin. I waved and smiled too. Awkward pa rin sa akin. Hindi ako sanay na ganito ang pakikitungo sa akin ng mga kaklase ko. Nasanay na akong parati akong binabalewala sa loob ng classroom. Kaya nakakapanibago ito.
"Hi, Autumn!" Sabi ng isang magandang babae. Yekss. Bat ang ganda niya? Nakakatomboy.
"Sayang wala ako sa party mo. Hehe ako nga pala si Monique Sanchez. You can call me Nika hahaha."
" uhmmm hi." Sabi ko naman sa kanya.
Umupo siya sa harapan ko at lumingon sa gawi ng lalakeng katabi ko.
"Huy Mark, asan sila Fourth?" Tanong niya dito.
Ahhhh Mark pala name niya. Hahaha na remember ko na ito pala yung lalaking laughtrip na nakasayaw ko. Haha.
"Ayun busy mag hintay." Sagot ni Mark.
"Ha? Anong hinihintay nila?" Takang tanong ni Nika.
"Hinihintay nilang mapansin mo sila. Boommmm" Grabe talaga Hahaha. Kaya ayun nakatikim siya ng isang malutong na mura sabay binatukan siya.
"Nagtatanong ng maayos. Tse bahala ka dyan" sabay alis ni Nika.
"Halaka hahaha" sabi ko habang tumatawa.
Nakita ko rin tumatawa siya pero parang iba ang tawa niya. Bahala na.
Tumunog na ang bell kaya naman nag ayos na ako ng upo. Nakita kong papasok ang isang lalake. Nakatalikod ito sa amin kaya hindi ko pa makita mukha niya. Nang humarap ako malapit kong matapon ang iniinom kung juice. Alam nyo ba ha? Alam nyo ba sino magiging adviser ko? Walang iba kundi si KUYA ALEX! Popcorn! Akala ko business ang pinag-aralan nito. Wala namang sinabi na education.
Nakita ni Kuya Alex ang reaction ko kaya naman napatawa siya ng mahina. Sinangotan ko lang siya. Tseee.
" Good Morning Oldcorne. I will be your adviser for this school year. The name's Alexander. But you can call me Sir Alex." Sabi niya nang nakangiti.
Nagtilian naman ang ibang kaklase ko. May nagtanong pa kay kuya na single pa ba ito. Sagot naman ni kuya na oo pero hinihintay niya pa na sagutin siya nito.
Wait! Bakit sabi niya kahapon na ipapakilala niya daw girlfriend niya sa akin. Wala na ba sila ng gf niya?
Habbang nagkukwentohan sila Kuya. Nakita ko siyang panay tingin sa gilid ng room. Sinundan ko yun, nakita kong may isang babaeng naka glasses na nagbabasa lang ng libro. Hmmm.. parang may something.
Maya ko nang alamin yun. Focus muna tayo ngayon sa introduce yourself. Ano kami? Kindergarten? Ito kasi si Kuya eh walang magawa. Dapat daw creative way.
Kaya ayun na pa kanta ako ng wala sa oras habang nagpapakilala. Nagpalakpakan naman silang lahat.
"Great job Miss Autumn. You can take a sit now." Sabi niya.
Bumalik na ako sa upuan ko at inobserve ang mga kaklase ko. Lahat ay approachable at masayahin. Parang magugustuhan ko sila ah. Hahaha.
So hi new school.
BINABASA MO ANG
Autumn, Save Me
Teen Fiction"Ate sana parati tayong magkasama." She chuckles "Oo naman, kambal tayo diba? Kaya walang iwanan!" "Akala ko hindi moko ibibigay?! Sinungaling!" "I'm sorry, lil sis." This is a story about a young maiden who grows up being an orphan. She always loss...