Chapter 5

12 5 0
                                    

The Gift

Nandito ako ngayon sa hardin naglalakad habbang nagbabasa.
Mamaya pa daw kasi ako tatawagin, kaya heto ako ngayon pasyal pasyal lang ang peg.

Abala akong nagbabasa ng may nabangga ako at akmang matutumba malapit sa fountain.

"Ahh!" Sigaw ko dahil akala ko matutumba na talaga ako pero may humawak sa kamay ko at hinila yun.

"Woops, mag-iingat ka sa dinadaanan mo miss, baka sa susunod hindi ka lang sa tubig mahuhulog." Sabi niya.

"Sorry"

Agad kong sinabi atsabay tumayo. Dun ko lang napansin na ang librong binabasa ko kanina ay ngayon ng lumulutang sa tubig. Hayysss.
Humarap ako sa kanya. Jucyprut! Ang gwapo ah. Tsk. Sana all.

"Uhmm...thanks ahh sa uhnm sa pagsalo saakin." Napapautal kong sabi.

"Okay lang yun, haha sige balik na ako sa loob" sabi niya at umalis na.

Huminga ako nang malalim ng napansin kung hindi pala ako humihinga habbang kinakausap siya. Babalik na sana ako ng may humawak sa braso ko. Tinignan ko ito at nakita kong siya pala ito. Hindi palang siya nagsasalita agad ko siyang niyakap.

"Mabuti nakapunta ka, Love" sabi ko habbang hinihigpitan ang yakap ko sa kanya.

"Naman. Haha Debut ng mahal ko eh" Bumitaw siya sa yakap at agad na hinalikan ako sa labi. Namula naman ako dahil sa hiya na baka may makakakita saamin.

"Happy Birthday, Autumn. Autumn Francheska De Luna" sabi niya sabay binigay ang regalo niya saakin. Binuksan ko ito at nakita kung necklace pala ito na may A na pendant.

"Ahh Thanks! Love" akmang yayakapin ko sana siya ng makitang papunta dito ang totoo niyang girlfriend. Nagtataka man bakit imbetado ito sa birthday ko. Hindi ko nalang yun pinansin.

"BABE!" sigaw nito.

Kumirot naman ang aking puso ng makitang niyakap niya ito. Tss. Dapat ako yun eh.

"Uhmm...Ashton. Thanks dito ah" ngumiti ako sa kanila para hindi niya makitang naapektuhan na naman ako. Patago lang kami. Hindi kasi kami pwede dahil galing siya sa isang mayamang pamilya tapos ako pinanganak na mahirap at ulilang lubos pa. Tama kayo ng iniisip. Patago akong Girlfriend ni Ashton Ruiz ng mahigit 3 taon na. Kuya ni Recka na siya namang bestfriend ko at syempre alam niyang may relasyon kaming dalawa ng kuya niya.

"Ohh. Nandyan kana pala babysis. Papasok na tayo." Sabi ni Kuya Alex.

Ngumiti ako sa kanya at agad na pinulopot ang kamay ko sa braso niya.

"Kwentohan moko sa storya nyung dalawa nun Love mo ahhaha" Bulong niya saakin. Nagulat naman ako dahil nakita niya pala iyon.

"Hindi ko naman sasabihin sa iba babysis" sabi niya.

"Oo sige mamaya kuya, kung hindi ako mapapagod ngayon haha" Tumawa ako sandali at huminga ng malalim.

"Let's all welcome, the Debutant! Autumn Francheska De Luna!" Sigaw ng parang host sa loob ng venue.

Agad namang bumukas ang malaking pinto sa harapan namin nila Kuya Alex at Kuya Luke. Teka! San pala to galing? Hindi ko nalang ito pinansin at tumingin sa harapan. Napakaganda ng entrance ko. Pagkabukas ng pinto may mga bubbles na lumulutang.

"Let us also welcome her Brothers! Alexander and Luke De Luna!" Pakilala ng host sa kanila kuya.

Lumapis ang mahabang panahon ng party hahaha. Oras na pala sa 18 roses.

"1st Rose. Ang kaniyang Father, Alexandre Lucas De Luna."

Sinayaw ako ni daddy at binati. Sinabi pa niyang bukas ay may family outing kami kasama mga pinsan ko. Natuwa namn ako dahil dun.

Autumn, Save MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon